Sa pakikipagsanib-puwersa ng ABS-CBN sa GTV, ang Kapuso actor na si Alden Richards ang gusto ni Vhong Navarro na mag-guest sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Hindi malayong mangyari ito lalo pa't una nang nakapag-collab si Alden kay Kathryn Bernardo para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema, ang film company arm ng ABS-CBN.
Ang pelikula nina Kathryn at Alden ang nananatiling highest grossing Filipino film mula 2019.
"Ako, ang unang pumapasok sa isip ko, si Alden, napakabait kasi. Puwede naman siguro, tawid-tawid lang naman," saad ni Vhong.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vhong sa 38th Star Awards for Movies, na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel noong July 16.
Noong July 1, 2023, nag-trend ang opening number ng Kapuso stars na sila Sanya Lopez, Barbie Forteza, Rodjun Cruz, Rayver Cruz, at Pokwang kasama ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Belle Mariano.
Nag-guest na rin kamakailan si Julie Anne San Jose sa It's Showtime.
Lubos na ikinatuwa ni Vhong ang collab efforts na ito mula sa dating mahigpit na magkaribal na TV networks.
Patuloy ni Vhong, "Una sa lahat, nagpapasalamat kami sa GMA dahil binigyan nila kami ng bagong tahanan.
"Sobrang pasasalamat din namin sa mga Kapuso dahil tinanggap kami ng buong-buo.
"Sobrang saya dahil patuloy kaming magpapasaya ng madlang pipol."
Read: Bianca Lapus recounts heart-to-heart talk with Vhong Navarro's wife Tanya Bautista
MORE GUEST APPEARANCES OF KAPAMILYA STARS IN GMA-7
Nauna nang tumuntong sa GMA-7 ang co-host ni Vhong na si Vice Ganda, na nag-over the bakod sa GMA-7 compound para sa opening number din ng It's Showtime noong July 1.
Sumunod si Anne Curtis na nag-guest naman sa Fast Talk With Boy Abunda.
Ayon kay Vhong, sa pagkakaalam niya ay may guestings na rin sa GMA na inaayos para sa iba pang It's Showtime hosts.
"Parang sine-set nakaming mga hosts, ilalagay kami para mag-guesting.
"Parang iikot yata kami. May mga ganun, kaya happy kami."
Tinanong din ang comedian-TV host kung bukas siyang gumawa ng proyekto sa GMA-7 ngayong nakakatawid-bakod na ang Kapuso actors sa ABS-CBN at vice versa.
"Oo naman, gustung-gusto kong makagawa ng proyekto sa kanila. Kung mabibigyan ng pagkakataon, siyempre," ani Vhong.
Read: Bianca Lapus recalls "pinakamasakit na pinagdaanan" because of Vhong Navarro's ordeal
ON NETWORK WAR
Sa contract signing ng ABS-CBN at GMA-7 para sa It's Showtime noong June 29, ang GMA-7 chairman and CEO na si Atty. Felipe Gozon ay nagdeklar na "TV war is finally over."
Sang-ayon dito si Vhong.
"Yes, alam mo, nakakaiyak nung sinabi niya yun na tapos na ang TV war.
"Ang sarap kasi para dun sa mga artista, celebrities, yung makapag-guest ka sa Kapuso, Kapamilya, sa Kapatid, sa lahat, puwede ka nang umikot."
"Naalala ko si Kuya Germs ang may gustung-gusto na mangyari ito."
Ang tinutukoy ni Vhong na "Kuya Germs" ay si German Moreno, na kilala sa showbiz bilang "The Master Showman" na pinasikat sa GMA-7 ang mga palabas na GMA Supershow, That's Entertainment, at Walang Tulugan.
ON CHITO ROÑO'S AWARD
Samantala, proud si Vhong sa mentor niyang si Chito Roño na pinarangalan ng Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera sa 38th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club.
Kilalang director at manager, kasama ni Chito ang dating mga miyembro ng Streetboys sa okasyon.
Hindi napigilan ni Direk Chito ang mapaluha sa kaligayahan sa kanyang acceptance sppech.
"Ibig sabihin nun successful ang suprise natin pati ng PMPC," saad ni Vhong.
"Siyempre, masayang-masaya kami para sa pangalawang ama namin, bilang manager namin dahil ito na yung sobra.
"Ang dami na niyang na-contribute sa Philippine movie industry. Alam natin na kinikilala siya bilang isa sa pinakamahusay na direktor sa industriya nating ito.
"Di na nga pangalawang ama, lolo na rin siya ng mga anak namin. Ganun na, na-extend na talaga."
