PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiara Takahashi exposes "scripted" love team with Gino Roque

Kiara: "That's what it hurts me, because it was like this person knows how to plan things."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jul 27, 2023
Kiara Takahashi reveals loveteam with Gino Roque scripted
Former PBB housemate Kiara Takahashi (left) on love team with Gino Roque (right): "Sobrang scripted."
PHOTO/S: Gino Roque Instagram

Ginulat ng dating PBB (Pinoy Big Brother) housemate na si Kiara Takahashi ang kanyang mga tagahanga nang may ibinunyag siya tungkol sa tambalan nila ni Gino Roque, ang KiaNo.

Viral at usap-usapan ngayon ang TikTok live ni Kiara nitong Huwebes ng umaga, July 27, 2023.

Dito ay isiniwalat niya ang tungkol sa umano'y "scripted" at pilit na pagpapakilig nila ni Gino sa kanilang fans.

Sa nasabing TikTok live, ikinuwento ni Kiara kung paano umano plinano lahat ni Gino na mag-click ang kanilang love team, kahit hindi siya sang-ayon dito.

Sina Kiara at Gino ay parehong parte ng Pinoy Big Brother: Otso. Sa loob pa lamang ng PBB house ay kinakiligan na sila ng fans dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa.

Read: PBB Otso Batch Big Winners Lie, Yamyam, Ashley, and Kiara receive P100,000 each

Hindi raw sukat-akalain ng Kapamilya actress na paglabas nila ng PBB house ay doon na magbabago ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagmistulang business daw kasi ang samahan nila ni Gino dahil lahat ng galaw at kilos nila ay dapat naaayon sa napagkasunduan nilang plano.

Kuwento ni Kiara, "May one time lumabas kami, sabi niya sa akin 'Magtago ka, dapat walang makakita sa atin kasi ang dapat ano nililigawan kita' ganun. So, kunwari mahiyain siya, ganyan, nililigawan [niya ako]. So, kaya ako kunwari magtatago sa likod.

"Ako naman si t*nga-t*nga naniwala ako. Pumunta ako sa likod ng kotse, nagtatago ako. It was so funny na, 'Why do I have to go to the back?'

"Sabi ko pa sa kanya, 'So, even yung nagtatrabaho sa fast food na yon, bawal tayong makita?'

"Sabi niya, 'Oo, kaya dapat magtago ka sa likod.'

"Ako naman, sunud-sunuran ako, kasi hindi ko naman alam.

"Actually, ever since I got out of the house, the real date was that date doon sa restaurant sa tapat ng ABS-CBN.

"Pagpunta ko dun, sobrang daming camera, ang sabi may dinner date daw, magde-date daw kami. In short, sobrang scripted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May room pa sa restaurant na yon na parang glass siya, so kita mo lahat ng dumadaan, and kita kami.

"I felt like I was in an aquarium, para akong hayop na pinagpipiyestahan ng mga tao.

"Pero sabi ko, 'Baka ito yung tama, kasi ito yung for the showbiz.'"

@plain.lyrics Good morning/evening???? (pt. 1) Kiara Takahashi TikTok Live : July 27, 2023 #Loveteam ? original sound - Plain Lyrics YT on YouTube

Read: KathNiel, LoiNie, Kapamilya couples at Star Magical Christmas

Noong mga panahong iyon ay may kakaibang pakiramdam na raw si Kiara na hindi siya kumportable makipag-date kay Gino, lalo na't mayroong laging sumusunod na camera sa kanila.

Kuwento pa niya, "After that dinner, we went home, and that was the first time when we fought.

"Hinatid niya ako sa condo ko, tapos nag-away kami.

"I was crying to him and I was telling him, 'You know what I really felt uncomfortable, how you did that because you asked me on a date and hindi ko in-expect na all throughout the date there was a camera na nakatuktok sa atin.'"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Depensa naman daw noon sa kanya ni Gino, ginagawa lamang nila iyon para sa kanilang fans.

Read: Actor-model Gino Roque reveals how his business survived during COVID-19

KIANO AT MALL SHOWs and private places

Maging ang unang mall show raw nila sa Pampanga ay maingat din umanong plinano ni Gino para mas kakiligan sila ng fans.

Lahad ni Kiara, "We had a mall show in Pampanga, the first ever mall show outside PBB, naaalala niyo yung fans ng PBB: Otso, unang mall show namin sa PBB yon.

"Pero for sure, nagka-mall show na siya kasi nauna siyang lumabas [sa Bahay Ni Kuya]. Ako kasi, sa lahat ng ka-batch ko sa PBB, ako yung pinaka walang alam kaya gina-guide nila ako.

"Kasi sila yung nakapag-mall show na, alam nila na marami talagang fans.

"So, he told me [Gino], 'Kapag magmu-mall show tayo, ito yung gagawin ko. Kunwari hindi kita aakbayan, kunwari nahihiya ako, and just go with the flow.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman, sabi ko, 'Ha, okay. Pero I want, like, to be real kasi sa loob naman ng PBB hindi naman akong nahihiya na hawakan ka, e, so, bakit ako mahihiya na hawakan ka sa labas? Just, para lang sumigaw yung mga fans?'"

@plain.lyrics Replying to @tri.s.h_ ???? (pt. 2/9) Kiara Takahashi TikTok Live : July 27, 2023 #LoveTeam ? original sound - Plain Lyrics YT on YouTube

Read: REVIEW: Kiara Takahashi of PBB Otso shines as Eds in Tabing Ilog: The Musical

May pagkakataon pa raw na kahit nasa pribadong lugar sila na walang fans ay dinidiktahan pa rin umano siya ni Gino sa mga dapat niyang gawin at ikilos.

Ani Kiara, "You know what, when people weren't looking at us, we were okay, doon ko naramdaman na, 'Ah, parang gusto niya talaga ako.'

"But then, kahit nasa loob ng kotse at kahit yung mga manager namin, yung mga kasama namin na PBB, he would say to me na, 'Dapat ganito ka mag-act, dapat huwag kang masyadong close sa kin. Hindi ako dapat maging touchy sa yo para isipin nila na fresh tayo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ang hirap naman kasi private na nga ito. Okay, gets ko na love team, so dapat pa-cute ganyan on TV. But, like, this is our management, this is us, right? We don't have to fake anything, even if it's just us.

"That's what it hurts me, because it was like this person knows how to plan things."

Read: Dolly de Leon defends Liza Soberano's statement about love team: "She deserves to speak her truth."

GINO AS A BUSINESS-MINDED PERSON

Kung tutuusin, wala naman daw talagang planong pumasok sa isang love team si Kiara.

Paglilinaw niya, hindi niya sinasabing masamang tao si Gino. Maaaring hindi lang daw swak ang mga gusto nilang gawin sa buhay at sa career.

Saad niya, "I'm saying he's not a bad person. Maybe ganun lang siya talaga as a person, iba talaga yung mundo niya, iba yung mundo ko.

"For him, business... totoo naman na if it's a business, you should plan your way. Maybe he would be successful that's why he had his own series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"He even told me this, during pandemic nagkabalikan yung KiaNo at nag-post sa Facebook. He reached out to me, he asked me 'Do you want to continue the love team kasi sayang yung fans.'

"Sabi ko naman, 'Of course, wala akong problema to work with you. It was just you that was weird.'"

Read: Manilyn Reynes at Marco Gallo, kontra sa pahayag ni Liza Soberano na love team ang magpapasikat sa artista

Sa huli, sinabi ni Kiara na nagsalita siya hindi para makapanira ng iba kundi para lumuwag ang kanyang pakiramdam sa bigat na dala-dala niya.

Aniya, "I'm saying this not because... hindi ko alam, sinasabi ko to because I haven't defended myself for almost five years and it caused me so much anxiety and depression.

"And now, I'm telling the truth, I don't know... Plano ko na mag-vlog, magpa-interview pero walang tamang timing, I guess this is it.

"I'm sorry if I'm saying this on TikTok."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

@plain.lyrics Replying to @nimahx ???? (pt. 3/9) Kiara Takahashi TikTok Live : July 27, 2023 #LoveTeam ? original sound - Plain Lyrics YT on YouTube

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na sagot at reaksiyon si Gino patungkol sa mga pahayag ni Kiara.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former PBB housemate Kiara Takahashi (left) on love team with Gino Roque (right): "Sobrang scripted."
PHOTO/S: Gino Roque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results