Viral ngayon sa social media, lalo na sa TikTok, ang diumano’y kissing video ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Angelie "Lie" Reposposa.
Isang netizen ang nangahas mag-upload sa TikTok ng pakikipaghalikan umano ni Lie sa isang foreigner sa isang bar sa Poblacion, Makati.
Ngayong araw, August 8, 2023, ipinost ang nasabing video na kuha diumano noong Sabado, August 5.
Caption ng uploader, “can’t deny talaga na hindi yan si ano. pag ka post na pag ka post ng video na to kagabi nakita agad ni guy. nasaktan siya talaga ng sobra. #cheating #foryou #foryoupage #liereposposa #pbb #viral”
@urfavv.aiks Replying to @yuri can’t deny talaga na hindi yan si ano. pag ka post na pag ka post ng video na to kagabi nakita agad ni guy. nasaktan siya talaga ng sobra. #cheating #foryou #foryoupage #liereposposa #pbb #viral ? Cheating on You - Charlie Puth
Ang tinutukoy marahil na "guy" ng uploader ay ang British fiancé ni Lie na si Paul Joshua Marsden.
NETIZENS REACT
Hati ang opinion ng netizens sa video na ito na mayroon na halos one million views sa TikTok.
May ibang naniniwalang si Lie ang nasa video.
Saad ng isang netizen, "GRABE if siya man talaga yan. Engage pa naman na sila :c"

Ayon sa isa pa, "why naman antehhh???? nasa tamang tao ka na"

May nagsabi namang maniniwala lang sila na si Lie ang nasa video kaapag malinaw na ang mukha ng babaeng mapapanood dito.
Sabi ng isang nagkomento, "Maniniwala Lang ako pag kita talaga muka nyan dami dami kamuka natin sa Mundo nuh"

Dagdag naman ng isa pa, "ang layo para maging si lei yan braso palang e! magkaparihas lang buhok."

Sinagot naman ng uploader ang isang nagkomento na hindi raw engaged sina Lie at Paul.
Sabi nito, “Replying to @TEAM UNO EVRALYN sige ante ipilit natin na hinde”
Read: Lie Reposposa posts foreigner boyfriend on social media
@urfavv.aiks Replying to @TEAM UNO EVRALYN ? Magbalik X The Way I Loved You Callalily X Taylor - Erik Yoshida
DID PAUL ALSO REACT?
Mababasa naman dito ang comment ni @Coolguy032904, na TikTok account ni Paul.

Sabi ni Paul, “Its crazy, we are engaged. We tell the public we are not because of her management but we are meant to get married in the new year. Can’t believe it”

Dagdag pa niya, "2 weeks and we are meant to be together, 3 months we are meant to live together, 5 months we are meant to get married. Seeing this has killed me inside."

Read: Ex-PBB housemate Lie Reposposa, 19, engaged to British boyfriend
Narito ang iba pang posts ng netizens tungkol sa diumano’y “cheating issue” ni Lie sa X (Twitter) at Facebook:
LIE TURNS OFF COMMENTS SECTION
Naka-turn off na ang comments section ng mga account ni Lie at ng boyfriend nitong si Paul sa Tiktok.
Pati Instagram account ni Lie ay naka-off na rin ang comments section.
Burado na rin sa Instagram account ni Lie ang larawan nila ng British boyfriend.
Wala pang bagong post si Lie sa kanyang Instagram. Wala pa rin siyang pahayag ukol sa issue.
Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaaring ihayag ni Lie tungkol sa isyung ito.
