Tila nataranta ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez nang matuklasan niyang iba na ang logo ng social media site na Twitter.
Ngayong araw, July 31, 2023, lang yata muling nag-check si Regine ng Twitter.
Dahil dito, napa-tweet siya sa kanyang followers.
Sabi ng ASAP Natin ‘To performer, “Hala anong nangyari kay tweeter??? Bakit X na?? Gosh it will take a long time for me to get used to X’ing people [crying, laughing emojis]”
Sinagot naman siya ng ilan niyang followers.
Sabi ng isa na tawang-tawa, “Good Morning teh [laughing emojis] pinalitan na po [laughing emojis]”

Komento naman ng isa pa, “Ni re-brand na po ate Regine ni Elon Musk from Twitter to X. Yung Tweets is now called Posts. Re-tweets are now called Re-posts :)”

Biro ng isa pa, “Ikaw lang daw po kasi dapat yung bird, songbird. [laughing emoji]"

“End of an era” ang maraming komento ng netizens kasunod ng pagbago ng logo ng tanyag na social media app na Twitter.
Ang tanyag na blue bird ay pinalitan ng capital letter na “X” na may itim na background.

Inanunsiyo ng business tycoon na si Elon Musk, owner ng Twitter, at ng chief executive officer nitong si Linda Yaccarino ang pagbabagong-anyo ng logo ng social media app noong July 24, 2023.
Ginamit na rin nina Musk at Yaccarino ang X logo sa kanilang Twitter handle.
Ilang beses binanggit ni Musk na nais niyang palitan ang Twitter logo.
Nagpa-survey pa siya sa milyun-milyon niyang followers kung papaboran nila ang pagpapalit ng kulay ng Twitter from blue to yellow.
Si Yaccarino ay namuno bilang Twitter CEO noong June 5 sa hangaring pataasin ang bumabang revenue ng Twitter.
