PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Paula denies Sabrina M.'s Rico Yan claim

Katrina Paula reveals conversation with Rico's ex-girlfriend, Claudine Barretto.
by Jojo Gabinete
Published Jul 12, 2023
katrina paula sabrina m. rico yan
Katrina Paula (left) to Sabrina M. (center), who claimed that she had a relationship with late actor Rico Yan (right): “Sis, kung dito tayo masisira, wala akong magagawa. Basta ang sa akin, sinabi ko lang yung totoo. Kung nagkaroon kayo ng one-night stand, baka one-night stand. Pero yung relasyon na two and a half years, alam mo sa sarili mo na noon mo pa ako kaibigan. Noon pa. Hindi ko alam kung paano mo itinago sa akin yung two and a half years na yon. Wala talagang ganoon.”
PHOTO/S: Instagram / ABS-CBN

Matalik na magkaibigan ang mga dating sexy star na sina Sabrina M. at Katrina Paula.

Pero posibleng magkalamat ang kanilang relasyon dahil sa mga pahayag ni Katrina sa Cristy Ferminute, ang programa ni Cristy Fermin sa One PH, ngayong Miyerkules ng hapon, July 12, 2023.

Pinabulaanan ni Katrina ang rebelasyon ni Sabrina na nagkaroon ito ng relasyon kay Rico Yan noong nabubuhay pa ito

Ayon kay Katrina, alam niya ang katotohanan dahil magkaibigan sila ni Sabrina.

Read: Sabrina M. reveals secret relationship with Rico Yan: "After Claudine, naging kami, umabot din ng taon."

Tanong ni Cristy, “Nagkaroon ba ng relasyon ang namayapang si Rico Yan at si Sabrina M. sa pagkakaalam mo bilang saksi?"

Sagot ni Katrina, "Nay, wala. Walang relasyon na naganap sa kanila.

"Baka nagkatikiman sila, pero yung relasyon, hindi ko alam kung saan nanggaling."

Nang ipaalaala ni Cristy ang insidenteng pinuntahan noon nina Katrina at Sabrina ang magkakaibigang sina Rico, Dominic Ochoa, at Marvin Agustin sa Clark, Pampanga, sinabi ni Katrina na may namagitan sa kanila ni Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkakasama rin ang tatlong aktor sa dating sitcom ng ABS-CBN na Whattamen (2001-2004).

dominic rico marvin whattamen

Dominic Ochoa, Rico Yan, and Marvin Agustin publicty photo for 'Whattamen'

Saad ni Katrina, “Wala kaming relasyon [ni Marvin], Nay, as in ano lang, alam mo yung kabataan days, mapusok or malalandi.

"Yun lang po ang nangyari. Wala pong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, ako, aaminin ko, ha. Sorry sa mga anak ko, pero alam ng mga anak ko, kasi professional na yung mga anak ko.

"Pero ito talaga ako, e. Malandi. Ako yung malandi.

"Kami ni Marvin, nagkalandian, pero hindi ko maintindihan kung paano yung sitwasyon na sinasabi ni Sab."

Patuloy ni Katrina, “Sobrang bait po ni Rico Yan. Sobrang marespeto siya.

"Pinatuloy niya kami doon. Siya na lang yung nag-give way para makatulog or makahiga kami sa kama.”

Ang pahayag na ito ni Katrina ay kumpirmasyong nagtungo nga sila ni Sabrina sa Clark para puntahan sina Rico, Dominic, at Marvin.

katrina's conversation with claudine barretto

Is apang tanong ni Cristy kay Katrina, “Minsan lang ba nasabi ba sa yo ni Sabrina na naging magkarelasyon sila ni Rico?”

Tugon ni Katrina: “Oo, nasabi niya sa akin yon, pero walang relasyon na matagal. Siguro nga nagkatikiman sila pero walang relasyon."

Ibinahagi rin ni Katrina na nagkausap sila ni Claudine, na kasama niya sa pelikulang Loyalista, ang life story ni Imelda Papin .

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad niya, “Hindi ko ine-expect na si Claudine Barretto yung bida sa… ang tagal ko nang hindi gumagawa ng pelikula.

“Biglang nagpakilala ako sa kanya. Sabi ko, ‘Hi Claudine, ako si Katrina Paula.’

“Sabi niya, ‘I know you.’ Sobrang na-touch ako dahil kilala niya ako.

"Sino ba naman ako? Siya si Claudine Barretto, di ba?

“Sabi niya, ‘Di ba, friend mo si Sabrina?’ “ Sabi ko, Oo.' Alam mo ‘yung confident akong sumagot na oo kaibigan ko si Sabrina.

“Sabi niya, ‘Baka puwede akong makiusap. Sabihan mo naman yung friend mo.’

“Ganoon siya kalumanay. Gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. Bakit ko pa sinabi na kaibigan ko si Sabrina?

“Sobrang bait ni Claudine. Sobrang bait niyang nakiusap sa akin na, 'Baka naman puwede mong sabihan yung kaibigan mo na huwag na niya akong idamay at saka baka naman, huwag na niyang gamitin si Rico kasi matagal na siyang namatay. Kawawa naman.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

claudine barretto katrina paula

Claudine Barretto (left) and Katrina Paula

Ayon kay Katrina, kinausap niya si Sabrina upang iparating ang sinabi sa kanya ni Claudine.

“So, dahil kaibigan ko naman itong Sabrina, e, sinabi ko sa kanya. Parang deadma lang siya. 'Ha?' Ganyan-ganyan lang siya.”

Naaawa rin daw si Katrina kay Rico dahil hindi na nito maipagtatanggol ang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Si Sabrina, matagal ko nang kaibigan, pero hindi ko alam kung bakit siya nagbukas ng… alam mo yon?

“Kawawa naman si Rico Yan, paano niya ipagtatanggol ang sarili niya, e, wala na siya.

FRIENDSHIP OVER?

Nang magtanong si Cristy kung ilusyonada o naghahalusinasyon si Sabrina, sinabi ni Katrina, “Hindi naman po siguro.

“Nagbago naman na talaga siya. Nagbago na si Sab. Wala na siya sa stage na ganoon pero baka talagang gusto niyang sumikat.

“Uulitin ko lang po, hindi ako nakikisawsaw dito sa isyu na ito. Sobrang nabaitan lang ako kay Claudine Barretto.”

Nang hingan ni Cristy si Katrina ng mensahe nito para kay Sabrina, nanindigan ang dating sexy star na pawang katotohanan lamang ang kanyang isiniwalat at maaaring kagustuhan na rin daw ni Rico na magsalita siya tungkol sa nalalaman niya.

Read: Katrina Paula to help raise funds for Sabrina M's bail

“Siguro ito yung time na FO [friendship over] na kami kasi nagsalita ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako yung totoo lang naman ang akin. Yung totoo lang naman yung sa akin na sasabihin ko. Walang nag-utos. Walang nagsabi.

“Para sigurong sinabi sa akin ni Rico Yan na, ‘Katrina, baka naman puwede mo akong tulungan kasi kilala kita. Ikaw yung puwedeng magsalita at makapagpatunay.’

“Baka sinabi niya kasi ang tagal ko na pong hindi gumagawa ng pelikula, ipinakilala niya sa akin si Claudine Barretto na sobrang bait.

“Kinikilabutan ako. Nagsimba ako kagabi sa Baclaran. Ipinagtirik ko siya ng kandila.

"Sabi ko, ‘Kung ito ang way mo para manahimik ka na talaga,' sabi ko, 'gagawin ko ito, Rico Yan.'

"Kasi sobrang Claudinian at Rico… Para silang KathNiel dati. Ako yung fan.”

katrina paula sabrina m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katrina Paula (left) and Sabrina M.

WAS SABRINA M. AT RICO YAN'S WAKE?

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Sabrina, binanggit nitong pumunta siya noon sa burol ni Rico sa La Salle, Greenhills at sa libing nito sa Manila Memorial Park, Parañaque City, noong April 4, 2002.

Read: Sabrina M. shrugs off negative comments after revealing secret relationship with late Rico Yan

Pero kinontra ito ni Cristy.

Sabi ng veteran showbiz columnist at radio host, “Nandoon kami literal, araw-gabi halos, ni anino ni Sabrina M., hindi namin nakita sa burol at sa libing.

"Paano niya sasabihin na magka-live in sila ni Rico Yan, e, ang magka-live in noon, si Claudine at si Rico?”

Sa pagkakataong ito ay pinatotohanan ni Katrina ang pahayag ni Sabrina na nagpunta sya sa burol at libing ni Rico.

Aniya, “Hindi po, Nay. Nagpunta po kami noon sa La Salle dahil siguro naging magkaibigan kami, yung tropang Whattamen at saka kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero hindi ko alam kung saan nanggaling yung two and a half years," pagtukoy ni Katrina sa sinabi ni Sabrina na itinagal ng relasyon nila ni Rico.

Pero pagkontra ulit ni Cristy, “Hindi ko kayo nakita kahit kailan. Hindi ko kayo nakita.”

Bago natapos ang panayam sa kanya ni Cristy, nagparating si Katrina ng pakiusap kay Sabrina.

Aniya, “Sis, kung dito tayo masisira, wala akong magagawa. Basta ang sa akin, sinabi ko lang yung totoo.

"Kung nagkaroon kayo ng one-night stand, baka one-night stand. Pero yung relasyon na two and a half years, alam mo sa sarili mo na noon mo pa ako kaibigan. Noon pa.

“Hindi ko alam kung paano mo itinago sa akin yung two and a half years na yon. Wala talagang ganoon.”

Hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag ang pamilya ni Rico Yan tungkol sa mga alegasyon ni Sabrina M.

Bukas din ang PEP.ph sa panig nina Marvin Agustin at Dominic Ochoa kaugnay ng mga naging pahayag ni Katrina Paula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Paula (left) to Sabrina M. (center), who claimed that she had a relationship with late actor Rico Yan (right): “Sis, kung dito tayo masisira, wala akong magagawa. Basta ang sa akin, sinabi ko lang yung totoo. Kung nagkaroon kayo ng one-night stand, baka one-night stand. Pero yung relasyon na two and a half years, alam mo sa sarili mo na noon mo pa ako kaibigan. Noon pa. Hindi ko alam kung paano mo itinago sa akin yung two and a half years na yon. Wala talagang ganoon.”
PHOTO/S: Instagram / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results