Walang pag-aatubiling sinagot ni Bea Alonzo ang tanong kung takot ba siyang mawala ang kanyang kasikatan.
“Natatakot ka bang malaos?” diretsong tanong ni Boy Abunda kay Bea sa Fast Talk With Abunda episode nitong July 13, 2023.
“Sa totoo lang, Tito Boy, hindi... to be totally honest with you,” kalmadong sagot ng Kapouso actress.
“Because I believe lahat tayo darating doon. You have to be gracious about it."
Kailangan daw mabigyan ng pagkakataon ang iba.
Paliwanag niya, “Because you’ve had your time, you were able to do the things you wanted to do.
“And it’s about time to give the chance to others, and you always have to be gracious about it.
“You have to be able to pass the baton to another with grace.
“I’m just so happy that my body of work… until now they are being appreciated online, and sometimes even on social media, and these characters will always be immortalized. “
Read:
- VIRAL: Foreign teens spit repeatedly at popular tourist spot in Bohol
- Sanggol na Filipino-American, bagong mukha ng Gerber food brand
BEA says SHE CAN LIVE COMFORTABLY FOR THE REST OF HER LIFE
Sinagot din ni Bea ang tanong kung kaya na niyang mamuhay nang kumportable kung titigil na siya sa trabaho.
“Sa tingin ko po, Tito Boy,” tugon ni Bea.
Nakapag-ipon na raw siya sa matagal na panahong nagtatrabaho siya.
“I say it with humility, that I was able to work for more than 22 years now, and I was able to save enough for myself and for my future family.
“Kung hindi magiging extravagant ang lifestyle ko…
“And I am so thankful that I was able to do that.”

Ikinuwento pa ni Bea na isa siya sa mga masuwerteng naging kumportable ang buhay kahit noong kasagsagan ng pandemya at nagawa pang makatulong sa mga nangangailangan.
Malaki ang pasasalamat ni Bea sa mga nagturo sa kanya para humawak ng pera, tulad ng kanyang ina, ang manager na si Shirley Kwan, at ang Star Magic founder na si Johnny “Mr. M” Manahan.
Read: Memorable graduation moments! May rumampa, nagdala ng sariling medalya, nagbitbit ng picture ni Nora
ISSUE WITH ALDEN RICHARDS
Samantala, nagbigay rin ng pahayag si Bea tungkol sa isyung nag-away umano sila ni Alden Richards.
“Hindi kami nag-away. Nagkaroon kami ng samaan ng loob, but hindi kami nag-away,” paglilinaw ni Bea.
Kinumpirma rin ng aktres na nagkaayos na sila ng Kapuso actor.
Sina Bea at Alden ay nagtambal sa Start-Up PH (2022), ang Filipino adaptation ng sikat na Korean drama.
May kinalaman daw sa kanilang propesyon ang hindi nila pagkakaunawaan.
Ani Bea, “I guess it’s also because we have different backgrounds… as artists.
“Also, I think nagkaroon lang ng mga misunderstandings while on set, but we were able to talk about it.
“I remember we were on a plane going to Davao while we were promoting Start-Up. Pinag-usapan namin like mature people and we were able to sort things out.”
