Bukal sa loob na idinonate ng pamilya Canlas ang kabaong ng former child actor na si JM Canlas sa 17-anyos na binatilyong napatay ng mga pulis matapos itong mapagkamalang murder suspect.
Pumanaw si Jerhode "Jemboy" Baltazar noong August 2, 2023, matapos siyang pagbabarilin ng mga pulis na nagsagawa ng operasyon sa Brgy. NBBS, Kaunlaran, Navotas City.
Read: The young life and legacy of JM Canlas
Papalaot daw sana noon ang biktima nang bigla na lamang itong paputukan at paulanan ng bala ng pulis Navotas.
Huli na nang mapagtanto nilang hindi si Jemboy ang suspek na target nila sa kanilang operasyon.
Halos magkasunod lamang na pumanaw ang dalawa. Si JM ay sumakababilang buhay noong August 3 sa edad ding 17.
Sa post sa Facebook ni Jerom Canlas nitong August 8, 2023, ibinahagi nito na ang kabaong ng kapatid na si JM ay bukal sa puso nilang idinonate sa pamilya ni Jemboy.
Kaagad ipina-cremate ang mga labi ni JM kaya hindi nagamit ang kabaong.
Dalawang araw ibinurol ang cremains ni JM bago ito hinatid sa kanyang huling hantungan.
Read: Former child actor JM Canlas, youngest brother of Elijah Canlas, dies at 17
Ani Jerom, likas sa kanyang kapatid ang mapagpanig sa katotohanan at hustisya kaya naman napagdesisyunan nilang ibigay kay Jemboy ang ginamit na kabaong ni JM.
Mababasa sa post ni Jerom, "Ang galing mo talaga JM!
"Jm donated his casket to Jerhode Jemboy Baltazar, also 17 yrs old—an EJK victim.
"Salamat po sa pagtulay mga kaibigan sa RESBAK, Paghilom, at AJkalinga Foundation Inc.
"Sigurado akong sumisigaw ng hustisya ang bunso namin sa langit."
Maging si Elijah, isa pang kapatid ni JM, ay saludo rin sa kanyang kapatid.
Sa pamamagitan ng pag-share niya sa post ni Jerom, sinabi ni Elijah na malamang ay gugustuhin din ni JM na tumulong lalo na sa mga nangangailangan.
Read: Elijah Canlas breaks down in tears at younger brother JM Canlas' inurnment
Saad niya, "Iba ka talaga, JM! Hanggang dulo, you help and fight for the oppressed and stand for what is right and just. As you always have.
"We are so proud of you. #JusticeForJemboy #StopTheKillingsPH."
Read: Sharlene San Pedro, Xia Vigor, Sophia Reola, Mitch Briones mourn death of JM Canlas
