PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon asks GMA-7 if they called

Joey de Leon: "Hindi naman kami nagtatampo..."
by Arniel C. Serato
Published Jun 13, 2023
Joey de Leon reacts to silence of GMA executives after TVJ-TAPE split
Joey de Leon on GMA-7 management: "Hindi naman kami nagtatampo, pero hindi naman kahina-hinala din, pero kapuna-puna na wala silang sinabi. Na, ‘Uy, kung ano man ang mangyari itutuloy namin ha?’ Take ko yun, take ko yun.”
PHOTO/S: Courtesy: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube

#EatBulagaWar

Naglabas ng saloobin si Joey de Leon tungkol sa GMA-7 matapos nilang kumalas nina Tito Sotto, Vic Sotto, at iba pang Dabarkads sa TAPE Inc., producer ng Eat Bulaga!.

Read: Joey de Leon reveals TAPE wants Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Paolo Ballesteros, and Maine Mendoza out of “old” 'Eat Bulaga!'

Sa vlog ng broadcaster na si Julius Babao na lumabas kagabi, June 12, 2023, natanong si Joey tungkol sa pagkalas nila sa TAPE bunsod ng sigalot sa pagitan ng mga host at sa management ng longest-running noontime show sa bansa.

Pahayag ni Joey, “Well, siguro matagal nang plano yun, at nasabay lang yung pag-retire ni Tony [Tuviera], nasabay lang siguro.

"Ayokong mag-ano dun kasi masakit talaga yung nangyari, e. Masakit sa lahat.

"So, wala, it’s bound to happen."

Si Tony Tuviera ang dating CEO at President ng TAPE, na naging kasama ng Dabarkads sa loob ng 44 taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ay binanggit ni Joey na hindi umano nagparamdam sa kanila ang GMA-7 noong kasagsagan ng isyu nila sa TAPE. Ito raw ang dahilan kaya hindi na sila "makakabalik" sa dating home network.

Dahil sa blocktime agreement sa pagitan ng TAPE at GMA-7, 28 taon nang napapanood ang Eat Bulaga! sa Kapuso network.

Saad ng veteran comedian-TV host, “Katulad ngayon, hindi ka na makakabalik. Papano akong babalik, yung mismong 7...

"Ayan ang puwede ko sabihin, yung mismong 7 ang hindi nagparamdam. Kasi ang sinasabi nila ang kontrata naman nila with the producers.

“Hindi naman kami nagtatampo, pero hindi naman kahina-hinala din, pero kapuna-puna na wala silang sinabi. Na, ‘Uy, kung ano man ang mangyari itutuloy namin, ha?’"

Paglilinaw ni Joey, "Take ko yun, take ko yun."

Tinanong ni Julius si Joey kung nag-attempt ba ang GMA-7 na mag-mediate sa pagitan nilang mga host at ng bagong pamunuan ng TAPE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya, “Wala, wala, wala. Tsaka, well, masakit man sabihin, baka iniisip nila, ‘O, matanda na yang mga yan. Okay na.’

"Pero hindi, e, pati bata madadamay, pati portions.”

Dito muling nagkuwento si Joey kung bakit siya naiyak sa tawag ng isang advertiser ng Eat Bulaga!.

Read: Joey de Leon breaks silence after severing ties with TAPE; recalls phone call with 'Eat Bulaga!' advertiser

Lahad niya, "Kaya naiyak ako sa show niyo ni Cheryl Cosim, e, hindi ko napigilan.

"Hindi na dun dahil sa show, a... well, konektado. Dahil sa ibang tao. Ang yabang ko pa kay Susan [Co, of Puregold], ‘A, okay lang kami.' Nung point na yun, okay lang ako.

"Kayo ang iniisip ko, e, kasi sinabi sa isang official nila, a few days before, masaya pa siya, e, ‘Uy, nag-advance kami ng three years, a, cash.’ Cash pa nga pagkasabi.”

Noong time na yun daw ay hindi pa nangyayari ang kaguluhan sa pagitan ng Eat Bulaga! hosts at ng TAPE.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Patuloy ni Joey, “Sabi ko kay Susan, 'Kayo ang inaalala ko, papano ang gagawin niyo. Mababawi niyo ba o ano?’ dahil ano na nga kami. Biglang kinat ako.

"Sabi niya, 'No, huwag niyong pansinin yung ginagawa namin. Ang tinatanong ko, kung okay kayo?' Bumigay ako."

Na-touch daw si Joey sa ginawang ito ni Susan at sa iba pang mga nagparating ng mensahe sa kanila.

Biro pa niya, “Oo, e, yung 7... Uy 7, kayo ba tumawag na, 'Okay ba kayo?' Wala. Well, ganun talaga.”

GMA STATEMENT ON TVJ-TAPE INC. SPLIT

Naglabas ng pahayag ang GMA-7 management tungkol sa pagkalas ng TVJ at Dabarkads sa TAPE noong June 2.

Sa panayam ni Atty. Annette Gozon-Valdes sa 24 Oras, nilinaw nitong hindi kontrolado ng Kapuso network ang mga nangyayari sa Eat Bulaga!. Wala rin daw silang pinapanigan sa sigalot sa pagitan ng hosts at producers.

Pero maging sila raw ay nalulungkot sa pagkalas ng TVJ at iba pang co-hosts sa TAPE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Atty. Annette: “It was beyond our control, kung may control lang tayo, kung may say tayo sa mga nangyayari, siyempre hindi natin sila papakawalan, pipigilan natin sila, susubukan nating gawin ang lahat para mag-stay sila sa atin.

"Kaya lang, sa totoo, hands-off ang GMA diyan, it's an internal issue between TVJ and TAPE Inc.

"So, wala naman talaga kaming alam about those issues. Nalalaman lang namin ang issues kapag lumalabas sa social media, newspaper, o interviews, so it wasn't right for us na makialam.

“From the start, wala talagang kinampihan ang GMA dito. Katulad nga ng sinabi ko, it was their internal issue, it wasn't a corporate issue."

Ipinaliwanag din ni Atty. Annette na sa TAPE Inc. sila may kontrata, at wala sa mga host ng Eat Bulaga!.

Saad niya, "Para siguro mas maintindihan ng mga tao, ang contract kasi ng GMA is with TAPE.

"Wala kaming contract with TVJ as talent or as kasama ng TAPE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang contract na ito ay isang blocktime agreement. Ang ibig sabihin nun ay parang umuupa sila ng noontime slot sa atin, sa GMA.

"Binabayaran nila tayo ng upa para sila yung laman ng noontime slot from Monday to Saturday.

"Kung ano yung laman nun, wala tayong kinalaman dun."

Sumusunod lamang daw ang GMA Network sa napagkasunduan nila ng TAPE at ng noo'y presidente ng TAPE na si Antonio Tuviera, na kilala rin bilang si Mr. T.

Ayon kay Atty. Annette, “In fact, nasa contract nila na they can change hosts, they can reformat, and this contract was negotiated by Mr. [Tony] Tuviera pa noong time na yun.

"We have to honor the contract as long as there is no breach of its provisions kasi iba ang contract, e. It has legal consequences."

Read: GMA Network remains neutral in TVJ-TAPE Inc. split

Mananatiling bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa panig ng mga nabanggit sa artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey de Leon on GMA-7 management: "Hindi naman kami nagtatampo, pero hindi naman kahina-hinala din, pero kapuna-puna na wala silang sinabi. Na, ‘Uy, kung ano man ang mangyari itutuloy namin ha?’ Take ko yun, take ko yun.”
PHOTO/S: Courtesy: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results