Mariing pinabulaanan ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) ang paratang na plagiarized o kinopya lamang ang kanilang bagong logo sa online website na "Tripper."
Kapansin-pansin kasing walang pinagkaiba ang logo ng "Tripper" at bagong logo ng PAGCOR maliban sa kulay nito.
Naglalaro sa kulay asul at pula na animo'y apoy ang logo ng PAGCOR, habang ang "Tripper" naman ay kulay sky blue.

Sa isang statement na inilabas ng government-owned corporation nitong Huwebes, July 13, 2023, sinabi nilang walang katotohan ang mga naglalabasang alegasyon patungkol sa pangongopya sa bagong logo ng kanilang ahensya.
Maaari rin daw gawa-gawa lamang ito para dungisan ang pangalan ng PAGCOR lalo na't kilala umano sila sa pagpapanatili ng mataas na antas ng "integrity, transparency, and accountability."
Mababasa sa kanilang statement (published as is), "The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) decries the recent circulation of screenshots on social media maliciously accusing PAGCOR of plagiarizing the logo of a website called “Tripper”.
"The allegation made against PAGCOR is entirely false and driven by malicious intent. Throughout its operations, PAGCOR has consistently upheld the highest standards of integrity, transparency, and accountability.
"The agency remains dedicated to fostering a safe and thriving gaming industry in the country."
Kasalukuyan na ring iniimbestigahan ng PAGCOR kung sino ang nagpakalat ng nasabing akusasyon laban sa kanila.
Kalakip din nito ang panawagan sa publiko na huwag agad maniwala sa mga naglalabasan sa social media lalo na't talamak ang iba't ibang phishing site.
Saad nila, "Nonetheless, PAGCOR is actively investigating the source of this malicious and baseless campaign and urges the public to exercise caution.
"At the outset, the website is lacking showing of credibility and in fact, bears resemblance to a phishing site.
"The agency urges everyone to be vigilant and to obtain information from credible sources to combat the spread of false narratives and protect themselves from potential scams.
"PAGCOR remains dedicated to responsible gaming, regulation of the Philippine gaming industry and nation building."
Dagdag pa nila, "The agency appreciates the public’s support and maintains its commitment to excellence."
NEW LOGO WORTH PHP3 MILLION
Noong July 12, 2023, kasabay ng pagdiriwang ng 40th founding anniversary ng PAGCOR ay ang pagsasapubliko sa bagong logo ng ahensya.
Hindi pa man nagtatagal, umani na ito ng samu't saring reaksiyon mula sa netizens lalo na nang isapubliko ng PAGCOR ang presyong ibinayad nila sa nagdisenyo.
Nagkakahalaga ito ng higit PHP3 million, bagay na kinukuwestiyon ng mga netizen. Anila, hindi katanggap-tanggap ang presyong ginastos ng ahensya sa kinalabasang hitsura ng bagong logo nito.
Read: Netizens react to PAGCOR's new logo worth PHP3 million
Marami rin sa mga graphic designer ang napataas ang kilay nang makita ang logong ginastusan ng milyones ng PAGCOR.
Giit nila, overpriced at hindi naman daw mukhang 3 million-worth ang design nito.
Sa social media ay naglipana rin ang kanya-kanya nilang design na animo'y may contest sa dami ng entry ng pag-e-enhance sa logong napili ng PAGCOR.
Isa na rito ang Facebook user na si Kristoffer Panes, na handa raw ipagamit ang kanyang disenyo sa PAGCOR nang libre.
Isa pang netizen ang gumawa ng "rush" at ibinebenta ang kanyang disenyo sa PAGCOR sa halagang isang libong piso.
Narito ang iba pang lumikha ng disensyo na ngayon ay trending sa social media:
