PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karla Estrada mourns death of Ricky Rivero

Karla Estrada last saw Ricky Rivero at the wake of their nephew Andrei Sison.
by Jerry Olea
Published Jul 20, 2023
karla estrada ricky rivero wake
Karla Estrada on Ricky Rivero: “Usapan namin, sabi niya sa akin, hindi ko makakalimutan. One day, sabi niya, ‘Darating ang araw, ikaw na yung mamimigay ng sasakyan.’ So… isa siya dun sa nagantimpalaan natin, ‘no, pero hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa mga sasakyan."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook

Lubos ang pighati ni Karla Estrada sa pagpanaw ng kapamilya niyang si Ricky Rivero.

Read: Actor-director Ricky Rivero dies at 51

“Noong Linggo [Hulyo 16], madaling-araw nagdo-doorbell sa amin yung kapatid ko,” mahinayng salaysay ni Karla sa tribute ng mga taga-That’s Entertainment kay Ricky noong Hulyo 18, 2023, Martes ng gabi, sa Loyola Memorial Chapels, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Read: ‘That’s Entertainment’ alumni reunite at Ricky Rivero’s wake

“Kami ay isang pamilya, ha? At kami’y huling nagkasama ay noong namatay ang aking pamangkin na si Andrei [Sison].

“Kaya minabuti kong dito tayo sa itaas. Kasi, doon kami noon sa iba, at doon kami huling nagkuwentuhan ni Ricky.

“At dito kami muli nagkita.”

Noong Marso 24 pumanaw ang 17-anyos na Sparkle artist na si Andrei Sison, na apo ni Marco Sison. Sa first floor ng Loyola Memorial Chapels-Commonwealth ibinurol ang mga labi ni Andrei.

Pagkalipas ng apat na buwan, nitong July 16, si Ricky naman ang pumanaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Showbiz connection of late Sparkle artist Andrei Sison

Pagpapatuloy ni Karla, “Pero nag-uusap kami noong huli siyang naospital. Pinalilipat ko nga yan dun sa… sa loob mismo ng subdivision namin.

“Para malapit siya kung meron mang emergency. Pero nag-Valenzuela, e…

“Ahhh nandito pa nga yung huling text na, ‘Huwag ka nang lumayo sa akin,’ sabi ko, para mabilis lang yung mga…

“Pero ganun pa man, kilala naman natin si Ricky na talagang very independent.

“And hindi naman talagang… kahit tayo medyo nakakaluwag-luwag, may mga pagkakataon na hindi ko naibibigay yung buo,” napapailing na pag-amin ni Karla.

“Pero alam naman niyang hindi natin siya pinabayaan. At hanggang ngayon, sa huling… ahhmm…”

Napangiti nang may pait si Karla, “Actually tapos na, ‘no. Katawang lupa na lang pero siyempre gustong andiyan na kaharap natin.

“Kaya minabuti nating bigyan siya ng disenteng burol. Our last night will be on Thursday, tama? Thursday tayo. At cremation tayo, Friday cremation.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

that's entertainment alumni ricky rivero wake

THE "CONFIRMATION"

Sumulyap si Karla sa mga labi ni Ricky at napailing, “Medyo tragic kasi yung huli kaming… hindi…

“Since That’s Entertainment, dun ko siya first na-meet, at siya lang ang kayang bumuhat sa akin sa laki ng mga pata ko.

“So, alam niya yun, at binulong niya sa akin, at dun ko na-confirm na kyoklah siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa si Karla, pati karamihan ng mga nasa lamay.

Pagpapatuloy ng Face 2 Face host, “Kasi, sabi niya, ‘Ang bigat-bigat mo naman, mare! Ang gusto kong buhatin, si Romnick [Sarmenta]!’

“Pag naalala ko pa, dun sa may Quezon Avenue tayo, sa may Pegasus, dun sa may gilid. Dun tayo nagre-rehearse, di ba?

“At mula noon, hindi naman kami natapos. Kasi nga, napangasawa nung kapatid niya yung kapatid ko, si Ann.

“So tumira sila sa akin, na para kaming sardinas. So, ganun ang istorya ng buhay namin ni Ricky. Hanggang ngayon, hindi kami naghiwalay.

“Alam ni Kuya Ipe [Phillip Salvador] yan na one-woman show Wonder Woman ako noong araw pa, at alam ni Ricky yan,” pagmumuwestra ni Karla.

“Meron kaming in-attend-an na party ni Direk Wenn [Deramas] noon. Tapos nung paalis na kami, nandudun lahat ng mga drivers ng mga artista.

“So sabi niya, ‘Halika, magpanggap tayo na may kotse tayo!’ Sabi ko, sige, ‘SAAN KA BA NAKA-PARK?!’ Tawang-tawa yan ngayon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos sabi niya, ‘Nandun, Mare, medyo malayo.’ ‘Halika na, Mare, nandun din yung car ko, e.’ Pero wala kaming car.

“Lumayo kami at pumara kami ng taxi, OK. That was 12 years ago, bago pa nagkarun ng Daniel Padilla.

“So, rock and roll kami, alam niya yung buhay naming dalawa. So, pagsakay namin ng taxi, tawang-tawa kami, kasi dun dumaan sa harap ng mga drivers. Kaya nagtago kami.

“Usapan namin, sabi niya sa akin, hindi ko makakalimutan. One day, sabi niya, ‘Darating ang araw, ikaw na yung mamimigay ng sasakyan.’

“So… isa siya dun sa nagantimpalaan natin, ‘no, pero hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa mga sasakyan.

“Pero ganun pa man, hindi naputol. Kasi nga, nagkaroon ng pamilya. Naging isang pamilya kasi kami.

“So, hindi kami nagkahiwalay talaga. At lahat, nandidiyan yung kapatid kong si Ann, ang isa sa mga nagdugtong sa pamilya ng mga Salvador at ng sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In fact, may tatlo akong pamangkin na Salvador na nasa atin din. And si Andrei, yung pamangkin namin, na nasa amin na rin.”

karla estrada ricky rivero wake

FROM ANDREI'S WAKE TO RICKY'S WAKE

Napabuntong-hininga si Karla, “Kaya yun nga, tonight lang ako pumunta rito. Kasi bigat na bigat yung dibdib ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil nga nung huli kaming nandito ni Ricky ay yun ngang pamangkin namin na si Andrei, at nasa ibaba kami.

“So sabi ko, hindi naman puwedeng hindi ko siya, di ba… kasi, not for anything… kanya-kanyang way naman tayo kung paano magmo-mourn.

“And you know, we can’t judge kung paano natin dinadala yun. Because lahat naman tayo ay na-touch ang life natin ni Ricky.

“And yes, alam nating kung gaano nakakahawa yung tawa niya. As in! Di ba, nung naglalamay na kami, kaming dalawa lang yung sobrang ingay, kasi tawang-tawa kami. Laging ganun. Masaya lagi.

“After that, naalala ko, naospital siya. After nung libing ni Andrei. Naospital siya. Heart Center, ‘no?

“So yun nga, yun ang naalala ko na sabi ko, ‘Dito ka para malapit sa akin para mas madali ang mga bagay-bagay.’

“Eto na nga, nalaman natin, madaling-araw. 2:00 o’clock, tinatawagan na ako ng sister ko. So, tumakbo na dun sina Anne sa ospital para ayusin ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So… sana, hindi tayo magkikita-kita na ganitong pagkakataon lang. Kasi, di ba? Nagsasabihan tayo ng magaganda habang…

“Kung hindi man tayo dahil hindi naman tayo laging nagkakausap. Yung loved ones natin, naa-appreciate natin sila habang nakakarinig pa at nakakapag-thank you pa sila sa atin.

“So thank you so much, Kuya Ipe. Sabi ko nga, ‘Kuya, andito uli tayo. Dito pa tayo uli nagkita.’

“Ayaw natin ng ganito. Kanina, gusto ko ngang bugbugin yung guard sa ibaba.

“Pagdating ko, sabi niya, ‘Ay, Ma’am! Welcome back!’ “‘Ay, ma’am! Welcome back!’ Hindi naman niya sinasadya yata. Baka yun lang yung English na gusto niyang masabi sa akin.

“So, napatingin ako. Sabi ko, ‘Kuya, yan yung welcome back na hindi ko talaga nagustuhan!’

“So, natawa na lang yung isip ko siyempre. Mas marami tayong pang-unawa lagi para sa ibang tao naman…

“At sana, next time, magkita-kita naman tayo sa birthday. Oo, sa birthday, di ba.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinulyapan muli ni Karla si Ricky, “Mare, thank you very much. Ikaw talaga! Makulit ‘to. Makulit!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada on Ricky Rivero: “Usapan namin, sabi niya sa akin, hindi ko makakalimutan. One day, sabi niya, ‘Darating ang araw, ikaw na yung mamimigay ng sasakyan.’ So… isa siya dun sa nagantimpalaan natin, ‘no, pero hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa mga sasakyan."
PHOTO/S: Jerry Olea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results