Proud si Ice Seguerra, 39, na siya ay produkto ng "Little Miss Philippines" ng Eat Bulaga!.
Sa isang bihirang pagkakataon, nakasama ni Ice ang tatlo pang alumni ng kiddie beauty contest ng Eat Bulaga! nang mag-guest siya sa E.A.T. kahapon, July 26, 2023.
Ang E.A.T. ang noontime show na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Umeere ito sa TV5, katapat ng Eat Bulaga! sa GMA-7 at It's Showtime sa GTV, A2Z, at Kapamilya Channel.
Read: Ratings war explained: How are noontime shows faring amid new TV landscape?
Sa official Facebook page ng TVJ, makikita ang litrato ni Ice kasama ni Ryzza Mae Dizon at ang dalawa pang Miss Little Philippines alumni na sina Kathleen Go Quieng at Patricia Ann Roque.
Sina Ice at Ryzza Mae ay co-hosts ng E.A.T., habang sina Kathleen at Patricia ay naglaro sa "Gimme Five" segment.
Si Ryzza ay nanalong Little Miss Philippines noong 2012.
Game na nag-pose si Ice na nakapamaywang ang isang kamay, tanda ng signature pose ng isang contestant sa pageant.
Si Ice ay three years old nang sumali siya sa "Little Miss Philippines" noong 1987, at siya ay itinanghal na fourth runner-up sa patimpalak.
ICE SEGUERRA'S FUNNY MOMENT IN LITTLE MISS PHILIPPINES
Hanggang ngayon ay mapapanood sa YouTube ang Q&A portion kay Ice noon kasama ang hosts na sina Vic at Joey.
Si Ice, na isang transgender man, ay kilala noon sa pangalang Aiza.
Joey: Kung ikaw ang mananalo sa Little Ms. Philippines '87, ano ang gagawin mo sa mga premyong matatanggap mo?
Aiza: Ano po, ilalalagay ko po sa mga bulsa.
Vic: Saan mo ilalagay kung wala kang bulsa?
Aiza: Sa wallet.
Vic: Kotse, gusto mo bumili?
Aiza: Ay, ang gusto ko po ano... bus!
Ito ang nagbigay-daan para siya ay makapasok sa showbiz bilang child star.
ON REUNION WITH 'OKAY KA, FAIRY KO!' PARENTS
Isa sa unforgettable TV project ni Ice, bukod sa Eat Bulaga!, ay ang pagiging mainstay ng Okay Ka, Fairy Ko!, ang fantasy sitcom na pinagbidahan nina Vic at Alice Dixson.
Si Alice ay nag-guest din sa E.A.T. kahapon kaya nag-reunion din sila nina Vic at Ice.
Sabi ni Ice sa caption, "Happy to be reunited with my TV parents, Daddy Enteng and Mommy Faye!!! Kabisote family!!! #OkKaFairyKo"
Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline
