Sa Taiwan nagbakasyon sina Vice Ganda at Ion Perez.
Kagabi, August 3, 2023, nag-share si Vice ng larawan ng isang sikat na lugar doon. Pero hindi niya ito pinangalanan.

Base sa Google search, ito ay nasa labas ng World Trade Center Square, Taiwan.
Read: Vice Ganda, Ion Perez fly to an undisclosed location amid issue with MTRCB: “Labing labing muna”
Kasunod nito ay nagbahagi si Vive sa kanyang feed ng mga larawang kuha noong kasal nila ni Ion sa The Little Vegas sa Las Vegas, Nevada, noong October 19, 2021.
Read: Vice Ganda reveals Las Vegas wedding with Ion Perez last year
Malalim ang hugot ni Vice sa caption.
Very proud daw siya sa pag-iibigan nila ni Ion na kung maaari ay madala niya sa kanyang “next life.”
Buong caption ni Vice, “Ours is not just a simple love story. It’s revolutionary. Something I will always be very proud of. Even in my next life.”
View this post on Instagram
Sa comments section ay nagpaabot ng suporta ang mga kasamahan nila sa It’s Showtime at ilang kaibigan sa showbiz:


Ngayong Biyernes ng gabi, August 4, 2023, ipinost ni Vice ang video ng tila short wedding vow nila ni Ion nung ikinasal sila sa Las Vegas.
Caption niya, "Lahat ng gagawin ko sa buhay ko, isa ka sa magiging inspirasyon.”
Hindi malinaw kung saan galing ang hugot ni Vice dahil hindi naman anibersaryo ng kanilang relasyon o ng kanilang Las Vegas wedding.
Nasa gitna ng isang isyu ang dalawa dahil sa naging aksiyon nila “Isip Bata” segment ng It's Showtime.
Noong July 25, napanood sa "Isip Bata" ang portion kunsaan tinanong kung anong pagkain ang masarap simutin gamit ang daliri. Ilan sa choices noon ay tsokolate, chichirya, at cake.
May eksena kunsaan ide-demo ng hosts ang choices na pagpipilian ng contestants. Si Jugs Jugueta ang nag-demo para sa tsokolate at si Ryan Bang para sa chichirya.
Si Ion ang nakatokang mag-demo para sa cake.
Sa isang punto ng segment, lumapit si Ion kay Vice para bigyan ito ng icing, at dito idinemo ni Vice kung paano simutin ang cake icing.
Bahagyang nagtuksuhan ang hosts sa paglapit ni Ion kay Vice dahil real-life partners ang dalawa.
Nagpakita pa ng bahagyang kilig si Vice sa maiksing eksenang ibinigay sa kanila ni Ion.
Dahil dito, ipinatawag ng pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang authorized representative ng It's Showtime noong July 31, 2023.
Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment
