Handang-handa na sa panghabambuhay na commitment ang aktres na si Mara Lopez at American boyfriend nitong si Chandler Booth.
Ito'y matapos ianunsiyo ni Mara ngayong Lunes, July 31, 2023, na engaged na sila ng nobyo niyang businessman.
Si Mara ay anak ng aktres at Bb. Pilipinas-Universe 1982 Maria Isabel Lopez.
Read: Maria Isabel Lopez recalls transition from beauty queen to sexy actress
Ayon sa Instagram post ni Mara, nangyari ang marriage proposal sa kanya ni Chandler noon pang nakaraang linggo.
"Something special happened last week... We're engaged! [ring and red heart emoji]," caption ni Mara sa kanyang post, kalakip ang litrato nila ng kanyang fiancé.
Laking tuwa ring ipinost ito ng kanyang ina na si Maria Isabel.
Aniya sa post, "Celebrating the engagement of my daughter @maralopezy to @thechandalier! Congratulations and wishing you both much happiness."
Sa panayam ni Mara sa PEP Troika noong October 3, 2020, ibinahagi nito kung gaano niya nilu-look up ang relasyong mayroon ang kanyang ina.
Ito rin daw ang isa sa kanyang inspirasyon sa relasyong mayroon sila ng kanyang nobyo.
Katulad kasi ni Mara, Amerikano rin ang partner ni Maria Isabel na si Jonathan Melrod.
Read: Mara Lopez, rekomendado ang online dating sa single ladies ngayong may pandemic
Nabanggit din ni Mara sa nasabing panayam niya ang tungkol sa online dating at sabi niya, “Sa mga single, puwede namang mag-online dating.
"Hindi naman kayo puwedeng magkita, hindi kayo puwedeng mag-usap nang harapan.
"Parang yun ang safest way to meet people, di ba? Kasi, feeling ko, it’s possible naman to find love online.
"Nakita ko yun sa success ng relationship ng nanay ko at ng stepdad ko. Sobrang saya nila. Siyempre, feeling ko, sa online, hit or miss siya, e.
"Minsan, hindi natin alam, serial killer yung kausap mo. Siyempre, dapat you build trust muna, di ba?
"Nakita ko kasi kung gaano kasaya ang nanay ko sa stepdad ko. Sobrang supportive niya sa mga films ni Mama.”
Read: Stars with foreign partners: Crossing borders for love
