Kabilang sa nakaramdam ng labis na kaligayahan sa pag-iisang dibdib nina Rambo Nuñez at Maja Salvador ay ang pamilya ni Rambo.
Ikinasal sina Maja at Rambo sa chapel ng Apurva Kempinski Bali, isang five-star hotel sa Bali, Indonesia, noong Lunes, July 31, 2023.
Read: Maja Salvador and Rambo Nuñez tie the knot in Bali, Indonesia
Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Huwebes, August 3, 2023, naghayag ng kanyang pagmamahal kay Maja ang ina ni Rambo na si Marilen Nuñez.
Ayon sa negosyante, sa lahat daw ng pag-iibigan na kanyang nasaksihan, ang version ng love story ng anak na si Rambo at ni Maja ang kanyang pinakagusto.
Noong bago pa lang magkasintahan sina Rambo at Maja ay naghiwalay sila, pero pagkalipas ng maraming taon ay nagkabalikan sila hanggang sa nauwi na ito sa pag-iisang dibdib.
Napatunayan daw ng dalawa na sila talaga para sa isa’t isa.
Mensahe ni Marilen, “Of all the versions of a great love story that I’ve witnessed in my life, one that I love most is when they let go of one another, only to eventually find their way back to each other.
“And that’s exactly the story of Rambo and Maja. [heart emojis]”

Dagdag naman ng kapatid ni Rambo na si Yanee Nuñez-Alvarez, pinakapaboritong love story talaga niya ang sa kanyang nakababatang kapatid na si Rambo at ni Maja.
Caption niya sa kanyang post sa Instagram, “One of my absolute favorite love stories, and now they are one [heart emoji]
“We love you Mr and Mrs Nuñez [heart emoji]
"Ate, chicoy and the kids will always be here for you both. [heart emoji]”

Ang pag-iibigan nina Maja at Rambo ay masasabing “love is lovelier the second time around.”
Twenty-one years old lamang si Maja nang naghiwalay sila ni Rambo, at inamin niyang career ang pinili noon kaysa sa pag-ibig.
Apat na buwan lamang tumagal ang relasyon nila noon.
Muling nagkrus ang landas ng dalawa noong 2018.
Sabi ni Maja sa panayam sa kanya ng Metro Magazine, "Ang dami naming random na pagkikita — sa airport lounge, sa isang gym.”
Muling nagpakita ng interes noon si Rambo kay Maja para muli silang mag-catch up sa mga panahong hindi sila nagkikita.
Pero naasiwa si Maja na makipag-usap sa ex-boyfriend.
Kalaunan, muli na rin siyang nakipagkomuniskasyon sa binata.
February 14, 2019 nang magkabalikan sina Maja at Rambo.
Read: Maja Salvador and Rambo Nuñez's love story: from rekindled romance to the wedding day
Bago pa man ang kanilang destination wedding sa Indonesia, ikinasal na sa isang civil wedding rites sina Maja at Rambo sa Pilipinas.
Sa exclusive interview ng Preview.ph, na inilabas kasabay ng kasalan sa Bali, inamin ni Maja na nagpakasal sila ng longtime boyfriend na si Rambo noong February 14, 2023, araw ng kanilang ikaapat na anibersaryo bilang magkarelasyon.
Pinangasiwaan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang civil wedding na ginanap sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio Global City.
Read: Maja Salvador reveals civil wedding with Rambo Nuñez in February before Bali wedding
