PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Torres open to being friends with ex-boyfriend Derek Ramsay?

Andrea Torres: "I am stronger than I think."
by Jojo Gabinete
Published Jul 27, 2023
andrea torres gma gala 2023
Andrea Torres on singlehood: “I am stronger now. Stronger than, I think. Kasi kapag in love ka, feeling mo parang guguho ang mundo, di ba, kapag nagkahiwalay kayo?Every time you go through a relationship, may nagbi-build sa character mo na, 'Ay, kaya ko pala!' So, mas nagiging confident ka.”
PHOTO/S: Pau Guevarra / GMA Network

Naging kaibigan ni Andrea Torres ang mga dating karelasyon niya posibleng darating ang panahong magiging magkaibigan din sila ng ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay.

Read: Andrea Torres breaks silence on breakup with Derek Ramsay: "Yes. Derek and I are no longer together."

Matagal hindi nagsalita o nagkuwento si Andrea tungkol sa kanyang personal na buhay, lalo na sa huling pakikipagrelasyon niya.

Sa kauna-unahang pagkakataon, muli siyang nagbahagi ng saloobin na may kinalaman sa pag-ibig sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes, July 27, 2023.

“Actually, most of my ex, magkaibigan kami," sagot ni Andrea nang tanungin ni Boy kung naging kaibigan niya ang lahat ng kanyang mga ex-boyfriend.

Pero hindi umano lahat.

Still, naniniwala siyang dapat maging magkaibigan sila.

Saad ng Kapuso actress, “Ideally, kasi may pinagsamahan naman po kayo.

"Hindi naman ako naniniwala na dahil hindi nag-work out [ang relasyon], kailangan magkagalit kayo, kasi may time sa buhay ninyo na pinrotektahan ninyo ang isa’t isa. Minahal ninyo ang isa’t isa, pati ang family ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit may cheating [na nangyari], hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng ex ko. Okay na po na kaming dalawa ang mag-usap.”

Read: Andrea Torres says no to second chances: “If we end up parting ways, I know I already did everything.”

SINGLE AND STRONGER

Tniyak ni Andrea na wala siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at mas matatag siya ngayon.

“I am stronger now. Stronger than, I think.

"Kasi kapag in love ka, feeling mo parang guguho ang mundo, di ba, kapag nagkahiwalay kayo?

“Every time you go through a relationship, may nagbi-build sa character mo na, 'Ay, kaya ko pala!' So, mas nagiging confident ka.”

How does she handle pain?

Tugon ni Andrea, “I talk to people na comfortable ako, like my family, mga friends ko.

"Usually, quiet lang ako. Parang binibigyan ko po yung sarili ko ng time talaga na mag-heal at maintindihan lahat.

"Kasi, kapag emotional, ang hirap kapag kumikilos ka based on your emotions. Baka may pagsisihan ka kapag sinabi mo o ginawa mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Torres not yet ready to fall in love after failed relationship with Derek Ramsay

UNFORGIVABLE SIN

Para kay Andrea, cheating ang hindi niya puwedeng patawarin dahil mahirap kapag tiwala ang nasira.

Saad niya, “Cheating ang hindi kayang patawarin kasi trust po yon, e. Feeling ko kapag nasira na yon, ang hirap na.

"Kasi kahit na sabihin mong napatawad mo yung tao, lagi nang may bumabagabag sa utak mo, kasi nagawa na niya sa yo once, ang feeling ko masisira talaga yung dynamics ninyo as a couple.”

Ipinagtapat ni Andrea na dati-rati ay buhos siya kung magmahal sa karelasyon, pero ngayon ay hindi na raw niya puwedeng isakripisyo ang kanyang pamilya at mga pangarap.

“My values, my family, and ngayon na-realize ko, yung dreams ko. Yung mga personal kong pangarap.

“Dati po kasi parang meron akong ganoong thinking, parang all mine to give. Ang sarap kasi ng feeling na ganoon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero na-realize ko po na dapat balanced.

“Medyo nahirapan ako sa part na yon kasi meron akong side na kapag nabibigyan ako, parang kailangan kong higitan. Kailangan may gawin ako.

"So, ngayon, naturuan ko ang sarili ko na okay lang minsan, i-spoil ka. Hayaan mong i-spoil ka," pahayag ng aktres.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres on singlehood: “I am stronger now. Stronger than, I think. Kasi kapag in love ka, feeling mo parang guguho ang mundo, di ba, kapag nagkahiwalay kayo?Every time you go through a relationship, may nagbi-build sa character mo na, 'Ay, kaya ko pala!' So, mas nagiging confident ka.”
PHOTO/S: Pau Guevarra / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results