Ikinasal na ang sexy actress na si Nathalie Hart sa kanyang Australian boyfriend na si Brad Robert.
Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Sydney, Australia.
Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Lunes, July 31, 2023, ibinahagi ni Nathalie ang mga kuhang larawan nila ni Brad mula sa naganap nilang kasal.
Read: Nathalie Hart, wala pang balak magpakasal kahit engaged na
Sa sobrang kasiyahan, halos hindi pa makapaniwala si Nathalie na siya'y ganap na maybahay na ni Brad.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "Still can't believe it [pray sign emoji]."
Sa isa pang post, proud na ipinakita ni Nathalie ang kanyang gown at wedding ring, maging ang paglalakad niya papunta kay Brad habang hawak-hawak ang bouquet of flowers.
"Mr and Mrs [red heart emoji]," saad niya sa caption.
Read: Elisse Joson, pinagkamalang si Nathalie Hart ng netizens sa kanyang Instagram post
Noong August 10, 2022, nang ma-engage si Nathalie. Nangyari ang marriage proposal sa kanya ni Brad sa Mirèio function room ng Raffles, Makati City.
Read: Nathalie Hart now engaged to non-showbiz boyfriend Brad Robert
CONGRATULATORY MESSAGES
Sa comments section ng post ni Nathalie, bumuhos ang congratulatory at best wishes messages ng kanyang co-celebrities at fans.
Komento ni Iza Calzado, "So Happy for you! Congratulations and best Wishes!!![red heart emojis]."
Bati naman nina John Arcilla, Chynna Ortaleza, Paolo Paraiso, Jay Gonzaga, at Alex Castro, "Congratulations, Nat!!!"
Sabi pa ni Dianne Medina, "Congrats sis."
Si Nathalie ay may isang anak sa dati niyang karelasyon, ang Indian national na si Mayank Sharma.
Read:
