PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elijah Canlas Mourns Brother JM's Inurnment

“Malakas po si JM. Hanggang ngayon malakas po siya, napakalakas na bata.”
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 7, 2023
Elijah Canlas on brother JM Canlas interment
Elijah Canlas (left) on late young brother JM Canlas (right): “Si JM, ayaw po niya na napagsasabihan, e, very short po yung patience niya. Ayaw po niya napagsasabihan, ayaw po niya ng away. Gusto po niya lagi na masaya. Kaya gusto rin po naming i-celebrate yung buhay niya. I-celebrate po natin yung buhay niya, ipagdasal po natin siya.”
PHOTO/S: Jerom Canlas/Elijah Canlas Facebook

TRIGGER WARNING: Depression

Napahagulgol sa iyak ang young actor na si Elijah Canlas nang ihatid nila sa huling hantungan ang nakababatang kapatid na si Jamile Matthew "JM" Canlas nitong Linggo, August 6, 2023.

Pumanaw si JM sa edad na 17 noong Huwebes ng umaga, August 3, 2023.

Read: Former child actor JM Canlas, youngest brother of Elijah Canlas, dies at 17

Bago ilagak ang abo ng mga labi labi ni JM sa columbarium ay nagbigay ng mensahe si Elijah para sa yumaong kapatid at sa mga nakiramay.

Sa in-upload na video sa TikTok ng isang netizen, kapansin-pansin sa pananalita ni Elijah ang labis na pagdadalamhati sa pagkamatay ng kapatid.

Dito ay binanggit ni Elijah ang pakikipaglaban ni JM sa depression noong nabubuhay pa ito.

Mensahe niya sa mga nakiramay, “Magandang hapon po sa inyo, maraming salamat po ulit sa pagpunta dito at sa pagsama po sa amin, sa pakikiramay… maraming salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam kong marami pong tanong, marami po tayong tanong kung bakit, kung paano, kung ano.

"Pero gusto ko lang po ipaalam na he's been battling with this for a while now and he fought a good fight.

“Malakas po si JM. Hanggang ngayon malakas po siya, napakalakas na bata.”

Read: Sharlene San Pedro, Xia Vigor, Sophia Reola, Mitch Briones mourn death of JM Canlas

Pagbubunyag pa ni Elijah, maging siya ay nakaranas noon ng depression, ngunit sa tulong daw ni JM ay kanya itong nalabanan at napagtagumpayan.

Humahagulgol na sambit ni Elijah, “Ako din po dumaan sa depresyon, nandiyan po siya para sa akin. He's always there to make me laugh, he's always there to cheer me up.

“Sabi nga po ni Daddy kanina, nakilala natin siya bilang masayahin, makulit, may facade na ewan. Pero mabigat na po talaga yung kinakarga niya.

“Kaya kahit siya na po mismo nagsabi na, he would like all of us to find solace in the fact that he’s in peace right now.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya magpasalamat po tayo doon. Ipagdasal po natin si JM.”

Iginiit din ni Elijah na hindi biro ang usaping mental health. Hindi rin daw ito isang karamdaman na dapat ipagwalang bahala.

Matagal daw nilabanan ni JM ang sakit na ito.

Saad ni Elijah, “Alam ko rin po na marami ngang hindi naniniwala, maraming kumukuwestiyon kung ano po ba ang mental health. Kung totoo ba yan na pinapagpag lang yan, mag-joke lang or whatever, o itawa mo lang yan.

“Hindi po siya ganun kasimple.

"Ako na po ang nagsasabi, matagal nga pong lumaban itong si JM. Sobrang tagal po niya lumaban at ilang beses po namin siyang naligtas.

“We got to talk about it, we were there for him, we would call, he would knock our doors, talk to his friends.”

Sa huli, hiling ni Elijah na wala na sanang buhay ang malagas nang dahil sa matinding problema at kalungkutan.

“Kaya hinihiling ko rin po na huwag po nating maliitin yung sakit na ito. I-check po natin yung isa’t isa, no matter what age, no matter what... o kung ano man yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I-check po natin ang isa’t isa at maging mabuti po tayo sa isa’t isa.

“Si JM, ayaw po niya na napagsasabihan, e, very short po yung patience niya. Ayaw po niya napagsasabihan, ayaw po niya ng away.

“Gusto po niya lagi na masaya. Kaya gusto rin po naming i-celebrate yung buhay niya. I-celebrate po natin yung buhay niya, ipagdasal po natin siya,” aniya.

Dagdag pa niya, “Alam ko pong masaya siya na nandito tayong lahat.”

Read: The young life and legacy of JM Canlas

Nagpaabot din ng pasasalamat ang panganay na kapatid ni JM na si Jerom Canlas.

Sa Facebook post ni Jerom nitong August 7, inihayag niya ang labis na pasasalamat sa lahat ng nagpakita ng pagmamahal kay JM hanggang sa huli nitong sandali.

Kalakip ng kanyang post ang mga litrato ng mga mahal sa buhay ni JM na dumalaw sa kanyang labi.

Mababasa sa kanyang caption (published as is), “Yesterday, we brought JM at his resting place.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming salamat po sa lahat ng mga dumalo at nagdiwang nang naging buhay ni JM kasama namin. Dama po namin ang lahat ng inyong pakikiramay.

“Hindi po namin inaasahan ang nag-uumapaw na bisita. Sigurado ako si JM hindi niya rin inaasahan pero tuwang-tuwa ‘yun.

“Pasensiya na po dahil may mga ibang hindi na nakapasok dahil sa sobrang daming tao. Ang daming nagmamahal sa’yo, JM! Nag-uumapaw!

“Please continue on praying for our family and for JM’s good soul. Hindi po namin alam paano makakayanan, pero magpapakatatag po kami, tayo—para kay JM.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 11 showbiz celebrities who died before they turned 22

Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elijah Canlas (left) on late young brother JM Canlas (right): “Si JM, ayaw po niya na napagsasabihan, e, very short po yung patience niya. Ayaw po niya napagsasabihan, ayaw po niya ng away. Gusto po niya lagi na masaya. Kaya gusto rin po naming i-celebrate yung buhay niya. I-celebrate po natin yung buhay niya, ipagdasal po natin siya.”
PHOTO/S: Jerom Canlas/Elijah Canlas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results