Inilabas na ni Dominic Roque ang marriage proposal video niya para sa fiancée na si Bea Alonzo.
Sa Instagram ngayong hapon ng Biyernes, July 21, 2023, ibinahagi ni Dominic sa kanyang followers ang pitong-minutong video ng naganap na proposal niya kay Bea.
Sa simula ng video ay mapapanood ang mga kuha sa adventures at bakasyon nila ng karelasyon sa iba't ibang panig ng mundo.
Sa bandang gitna ng video ay mapapanood namang abala si Bea sa kanyang pictorial. Nakatalikod siya sa camera nang biglaang dumating si Dominic sa likuran at lumuhod ito sa kanyang harapan.
Ang tanging nasambit ni Bea: “Oh my God, are you kidding me?”
Dito na binitiwan ni Dominic ang inihanda niyang speech para sa kasintahan.
Sabi ni Dominic: “We’ve been together for almost four years now.
"And we had our fights, our happy times, our crazy times together, our rollercoaster rides of our lives, and nalagpasan natin yung mga yun.
"And alam ko, marami pa tayong pagdadaanan together.
“I want to spend my whole life with you, forever, and I love you very much.
"Will you marry me?"
Tumango lamang si Bea at umiyak.
Napaiyak din si Dominic.

Caption ni Dominic sa kanyang post, “Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon na gustong-gusto kong tinititigan dahil sa sobrang ganda, hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala. Eh ngayon, parte na ng araw-araw ko. [smiling face with heart eyes emoji]

“Indeed, God always has His perfect time for all of us.”
View this post on Instagram

Nag-propose si Dominic kay Bea sa Las Casas Filipinas de Acuzar, sa Quezon City, noong Martes, July 18, 2023.
