PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julie Anne San Jose Trusts Rayver Cruz

Julie Anne on kissing scenes with Rayver: "We had to be vulnerable with each other."
by Rose Garcia
Published Jul 26, 2023
Julie Anne San Jose and Rayver Cruz on The Cheating Game
Julie Anne San Jose on kissing scenes with Rayver Cruz in their movie "The Cheating Game": "We had to be vulnerable with each other."

Bilang isang babae, malakas daw ang instinct ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, 29, kung ang partner niya ay may posibilidad na manloko sa kanya.

"Oo naman, oo naman," mabilis na sagot ni Julie Anne.

Paliwanag pa niya: "Kasi, mararamdaman mo nga yon kapag kausap mo ang tao. And then, yung sa action at yung inconsistency.

"Kaya very important kapag kinikilala mo ang isang tao. Hindi ka naman naglalagay ng judgment sa utak mo. Kasi eventually, di ba, you date to marry.

"But for me, kapag naka-commit ka sa isang relationship, ano yan, e, dapat sacred siya.”

Positibo ang sagot ni Julie Anne sa tanong namin kung ‘confident’ siya na hindi siya lolokohin ng reel-and-real-life sweetheart niya na si Rayver Cruz, 34.

Read: PEP Headliner Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together

"Kung confident naman ako? Yes, of course, secure naman ako," nakangiting saad ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi, matagal na kaming magkaibigan. Yung friendship kasi, naniniwala ako na yun ang best foundation ng isang relationship.

"Kasi sa umpisa, best foot forward, pero dito kasi, hindi na namin kailangang mag-pretend. Kilala na namin ang isa’t isa.

"So, importante rin ang compatibility and honesty sa isa’t isa.”

Nagkaroon ng premiere night ang The Cheating Game sa SM The Block, North Edsa noong Lunes, July 24, 2023.

Dinaluhan ito ng cast sa pangunguna nina Julie Anne at Rayver, pati na sina Martin del Rosario, Thea Tolentino, at Winwyn Marquez.

Ilang Kapuso stars tulad nina Ruru Madrid, Mavy Legaspi, at Kyline Alcantara ang sumuporta sa pelikula.

Read: Wishful thinking: Julie Anne San Jose wants "church wedding"; Rayver Cruz likes "sa ibang bansa"

ON JULIE ANNE'S DARING ROLE

Karamihan sa mga narinig naming komento ay mahusay si Julie Anne sa naging pag-atake niya sa kanyang karakter.

At ibang-iba sa naging pagganap naman niya sa defunct Kapuso prime-time series na Maria Clara at Ibarra kunsaan siya hinangaan din ng husto.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Maria Clara at Ibarra: Anatomy of A History Serye

Dito sa The Cheating Game, ito na yata ang pinaka-daring na ginawa niya lalo na sa kissing scenes nila ni Rayver.

Natatawang sabi naman ni Julie tungkol dito, "Naku, ibang-iba po. Kasi, if I remember, simultaneously, nagte-taping ako ng Maria Clara at Ibarra at nagsu-shooting ng The Cheating Game. So, tawid-tawid ako ng set.

"It was a challenge. It was a big, big challenge for me kasi, I have to put on and off two characters. Iba yung sa Maria Clara, and then the next day, si Hope naman ako.

"Kaya challenging talaga siya, pero maganda siyang experience. Kasi, para kang nagsusuot ng iba’t ibang klase ng shoes."

Dagdag ni Julie Anne, ""Parang nae-explore ko ang bawat characters. Kung ano ang disposisyon nila sa mga bagay-bagay, kung ano ang mga beliefs nila.

"So, kailangan talaga na pag-aralan. And grateful ako with the help of the whole production."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Julie Anne San Jose, Rayver Cruz post PDA moments during fishing trip

KISSING SCENES

Ayon kay Rayver, yung mga kissing scenes daw nilang dalawa sa pelikula ay ngayon lang nila nagawa talaga sa kahit anong proyektong pinagsamahan nila.

Dagdag ni Julie Anne, "Nakatulong na lang din na si Ray ang kasama ko sa mga scenes na yon.

"Kasi ano, e, we had to take care of each other as much as possible and as much as we can.

"And then, it’s also a delight kasi, we had to be vulnerable with each other. And sa intimate scenes, importante rin kasi na you get to be vulnerable, you have to acknowledge each emotion.

"Kumbaga, parang give and take lang talaga. Kaya grateful ako na with Ray, it became a lot easier."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on kissing scenes with Rayver Cruz in their movie "The Cheating Game": "We had to be vulnerable with each other."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results