Jeric Raval: "Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami."

by Jojo Gabinete
Feb 16, 2021
Jeric Raval on being a father: "Ako, bilang ama, masasabi ko na wala akong pagkukulang kasi ever since, I’m very supportive sa mga anak ko. Close ako sa mga anak ko, barkada ko ‘yan, kalaro ko ‘yan, pati mga lalake. Hangga’t makakaya ko, ibinibigay ko sa kanila. They know each other kaya walang problema."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Hinuhusgahan at binabatikos si Jeric Raval ng mga taong hindi matanggap ang pagkakaroon niya ng labinwalong (18) anak at pakikipagrelasyon sa maraming babae.

Pero ayon sa aktor, tanggap niya ang mga pagkakamaling ito.

"Kung huhusgahan nila ako dahil lang nagkaroon ako ng anak na labinwalo, what more yung mga nagkaanak ng 88?" tanong ni Jeric.

Hindi nagsisisi ang dating action star na labingwalo ang kanyang mga anak. Pero kung maibabalik daw niya ang panahon, hindi na siya mambababae at mag-aanak ng marami.

Sinabi ni Jeric sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files na siya ang nasasaktan sa tuwing may mga hininihingi ang kanyang anak pero hindi niya maibigay.

"Kung maibabalik ko yung panahon, hindi ako mag-aanak ng marami. Hindi ako mambababae.

"Feeling ko nga, ako si James Bond that time. Yun ang hindi ko daraanan ulit.

"Hindi naman ako milyonaryo, hindi naman ako mayaman, tama lang.

"May mga anak kasi ako na minsan, kapag may hinihingi na isang bagay at hindi ko naibigay, masyado kong dinaramdam.

Continue reading below ↓

"In fact, may isa akong anak, humihingi sa akin ng sasakyan. Nagpapabili ng sasakyan. Hindi ko naman maibigay agad, nalulungkot ako.

"Siyempre, nakikita nila yung mga anak ko kay Day na may mga sasakyan. Naaawa naman ako sa iba kapag nakikita nila."

Apat ang anak ni Jeric sa kanyang legal wife na si Holiday Buensuceso.

Patuloy niya, "Hindi mo maiiwasang isipin na, ‘Bakit sila may sasakyan? Bakit kami hindi mo maibili?’

"Masyado kong dinidibdib yung ganoon. Sabi ko, siguro ito yung bunga ng mga mali ko na ginawa.

"Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami."

JERIC raval'S EIGHTEEN CHILDREN

Ilang taon na ba ang panganay at ang bunso na anak mo? Memoryado mo ba ang lahat ng mga pangalan nila?

Sagot ni Jeric, "Twenty-eight na yung panganay namin ni Day at yung bunso ko naman, twelve years old na.

"May anak ako sa New York, isa. May anak ako sa Japan, isa.

Continue reading below ↓

"May anak ako kay Monica Herrera, tatlo."

Si Monica ang dating aktres na madalas maging leading lady ni Jeric sa kanyang action movies noon.

Patuloy niya, "May anak ako sa kabilang pamilya ko, lima. Apat yung mga anak namin ni Day.

"May anak ako sa Makati, isa, lalake.

"'Tapos may anak pa ako na dalawa, nasa parteng South sila ngayon. Nagkakausap kami, malalaki na rin."

Aminado si Jeric na hindi siya perpektong asawa dahil sa kanyang mga pagkakamali, pero ipinagmamalaki niyang hindi siya nagkulang bilang ama.

"Ako, bilang ama, masasabi kong wala akong pagkukulang kasi ever since, I’m very supportive sa mga anak ko.

"Close ako sa mga anak ko, barkada ko ‘yan, kalaro ko ‘yan, pati mga lalake. Hangga’t makakaya ko, ibinibigay ko sa kanila.

"They know each other kaya walang problema."

AJ RAVAL GREW UP WITH HOLIDAY

Kabilang sa 18 anak ni Jeric sa iba’t ibang mga babae ang newcomer na si AJ Raval.

Continue reading below ↓

Kahit iba ang ina ni AJ, lumaki siya sa poder nina Jeric at Holiday, isang halimbawa ng pagiging dakila at martir na asawa ng babaeng pinakasalan ng aktor.

"Actually, si AJ, kay Day siya lumaki. Alaga ni Day si AJ," rebelasyon ni Jeric.

"Si AJ ay lumaki sa amin, three years old pa lang siya hanggang 14 years old.

Continue reading below ↓

"Bago siya nag-fifteen, pumunta na siya sa kabilang pamilya, sa mother niya.

"Ang mga anak ko, ang tawag nila sa nanay nila, Ate Day or Dayow. Dayow ang tawag sa kanya ni AJ.

"Mahal si Day ni AJ. Pinagtitiyagaan ni Day na i-tutor si AJ sa Math noong elementary at saka tinuturuan niyang magbasa. Sina Day, lahi ng mathematician."

Lahad pa ni Jeric, "Noong nag-guest si Day sa 'Bawal Judgmental,' nasa set ako ng short film na ginagawa namin ni AJ.

"So, nung after 'Bawal Judgmental,' nagpunta si Day sa set, tatlong araw siyang dumadalaw, nandoon si AJ.

"Hinatiran pa nga niya si AJ ng foam para may tulugan yung bata dahil natutulog kami sa sahig. Lock in kami sa isang parang haunted house."

LOOKING YOUNG

Forty-five years old na si Jeric, may labinwalong anak at sampung apo, pero hindi nagkakaedad ang madalas na puna tungkol sa kanyang hitsura.

Ipinagtapat ni Jeric na ang hindi nito pagkakaroon ng bisyo ang posibleng dahilan ng kanyang youthful appearance.

Continue reading below ↓

"Wala akong bisyo. Hindi ako naninigarilyo. Natuto akong mag-inom, matanda na ako, 22 years old na.

"Twelve years na akong hindi umiinom. Tinalikuran ko na ‘yon," sabi ni Jeric, na nagpasalamat sa mga pumupuri sa kanyang physical appearance.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Raval on being a father: "Ako, bilang ama, masasabi ko na wala akong pagkukulang kasi ever since, I’m very supportive sa mga anak ko. Close ako sa mga anak ko, barkada ko ‘yan, kalaro ko ‘yan, pati mga lalake. Hangga’t makakaya ko, ibinibigay ko sa kanila. They know each other kaya walang problema."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results