PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Raval Addresses AJ Raval, Aljur Rumor

Jeric on AJ finishing high school: "Happy ako para sa kanya..."
by Julie E. Bonifacio
Published Aug 11, 2023
Jeric Raval on AJ Raval and Aljur Abrenica
Jeric Raval (left) on people assuming that his daughter AJ Raval has a baby with boyfriend Aljur Abrenica: "Alam naman ng iba na marami akong apo, 11 sila. Twelve na nga, e. sa isa kong anak yun. E, siyempre kapag nasa bahay, karga-karga ni AJ ang mga bata. So, akala nila anak ni AJ."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / @ajravsss Instagram

Muling nahingan ng pahayag si Jeric Raval, 47, sa di mamatay-matay na isyu na diumano'y may anak si AJ Raval, 22, sa nobyo nitong Aljur Abrenica, 33.

Noon pang nakaraang taon naiintriga si AJ tungkol dito.

Read: Jeric Raval, diretsahang itinangging nabuntis at nanganak ang anak na si AJ Raval

Si AJ ay anak ni Jeric.

"Ang dami nagtatanong sa akin niyan, lagi-lagi na lang. Ang tagal na noon pero wala nang lumitaw na bata," ani Jeric.

Dagdag niya, "Alam naman ng iba na marami akong apo, 11 sila. Twelve na nga, e. sa isa kong anak yun.

"E, siyempre kapag nasa bahay, karga-karga ni AJ ang mga bata. So, akala nila anak ni AJ.

"Kung sinu-sinong batang bago, kung sino yung batang karga-karga, akala nila anak ni AJ. Pero walang anak doon si AJ."

Ano ang payo niya kay AJ sa gitna ng mga intriga rito?

Sagot ni Jeric, "Sabi ko lang sa kanya, 'Hayaan mo lang, Anak. Para pag-usapan ka.' Hahaha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jeric Raval: "Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami."

JERIC ON AJ RAVAL GRADUATING FROM HIGH SCHOOL

Masaya si Jeric na nakapagtapos na ang anak na si AJ sa high school.

"Siyempre, happy ako para sa kanya dahil yun ang isang bagay na hindi mananakaw sa yo, e—yung katalinuhan, kaalaman, edukasyon.

"Matatapos ang movie career mo pero ang kaalaman mananatili sa yo yan," proud na sabi ni Jeric.

Aminado si Jeric na naisantabi ni AJ ang pag-aaral nito nang magkaroon ng oportunidad sa show business.

Paliwanag niya, "Wala siyang time dahil sunud-sunod ang projects niya, e.

"Alam naman ng lahat na kapag ikaw ay usung-uso sa movie industry, kailangan meron kang i-give up or i-sacrifice. Kasama na doon yung pag-aaral niya."

Pinayuhan daw ni Jeric ang mga anak na hangga't maaari ay tapusin muna ang pag-aaral bago sumabak sa showbiz.

"Oo, actually, ako naman yung nagsasabi sa mga bata, 'Huwag kayong mag-artista, mag-aral kayo.' Ini-encourage ko siya na magpatuloy sa pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko nga sa kanya, mag-college siya, e. Mahilig naman mag-aral ang batang yun,” saad ni Jeric.

Kung si Jeric ang masusunod, gusto niyang pasukin ni AJ ang pagpupulis, at mag-aral ito sa Philippine National Police Academy (PNPA).

"Gusto ko sana mag-PNPA siya, e. Parang gusto niya mag-military. Ayaw niyang mag-PNPA.

"Kasi galing kami sa mga men in uniform, e, ang pamilya namin. Hindi nga lang PNP. Puro kami military," sabi pa ni Jeric.

Read: AJ Raval graduates from high school at 22

ON headlining a biopic

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa mediacon ng pelikulang Mamay sa direksiyon ni Neal 'Buboy' Tan.

Ang Mamay ay pelikula ukol sa life story ni Nunungan, Lanao del Norte Mayor Marcos Mamay, na ginampanan ni Jeric.

First time ni Jeric na gumanap ng isang true-to-life character sa pelikula.

"Karamihan ng mga ginawa kong true-to-life [roles] mga hoodlum. Eto naman ano, actually, istorya ito ng buhay ni Mayor Mamay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung paano siya nag-umpisa, kung paano siya naging mayor. Pero hindi ito istorya nung mayor na siya. Kundi, kung paano siya nag-umpisa.

"Dito makikita natin na mula sa pagiging mahirap, umangat siya. Pinapakita rin dito na hindi hadlang ang kahirapan para maisakatuparan ang mga pangarap niya sa buhay," lahad ni Jeric.

Aminado si Jeric na naka-relate siya sa buhay ni Mayor Mamay.

"Medyo... medyo. Lahat halos," sabay tawa niya.

"Siyempre, alam naman natin na Muslim sina Mayor Mamay. Ako, hindi naman ako Muslim, pero marami akong pamilya. Hahaha!"

Read: Jeric Raval: "Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami."

Kapareha ni Jeric sa Mamay si Ara Mina bilang misis ni Mayor Mamay.

Kuwento niya, "Nagkasama na kami ni Ara noon sa Regal, e. Pero sa TV lang. Sa movies wala pa.

"Pero muntik ko na siyang maging leading lady sa Regal. Kaya lang hindi natuloy.

"Pero okey naman kami sa set ng Mamay. Kasi matagal na kaming magkakilala. Close naman kami ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Magkaibigan kami niyan. Isa lang ang manager naming dati, di ba, si Dondon Monteverde.”

Niligawan ba niya o naging girlfriend din kaya niya si Ara noon?

"Uh, hindi....hindi," sagot ni Jeric.

Read: Ara Mina recalls unpleasant experience with Fil-Am actress

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval (left) on people assuming that his daughter AJ Raval has a baby with boyfriend Aljur Abrenica: "Alam naman ng iba na marami akong apo, 11 sila. Twelve na nga, e. sa isa kong anak yun. E, siyempre kapag nasa bahay, karga-karga ni AJ ang mga bata. So, akala nila anak ni AJ."
PHOTO/S: Julie Bonifacio / @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results