Isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa libu-libong gumagamit na ngayon ng bagong social media app na Threads.
Ang Threads ay ang bagong application na pagmamay-ari ng Meta—ang parent company ng Facebook, Instagra, at WhatsApp.
Katulad ng Twitter, ang Threads ay isa ring text-based platform na puwedeng mag-post ng text na hanggang 500 characters, pati pictures, links, at videos na hanggang limang minuto ang haba.
Kasunod ng pag-install ni Pia ng Threads nitong Huwebes, July 6, 2023, ay ang unang pagpost din niya sa nasabing social media platform.
Ibinahagi niya ang "worst experience" niya sa Twitter app na siya ngayong kalaban ng Threads.
Kuwento ng beauty queen-actress, noong 2020 nang maranasan niyang ma-bash dahil lamang sa pag-tweet niya tungkol sa Anti-Terrorism bill.
Bukod pa sa bashing ay nakatanggap din daw siya ng threats na dahilan para i-uninstall niya ng panandalian ang account niya sa Twitter upang maiwasan niyang mabasa ang hateful comments laban sa kanya.
Mababasa sa post ni Pia (published as is), “Okay, story time! Share your worst Twitter experience.
“I’ll go first—getting hate tweets literally every 30 seconds in 2020 when I voiced out my opinion on the Anti-Terror Bill.
“I remember not even shading the govt or the president, I just tweeted a hashtag and got so much hate."
Naranasan din daw niyang ma-harass at pagsalitaan ng masasakit na salita.
“One of the worst was 'sasaksakan ko ng tubo p*ke mo, bobo ka walang alam.'"
"I had to uninstall the app for a week to avoid checking the mentions."

Ang House Bill 6875, na kilala rin sa tawag na Anti-Terrorism Act of 2020, ay may layong palakasin ang umiiral na Human Security Act of 2007.
Sa pagpasa nito noong July 3, 2020, ay maraming nangamba dahil baka magamit ang batas na ito para tugisin ang mga kritiko ng gobyerno na hindi naman terorista— na malinaw na paglabag sa karapatang pantao.
Read: Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez defends anti-terror bill against critics
Pagpapatuloy pa ni Pia sa kanyang Threads post, isang anonymous account ang hindi siya tinantanan at patuloy na binabantayan ang bawat post niya sa social media.
Maging ang mga brand endorsement daw niya ay hindi nakaligtas sa mga bashers na pilit siyang sinisiraan.
Lahad niya, “I also remember being stalked and ridiculed by a certain account for YEARS. And regularly too.
"This person was reading into every single post, comment, video I was doing on every platform, including all my family and close friends.
“They would also message the endorsements and brands I work with to destroy me with made up narratives.
"It was wild."
Ilang beses na raw niyang ni-report sa Twitter ang pangha-harass sa kanya ngunit sa kasamaang palad ay wala naman daw itong ginawang aksyon.
“I reported many MANY times with clear evidence but Twitter did nothing.
“It was clearly slander [and] abusive behavior. I had to sit there [and] take it for years.”

Read: Celebs make compelling video to say anti-terror bill is a form of dictatorship
Sa huli, umaasa si Pia na ang bagong application na Threads ay manatiling "toll-free," kung saan ay malaya ang bawat isa na maglabas ng opinyon at saloobin na hindi makakatanggap ng anumang pananakot.
Aniya, "Finally a place where we can write down our thoughts and not get death threats for having an opinion [rolling eyes emoji].
"Hopefully Meta can keep this app troll-free!"

Read: Jeremy Jauncey on marrying Pia Wurtzbach: “The best decision we ever made.”
