Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama ang Kapamilya actress na si Janella Salvador at Thai actor na si Win Metawin sa pelikula na may pamagat na Under Parallel Skies.
Kinumpirma ito mismo nina Janella at Win sa announcement video na inilabas ngayong Martes, July 18, 2023, ng Squared Studios, ang production company na pagmamay-ari ng TV host-actor na si Richard Juan.
“We are excited to announce to you guys that we will be teaming up for the upcoming movie Under Parallel Skies," sabi ni Win sa video.
Dagdag naman ni Janella, “To be directed by Sigrid Bernardo. We are very excited to share this with you soon."
Sa huli, magkasabay na sinabi nina Janella at Win ang mga katagang "Abangan" at "Coming soon" sa wikang Tagalog at Thai.
Read: Thai stars Bright Vachirawit, Win Metawin hope to visit Boracay, Cebu
Noong June 2023 unang napabalita ang posibleng pagtatambal nina Janella at Win sa isang proyekto matapos i-upload sa Instagram ng Thai actor ang kuhang litrato nila ni Janella, kasama si Richard Juan, habang nagsasagawa ng boot ceremony sa Hong Kong.
Ang boot ceremony ay isang prayer ceremony na kadalasang ginagawa bago magsimulang mag-shoot ng isang pelikula o serye.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ang Under Parallel Skies ay tungkol sa isang lalaking may mapait na nakaraan. Sa pagpupursigi niyang makalimot, malalaman nitong ang babaeng kasalukuyan niyang minamahal ay konektado sa kanyang nakalipas.
Nagsimula na ang shooting nina Janella at Win para sa pelikula sa Hong Kong.
Nakilala si Win dahil sa mga pinagbidahan niyang serye gaya ng 2gether: The Series at Still 2gether (2020), F4 Thailand: Boys Over Flowers (2021), Devil Sister (2022), at Good Old Days (2022).
Read: Thai stars Bright Vachirawit, Win Metawin donate for typhoon victims in the Philippines
Habang si Janella ay ay napanood sa mga proyekto ng ABS-CBN katulad ng Be Careful With My Heart (2012), Born For You (2016), The Killer Bride (2019), at Mars Ravelo's Darna (2023).
Read: Janella Salvador, Jane de Leon on possibility of doing a GL series: "Why not?"
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang ibang detalyeng inilalabas kung kailan mapapanood ang Under Parallel Skies at kung sinu-sino ang iba pang kasama nina Janella at Win.
Read: Janella Salvador admits to taking a swipe at Star Magic: "Valid naman siguro yung tampo ko."
