Nananatiling tikom ang bibig ng Kapuso actress na si Kylie Padilla patungkol sa kanyang bagong pag-ibig.
Ito'y matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica.
Read: Aljur Abrenica claims wife Kylie Padilla cheated on him first: "Please tell them the truth."
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kylie sa GMA Gala 2023 noong July 22, hindi siya nakaligtas sa pag-uusisa kung kumusta na ang kanyang puso at kung sino ang nagpapasaya rito.
Tipid at natatawang sagot niya, "Masaya ang puso ko. That's it."
Paliwanag pa ni Kylie, dahil sa masalimuot na pinagdaanan ng kanyang nakalipas na relasyon ay napagdesisyunan niyang gawing pribado muna ang relasyong mayroon siya ngayon.
Aniya, "After kasi ng everything, gusto ko na munang i-private yon.
"Hanggang Instagram-Instagram muna kayo, guys."
Noong December 31, 2022, unang ipasilip ni Kylie sa publiko ang misteryosong lalaking pinaghihinalaang bago niyang kasintahan.
Sa pamamagitan ng isang Instagram Reels, in-upload ng Kapuso actress ang snippets ng bakasyon niya sa Thailand kasama ang rumored boyfriend, na isa umanong tattoo artist.
Makikita rin sa video ang paghu-holding hands while walking ng dalawa habang sila ay namamasyal, maging ang pasilip sa side profile ng lalaki.
Hanggang ngayon ay wala pang pagkakakilanlan kung sino ito.
Read: Aljur Abrenica wants to meet Kylie Padilla's boyfriend; reacts to Kylie defending AJ Raval
KYLIE'S UPCOMING PODCAST
Sa kabila ng pagiging busy ni Kylie sa paggawa ng teleserye at pelikula, at pagiging ina sa dalawa nilang anak ni Aljur na sina Alas Joaquin at Axl Romeo, excited na rin daw siyang pasukin ang mundo ng podcasting.
Read: Kylie Padilla, Aljur Abrenica post separate dedications to son Alas Joaquin on his 5th birthday
Kuwento ni Kylie sa PEP.ph, kasalukuyan na niyang pina-plot ang first episode ng kanyang podcast na mapapanood sa YouTube channel niya.
"I'm in the process of writing. I don't wanna jump in without a plan, e.
"Kasi I have a lot to say and I wanna say it in the right way, so pina-plot ko na po siya."
Read: Kylie Padilla opens up about being “stuck in fight or flight” after separation from Aljur Abrenica
Sundot na tanong sa kanya ng PEP.ph, "Ikaw kasi, for the longest time or lately in the past few years, very private ka sa life, so this time ba are you ready to open your life?"
Sagot ni Kylie, "Yeah, I think kasi I've had to sit with what happened to me and I just want to share what I learned.
"Kasi baka may mga... I don't know, mga nanay diyan na single moms or people who are struggling with their mental health that I can help with what I went through.
"Kasi ako, personally, when I watch people who are of influence, talk about what I'm going through, I feel like hindi ako nag-iisa."
Dagdag pa niya, "I feel like I have the opportunity to do that and I love to do that."
Read: Aljur Abrenica admits cheating on Kylie Padilla: "Totoo naman."
HEALING JOURNEY
Noong July 2021, nakumpirma ang hiwalayan nina Kylie at Aljur dahil sa rebelasyon ng ama mismo ng aktres na si Robin Padilla.
Read: Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party
Ayon kay Robin, nagkalamat ang samahan at pagmamahalan ng dalawa dahil sa umano'y third party.
Dalawang taon na rin ang nakakaraan, masasabi kaya ni Kylie na healed na siya?
Saad niya, "Certainly, may improvement.
"Pero ang healing journey kasi forever na yan hanggang sa mamatay tayo, so, ayon I just feel like ano siya, I feel better din if I share what I learned.
"Basta ang mindset ko ngayon is to enjoy the moment and to be unapologetically me."
