PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval on bashers: Hindi ako ang nanira.

AJ Raval: "July 17 2022 lang naging official. So anong problema mo sa amin?"
by Arniel C. Serato
Published Feb 23, 2023
AJ Raval asnwers netizens "kabit" comments
AJ Raval on bashers' accusation that she is a homewrecker to Aljur Abrenica-Kylie Padilla family: "Madam, FYI walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA. At literal na hiwalay na sila bago ako pumasok. kaya wala kang karapatan sabihin sa akin yan."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Instagram

Matapang na nakipagsagutan si AJ Raval sa bashers na sinabihan siya ng masasakit na salita katulad ng pagiging "kabit" at "nanira ng pamilya."

Ito ay matapos umamin si AJ at boyfriend na si Aljur Abrenica sa kanilang relasyon nitong nakaraang February 14, 2023, Valentine’s Day.

Read: Jowa reveal: AJ Raval, Aljur Abrenica confirm relationship via Valentine's Day posts

Sa Facebook ngayon araw, February 23, nagbahagi si AJ ng dalawang selfie photos niya.

Caption niya, “Virgo baby”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang basher ang tila hindi nakatiis at tinalakan ang sexy actress sa comments section.

Ayon dito, marami naman daw lalaki sa mundo bakit ang may pamilyang katulad ni Aljur pa ang pinatulan niya.

Walang pakundangang komento ng basher: “isa pa din tong kabit mang aagaw parang wlang lalaki sa mundo hahaha alam nya may familya si A panatolan din”

AJ Raval answers netizens

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ito pinalampas ni AJ.

Ayon sa Vivamax star, hindi siya ang nanira ng pamilya nina Aljur at estranged wife nitong si Kylie Padilla.

Hiwalay na raw ang dalawa bago siya pumasok sa buhay ni Aljur.

Litanya ni AJ: “Madam, FYI walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA.

“At literal na hiwalay na sila bago ako pumasok. kaya wala kang karapatan sabihin sa akin yan.

“Bakit hindi nyo na lang i research or hanapin kung sino ba talaga nanira? bakit ako ang sumasalo ng kasalanan na hindi ko naman ginawa? Anyway may you find your peace and happiness God bless you and you Family [praying hands emoji]”

AJ Raval answers netizens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JULY 17, 2022

Susog ng isa pang basher, inamin din daw ni AJ na talagang "kabit" siya kung ituring.

Nag-deny pa raw ito dati na magkarelasyon sila ni Aljur.

Punto pa ng basher, kahit ano pa ang mangyari, "kabit" pa ring maituturing si AJ dahil kasal sina Aljur at Kylie.

Buong komento nito: “Aj Raval ...hahah so inamin modin n kabit Ka nga ni aljur ..non Una Panay dinay Ka hahaha ..balikbaliktarin mo man kabit Ka parin Kasi kasal c Kylie at aljur hahahahahahah”

AJ Raval answers netizens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din ito ni AJ.

Ayon sa kanya, matapang niyang hinarap ang mga paratang na isa siyang kabit.

Kaya raw tumanggi siya dating kumpirmahin ang relasyon nila ay dahil nasa ligawan stage pa lamang sila ni Aljur.

Naging opisyal lamang daw ang relasyon nila noong July 17, 2022, isang taon mula nang makumpirma ang hiwalayan nina Aljur at Kylie ng publiko noong July 2021.

Read: Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party

Sabi ni AJ, “Matapang kong hinarap yan inamin namin yan at walang nag deny, kung nag play safe or nag sinungaling rin kami noon edi sana safe na safe rin kami ngayon…

“that time totoo naman na ligawan stage kami at last year July 17 2022 lang naging official. so anong problema mo saamin? Anong deny ang sinasabi mo?

“Mabuti ang intention ko wala akong masamang hangarin… at hindi ko kayang manakit ng kapwa ko tao walang katotohanan yang sinasabi mo [praying hands emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AJ Raval answers netizens

Makalipas lamang ang ilang oras ay binura na rin ni AJ ang mga post niyang ito.

Sa PEP Exclusives October 11, 2021 sinabi ni Kylie na karapatan ni Aljur na lumigaya ngayong hiwalay na sila.

Ayaw rin daw niyang malungkot si Aljur dahil baka mapansin at mahalata ng dalawa nilang anak na sina Alas at Axl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang Facebook post naman noong October 19, 2021, sinabi ni Aljur na si Kylie ang unang nagloko sa kanilang relasyon.

Read: Aljur Abrenica claims wife Kylie Padilla cheated on him first: "Please tell them the truth."

Mariin itong pinabulaanan ni Kylie.

Read: Kylie Padilla on Aljur Abrenica: "While we were formally married, I never had any extra-marital relationships with other men."

Ngayon, may napapabalita na ring bagong karelasyon si Kylie ngunit wala pang kumpirmasyon tungkol dito ang aktres.

Read: Kylie Padilla travels to Thailand with rumored boyfriend; reacts to “ikaw naman unang lumandi” comment

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval on bashers' accusation that she is a homewrecker to Aljur Abrenica-Kylie Padilla family: "Madam, FYI walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA. At literal na hiwalay na sila bago ako pumasok. kaya wala kang karapatan sabihin sa akin yan."
PHOTO/S: Courtesy: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results