Binalikan ng actress na si Sunshine Cruz ang kanyang younger days sa pamamagitan ng mga larawan na ipinost niya sa Instagram.
Tatlong pictures ang ibinahagi ni Sunshine na nagpapatunay kung bakit isa siya sa hottest sexy stars nung late '90s at early 2000s.
Pictorial photos ang mga ito na kinunan para sa kalendaryo ng isang popular na liquor drink.
Ito ang panahon na niyakap ni Sunshine ang imahe bilang sexy star.
Hindi kaila na sumabak si Sunshine sa pagiging daring sa harap ng kamera, senyales na tapos na siya sa pagpapa-tweetums at handa na para sa mature roles.
Ilan lamang sa mga pelikula na ginawa niya noon ay ang Init ng Laman, Ang Kabit ni Mrs. Montero. at Ekis.
Read: Sunshine Cruz on breakup with ex-boyfriend Macky Mathay: “Hindi nagli-level up yung relationship."
MORE THROWBACK PHOTOS TO COME
Sa kanyang caption ay ibinahagi ni Sunshine ang ilang detalye tungkol sa mga lumang larawan.
Sambit ni Sunshine, "I found my baul full of old photos. Here are some raw photos almost 25 years ago (year 1999)."
Sakto ang timeline sa panahong nakikilala na si Sunshine bilang isang sexy star.
Sa isang larawan ay nakasuot siya ng pulang underwear.
Read: Sunshine Cruz rocks 50-peso swimsuit in new summer post

Itim at made from leather material naman ang suot niyang bikini sa isa pang larawan, at silver bikini naman sa huli na kung saan ay may hawak ding baril si Sunshine.

"More throwback photos to come!" dagdag ni Sunshine, indikasyon na marami pa siyang naitago at nahalungkat na old photos na ibabahagi online.
Bumuhos naman ang mga papuri sa aktres galing sa mga kaibigan at tagahanga.
Sambit ni Carmi Martin, "Maganda pero Mas...Maganda ka ngayon."
Now 46 years old and with three daughters, na-maintain pa rin ni Sunshine ang kanyang bod at beauty.



Samantala, kuwela naman ang naging sagutan ni Sunshine at ng anak na si Chesca sa comments section.
Sabi ng dalagita, "What if i recreate"
"No" ang birong sagot ni Sunshine.

Si Chesca ay ang youngest daughter ni Sunshine at dating asawa na si Cesar Montano.
Read: Sunshine Cruz on forgiving ex-husband Cesar Montano: “You wake up one day that you’re healed.
REGRETS GOING SEXY
Nitong Pebrero ay naging tapat si Sunshine sa pagsabi na may punto sa kanyang buhay na pinagsisihan niya ang desisyong maging sexy star.
“There was a time that ni-regret ko yun, especially naging malaking parte yun ng amin separation ng aking ex-husband," kuwento ni Sunshine nang mag-guest ito sa Fast Talk with Boy Abunda.
“But at the end of the day, mas naging stronger ako, mas natuto ako. Ang ginawa ko lang Tito Boy ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star o bold star."
Sinabi rin ni Sunshine na nakaramdam siya ng sama ng loob sa mga netizens na nagpu-post ng mga sexy photos niya online na kung saan ay naka-tagged ang kanyang mga anak.
Kinausap daw ni Sunshine ang mga anak para ipaintindi ang kanyang nakaraan bilang aktres.
“Nung time na ready na sila at alam kong kahit papaano maiintidihan na nila ako dun ko sinabi sa kanila," sambit ni Sunshine.
“Hanggang maari kasi, gusto ko sa akin manggagaling hindi sa ibang tao."
Sa ngayon ay hindi na raw nagpapaapekto si Sunshine sa mga naririnig at nababasang pangungutya laban sa kanya.
"Yung mga tao na nagsasabi ng hindi maganda tungkol sa akin, bold star, sexy star, it doesn’t matter anymore,” sabi ni Sunshine.
“But, at the end of the day, mas naging stronger ako mas natuto ako ang ginawa ko lang Tito Boy ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star o bold star.
“I can also be a singer, I can be an actress and most especially I am a good mom."