Nagtambal sina Alden Richards at Bea Alonzo sa Kapuso primetime series na Start-Up PH (Setyembre-Disyembre 2022), na halaw sa 2020 South Korean romantic drama series na Start-Up.
Read: Bea Alonzo, Alden Richards lead powerhouse cast of Start-Up PH
Naudlot kapagkuwan ang pelikula nila na Pinoy adaptation ng 2004 South Korean romance melodrama film na A Moment To Remember.
Read: Pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards, hindi na tuloy
Magkasama muli sila sa isang TV show ng GMA-7, ang Battle of the Judges na magpa-pilot sa Hulyo 15, 2023, Sabado ng 7:15 p.m.
Host si Alden ng programa, samantalang isa si Bea sa apat na hurado na magbabakbakan. Ang tatlo pa ay sina Boy Abunda, Jose Manalo, at Atty. Annette Gozon-Valdes.
Itinanggi nina Alden at Bea ang bali-balitang magkaaway sila after doing Start-Up PH. Friends pa rin daw sila.
Napag-usapan ba nila iyon personally?
“Honestly, yes. I mean, hindi… It’s a very light misunderstanding na kailangan lang talagang pag-usapan, and never naman kaming hindi naging okay," tugon ni Alden sa mediacon noong Hulyo 9, Linggo, sa Studio 6 ng GMA Network, Quezon City.
“Kasi it’s always about open communication. And nung napag-usapan naming dalawa yun, tinawanan lang namin siya at the end of the day.
“And yun nga, ngayon we agreed to do Battle of the Judges together right after Start-Up.
“So, hindi rin po talaga namin gets kung bakit ang laki-laki niya outside. Hindi namin gets kung bakit lumaki siya nang ganun na parang naging out of hand siya.
“Maybe siguro nagkulang din ng pagpapaliwanag on our end. Kasi nga busy po kami sa mga projects namin and bihira po kaming magkaroon ng time makausap of course ng press and the media.”
WORKING RELATIONSHIP
Kumusta ang working relationship nina Alden at Bea sa Battle of the Judges, kumpara sa pagtatambal sa teleserye?
“Parang ngayon, parang mas wala pong effort.
“Mas relaxed. Kasi we’re not portraying any character, wala kaming mine-memorize.
“Although yes, may script, pero mas sa akin po yung script, then introductions lang naman po yung sa judges natin.
“Mas madali at saka mas enjoyable. Kasi personally po, mas sa akin, on my part. Kasi si B [palayaw ni Bea], sa kanya yung trabaho, e. Sa judges po yung trabaho dito, e.
“So, yung… minsan po kasi, nagtatanung-tanong din po ako sa staff, ‘Paano nag-prepare ang team na ganito?’ ‘Paano ang team ni B, kay Tito Boy, kay Jose?’
“Gets ko rin po kasi kung paano magganun. Before po kasi, sa Sunday All-Stars, nagkaroon po kami ng segment na naglalaban-laban po yung mga teams.
“Kina-cluster po kami into four groups, and then apparently po naging team leader ako ng isang team.
“So, kapag may mga naririnig po ako na ginagawa nila, like si B nga, yung gastos, yung effort… naiintindihan ko siya, e.
“Kasi siyempre at the end of the day, gusto mong manalo yung bata mo, e. So, nakakatuwa na parang, ‘Ahh wow! Meron din pala talaga na mga tao who think the same way as you are when it comes to competitions like this.’
“And for the benefit din naman po sa mga talents na hawak nila.”
LESSER INTERACTION
Sambot ni Bea, “Yung working relationship namin ngayon, actually mas konti ang time na nag-i-interact kami. Kasi nga, bising-busy ako dun sa mga contestants.
“Siya naman, bising-busy naman sa pagho-host niya. So, lesser yung time na nag-i-interact kami until nandun na kami sa stage.
“But I guess, pareho kaming nagse-share ng… parang we both can relate to the contestants.
“Kasi nag-contest ka rin before,” saad ni Bea habang nakatingin sila ni Alden sa isa’t isa.
Pagpapatuloy ni Bea, “Ako, nanggaling ako sa beauty contest. Dun ako na-discover before I became an artista.
“So, naiintindihan ko yung feeling na nasa isang contest ka at gusto mong manalo. So I guess, we share the same feeling and we can relate to the contestants.”
Read: Johnny Manahan names his most admired artists: Jericho, Piolo, Bea, Alden, Sanya
Natutuwa si Bea na nagkasama silang muli ni Alden sa Battle of the Judges.
Nanghinayang ba siyang hindi natuloy yung movie nila na joint venture ng Viva, GMA Pictures, at APT?
Lahad ni Bea, “Oh! It’s a beautiful story. In fact, nag-workshop na kami ng madaming beses. Nag-storycon na kami. So, magandang-maganda talaga yung character.
“Of course, every opportunity naman na hindi magagawa, siyempre nakakalungkot. But I also believe in destiny.
“What is meant for you will always find its way. So, alam ko na ang para sa akin ay para sa akin.”
