Labis na ikinagalak ni Sharon Cuneta ang ipinapakitang pagpapahalaga sa kanya ng bagong anak-anakan niyang si Alden Richards.
Magkasama ang dalawa sa pelikulang A Mother And Son's Story.
Ngayong Huwebes, July 13, 2023, ibinahagi ng Megastar sa Instagram ang screenshot ng pangungumusta ng Kapuso actor sa kanya ngayong may sakit siya.
Tanong ni Alden, “Maa please get well, how’re you feeling?”
Sagot ni Sharon, “Bad anak. Been in bed since I got home yesterday di makatalk maayos [crying emojis]”
Muli siyang kinamusta ni Alden ngayong araw.
Mensahe ng aktor, “Good morning mama get well soon po let me know if you need anything I’ll send it to you agad love you. [heart emoji]”
Tugon ni Sharon, “Awwww miss you son thank you [heartemoji]”
Ayon sa caption ni Sharon, ipinaalam niya kay Alden kung puwede niyang i-post ang screenshot ng palitan nila ng mensahe. Labis daw kasi siyang na-touch sa ipinakitang pagmamahal ng kanyang bagong anak-anakan.
Aniya, “Asked Alden if I could post this. Only because am so touched (and proud) of the way he loves his new Mama! [heart emojis]
“He is really so sweet and mabait. What a blessing my Alden is to me and all of us on our set!”
Dagdag pa ni Sharon, sumalang pa siya sa shooting ng pelikula nila ni Alden kahapon, July 12. Pero hindi niya tinapos ang shooting dahil nawalan na siya ng boses.
Lahad niya, “I went to shooting the other day even if I woke up not feeling well, but after one scene with @jackielou.blanco and lunch, umuwi na ako kasi she and Direk Nuel didn’t want me na to push it at halos sign language na kami noon!
“Been resting and now hoping to see my doc tomorrow. I miss shooting and my “A Mother and Son’s Story” family so much! @aldenrichards02 @directfromncn [heart, face with hearts, praying hands emojis]”
View this post on Instagram
Pasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 ang pelikulang pagsasamahan nila ni Alden na A Mother And Son's Story.
Read: MMFF 2023 official entries, ipalalabas sa Amerika at magkakaroon ng sariling awards night
