All praises ang ABS-CBN actress na si Julia Montes nang matanong ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kamusta ang kanyang experience na maging leading man ang GMA-7 actor na si Alden Richards.
Magkatambal ang dalawa sa upcoming movie Five Break-Ups And A Romance.
Ito ang first movie collaboration ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, at ng MYRIAD Corporation na kumpanya ni Alden.
Nakapanayam ng PEP.ph si Julia tungkol sa pelikula nila ni Alden sa Avignon Gala na ginanap sa grand ballroom ng Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City, Taguig, nitong nakaraang July 31, 2023.
Bukod sa pelikula, masaya si Julia na isa na si Alden sa maituturing nitong kaibigan sa showbiz.
"I'm so happy to [have] found a new friend in him," aniya.
Aminado rin si Julia na napabilib siya sa kabaitan at husay ni Alden bilang isang aktor.
"Super happy ako and I know that's why Alden is Alden because ganoon siya kabait and ka-talented.
"So, wala, na-amaze ako sa kanya."
Patuloy ng aktres, "Sobrang bait and talented, e, hindi mo maano yun... Yung talent kasi nandiyan, pero sabayan mo pa ng bait, that's why star siya."
Bukod kay Julia, nakatrabaho na rin ni Alden ang matalik na kaibigan ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, sa 2019 Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye.
Nang tanungin ng PEP.ph kung meron na silang group chat gayong magkakaibigan na sila, sagot nito, "Actually, wala... Kasi hindi kami nag-uusap ni Kathryn about projects.
"Pero yung nagkita-kita kami, ang sarap lang sa pakiramdam kasi, yan, nagkasama-sama na kami."
Read:
- Alden Richards and Julia Montes reveal reasons for saying "yes" to 'Five Break-ups And A Romance'
- Julia Montes surprised by movie offer opposite Alden Richards
Noong May 2023 pa natapos ang shooting ng pelikula nina Julia at Alden. Kaya naman excited na si Julia na mapanood ng lahat ang maituturing nitong ''favorite film" niya.
Pahayag ni Julia, "Right now, we're just waiting for the playdate ng movie namin with Alden. Yun yung pinaka-upcoming.
"But then, after that, mga surprises pa, medyo hindi pa puwede i-reveal.
"Pero yung movie with Alden, super... antayin nila kasi super favorite film ko siya as of the moment."
Hindi naman na nagbigay ng iba pang detalye si Julia tungkol sa kanilang pelikula pero kampante itong maraming makaka-relate dito.
Aniya, "For now, siguro everybody can relate to it because it's five breakups, lahat tayo we go through something na alam mong part ka noong movie.
"Saka ano, very nakaka-awakening yung film."
READ MORE:
- Coco Martin and Julia Montes addressing their relationship status through the years
- Sharon Cuneta to basher calling her "sipsip" to Coco Martin: "Lumagay ka sa tama."
- Coco Martin and Julia Montes reel-to-real romance: A timeline
- Coco Martin accidentally confirms 12-year relationship with Julia Montes
