PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kyline Alcantara visits victims of Mayon Volcano eruption

Kyline Alcantara wants to be a military reservist.
by Glenn Regondola
Published Aug 10, 2023
kyline alcantara in albay
Kapuso actress Kyline Alcantara in her relief efforts for those affected by Mayon Violcano eruption in Ligao, Albay: "Actually po, well, updated naman po ako, pati ang buong pamilya ko sa nangyayari dito sa Mayon kasi tagarito ang father ko, so naisipan po namin na magbigay ng tulong kahit papaano. Ang makapagbigay ng saya sa kanila sa gitna ng pinagdadaanan ng mga apektado... Alam ko naman po kung gaano kahirap ang mag-stay sa evacuation center, lalo na nga po't natatagalan na rin sila dito."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Personal na tumungo si Kyline Alcantara sa bayang sinilangan ng kanyang ama na si Salvador Manga, sa Ligao, Albay, partikular sa National Evacuation Center sa Barangay Basag, upang maghatid ng relief goods sa mga lumikas dahil sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Kasama ang ama at inang si Rowena Aquino, pati na ang ibang miyembro ng Manga family, namahagi ang Kapuso young actress ng ilang bags of goodies, nagpalaro, at nakisalamuha sa evacuees noong August 1, 2023.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline bago magsimula ang nasabing activity, nagpahayag siya ng saloobin kung bakit ginawa niya ang aktibidad na ito sa gitna ng pagiging abala sa trabaho.

Aniya, "Actually po, well, updated naman po ako, pati ang buong pamilya ko sa nangyayari dito sa Mayon kasi tagarito ang father ko, so naisipan po namin na magbigay ng tulong kahit papaano.

"Ang makapagbigay ng saya sa kanila sa gitna ng pinagdadaanan ng mga apektado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, sana nga po, kahit paano, dito sa gagawin namin, ay mapasaya po namin sila, at makatulong sa kanilang pang-araw-araw dito sa evacuation center.

"Alam ko naman po kung gaano kahirap ang mag-stay sa evacuation center, lalo na nga po't natatagalan na rin sila dito."

kyline alcantara in albay

Ibang-ibang klase nga raw ang nararamdaman niya lalo na't isa siyang purong Bicolana, kaya yung pag-abot sa kanila ng tulong at kasiyahan ay mas lalong espesyal para sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng 20-year-old actress, "Yun na nga po yun. Siyempre po, isa itong malaking parte ng aking buhay.

"So, siguro po, itong ginagawa ko pong ito ay magtutuluy-tuloy na ito, at siyempre, sana sa paggawa ko ng ganitong gesture, e, marami rin po ang ma-inspire, at ma-encourage na gawin din po ito sa kanilang bayan kapag may kalamidad na hindi natin kayang makontrol."

Talaga nga raw isiningit niyang charity work na ito habang wala pa siyang sinisimulang proyekto sa Kapuso network, at may libre siyang oras isang araw na kagagaling pa nilang nila ni Marvin sa Zamboanga City for a show.

Saad niya, "Sinabi ko pa talaga sa handler ko i-block ang mga araw na gagawin ko ito ang relief operatrion na ito.

"I'm happy naman po na pinayagan nila ako na gawin ito.

"Kailangan po talaga isingit kasi, di naman po ito labag sa kalooban ko.

"Kumbaga, nanggaling po ito sa kalooban ko, happy po ako, at naintindihan po ito ng [GMA] management."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pa nga raw sa perks niya rito ay ang personal niyang makilala ang mayor ng Ligao City na si Mayor Fernando Gonzalez.

kyline alcantara mayor fernando gonzalez

Nangingiting kuwento ni Kyline, "He is really intimadating.

"But, nung medyo nagtagal na din po ako sa kanyang opisina, naging komportable naman ako kahit paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nailabas ko po yung childish side ko, kasi tama po kayo, very fatherly ang dating ni Mayor. And my family knows him personally.

"Sabi nga po niya, neighbors niya ang aming pamilya before, so ayun po.

"We never know po one of these days na [pasukin niya ang pulitika]... may motivations po kasi yung family ko po, ang dami nilang alam sa politics.

"Pero alam ko po na it's really hard at kailangan po talagang pag-aralan ang mundo ng pulitika.

"Delikado po, alam naman natin po yan, but siguro ang motivation ko lang ay makatulong, magsilbi sa ating bansa o kung saan mang bayan ako mapunta.

"We'll never know po."

Meron bang bahagi ng kanyang sarili ang nagsasabing baka pasukin niya ang mundo ng pulitika pagdating ng tamang panahon?

"Yes, meron po," mabilis na sagot ni Kyline.

"Pero, di naman po natin alam. Libre lang naman po ang mangarap.

"Pero, alam ko pong nakapahirap na trabaho po ito. HIndi po natin alam kung ano talaga ang mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang isa talaga sa pinakagusto niyang mangyari ay maging isang military reservist. Nang makita nga raw niya ang mga men in uniform na nakapaligid sa kanya, nabuhay muli ang excitement sa sarili niyang pasukin ang larangang ito.

kyline alcantara in albay

Diin ng Kapuso actress. "Yes po. Hindi po siya yung tipong all of a sudden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, matagal ko na po siyang hinihiling kay Papa, na dahil nga po may contact naman sila, so sana po, makapag-join ako sa reserved army po.

"Sa father side ko po kasi, most of my lolos are nasa military. May mga kamag-anak po.

"Siguro, dahil nga po dun, and yun po , makapagsilbi sa bayan.' Handa rin daw siya sa mga iba't ibang tranings na pagdadaanan kung sakali.

Aniya, "Alam niyo naman po ako, I love challenges. Isa po ito sa challenges na gusto kong pasukin.

"Sana po, ma-achieve ko yung goal na yun, malampasan ko ang challenges na papasukin ko."

Pagkatapos ng araw ng kanyang relief operation, ang buong pamilya nina Kyline ay magdamag din nag-bonding sa Patio de San Jose, sa Malilipot, Albay. kung saan nagkaroon sila ng pagkakataong manood ng lava flow ng Mayon Volcano na visible din sa Tamaoyan, Legazpi City.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kyline Alcantara in her relief efforts for those affected by Mayon Violcano eruption in Ligao, Albay: "Actually po, well, updated naman po ako, pati ang buong pamilya ko sa nangyayari dito sa Mayon kasi tagarito ang father ko, so naisipan po namin na magbigay ng tulong kahit papaano. Ang makapagbigay ng saya sa kanila sa gitna ng pinagdadaanan ng mga apektado... Alam ko naman po kung gaano kahirap ang mag-stay sa evacuation center, lalo na nga po't natatagalan na rin sila dito."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results