PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice, Ion fly amidst MTRCB issue |follows|

Vice Ganda: "Hold my hand. Everything will be ok."
by Arniel C. Serato
Published Aug 2, 2023
Vice Ganda, Ion Perez fly abroad amid issue with MTRCB
Vice Ganda and partner Ion Perez on "labing labing muna" mood amid issue with Movie and Television Review and Classification Board.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook

Mukhang magpapalamig muna mula sa kinasasangkutan nilang isyu ang magkarelasyong sina Vice Ganda at Ion Perez sa pamamagitan ng pagbabakasyon.

Sa kanyang verified Facebook account, ibinahagi ni Vice ang larawan nila ng partner na si Ion habang nasa airport lounge ngayong Miyerkules, August 2, 2023.

Maikling caption niya, “labing labing muna!! [smiling face with heart eyes, airplane emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram Story, nagbahagi rin si Vice ng isang short video kung saan makikitang nakaupo na sila ni Ion sa business class ng isang eroplano.

Vice Ganda, Ion Perez vacation

Sa isa pa niyang Story, makikita naman ang isang larawang magka-hawak kamay.

Caption ni Vice, “Hold my hand. Everything will be ok. @ionperez27”

Vice Ganda, Ion Perez vacation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Instagram Story naman ni Ion, ibinahagi niya ang larawan ng magkahawak nilang kamay ni Vice kung saan makikita ang kanilang tattoo na kung pagtatabihin ang mga daliri ay makikita ang smile emoji.

Sa paligid nito ay ang kanilang passports at airline tickets.

Kapag isu-zoom ang larawan, mababasa sa tickets na EVA Air ang eroplanong kanilang sasakyan.

Vice Ganda, Ion Perez vacation

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibig sabihin, sa ibang bansa magbabakasyon ang dalawa.

Sa feed naman ni Ion, ipinost niya ang larawan nila ng partner na kuha sa Your Memejesty Queen VG sold-out concert ni Vice sa Araneta Coliseum noong June 2, 2023, kung saan nag-kiss sila sa stage habang sabay na nag-dirty finger sign.

View this post on Instagram

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

Walang caption si Ion pero maraming fans nila ang nakisimpatiya sa kanilang dalawa.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Vice Ganda, Ion Perez vacationVice Ganda, Ion Perez vacationVice Ganda, Ion Perez vacation


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hihihinalang may kinalaman ang paglipad nina Vice at Ion sa ibang bansa sa isyung kinasasangkutan nila at ng kanilang programang It's Showtime.

Ipinatawag ng pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang authorized representative ng It's Showtime noong nakaraang Lunes, July 31, 2023.

Ito ay may kaugnayan sa mga eksenang ipinalabas sa Kapamilya noontime show noong July 25.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na may kinalaman ito sa eksenang ginawa nina Vice at Ion sa "Isip Bata" segment ng show.

Sa "Isip Bata" ay may general information questions na kailangang sagutin ang players. Ang sagot sa questions ay hango sa survey mula sa mga bata.

May partisipasyon din sa segment na iyon ang resident kiddie mainstays ng It's Showtime.

Ayon sa impormasyong nakarating sa PEP.ph, ang agenda sa hearing ng MTRCB ay "Violation of Section 3 of Presidential Decree No. 1986 and Its Implementing Rules and Regulations."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabing nakatanggap ng "numerous complaints" ang MTRCB dahil sa "indecent act/s" na ipinalabas sa live telecast ng show noong July 25.

Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and partner Ion Perez on "labing labing muna" mood amid issue with Movie and Television Review and Classification Board.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results