PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda Hosts All Guests on Fast Talk

Boy Abunda, hindi makapili ng favorite o most memorable guest sa Fast Talk.
by PEP Troika
Published Jun 16, 2023
boy abunda fast talk
Boy Abunda on his favorite or most memorable 'Fat Talk With Boy Abunda' guest: “Walang tapon. Lahat, gusto ko. From Marian [Rivera] to Judy Ann [Santos], lahat walang tapon.”
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Medyo emotional si Kuya Boy Abunda nang mag-guest si Judy Ann Santos sa Fast Talk With Boy Abunda nung Martes, June 13, 2023.

Tamang-tama sa 100th episode ng kanyang showbiz-oriented talk show sa GMA-7 na espesyal ang kanyang guest.

Read: Judy Ann Santos on working with rival Claudine Barretto: "This is, I think, the very perfect moment."

Sabi nga ni Kuya Boy, nag-uusap sila ni Juday at hindi kailangan ng aktres ang guesting na yun, pero pinagbigyan ng aktres ang imbitasyon ng kanyang programa.

Masaya si Kuya Boy sa Fast Talk with Boy Abunda dahil maganda ang feedback, at maganda ang ratings kahit sa patay na oras ito napapanood.

Tinanong namin ang King of Talk, sa 100 episodes na yun, alin ang pinakagusto niya at memorable para sa kanya.

“Lahat!” kaagad niyang sagot sa PEP Troika.

“Walang tapon. Lahat, gusto ko. From Marian [Rivera] to Judy Ann, lahat walang tapon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Marian Rivera, nagalit nang sabihan siya noon ni Dingdong Dantes ng "Siguro naka-prepaid ka lang"

Sino pa ang gusto niyang kapanayamin sa mga susunod na episodes ng FTWBA?

“Napaka-corny ko talaga. Wala kasi, e. Welcome ang lahat na puwedeng mag-guest, dahi naniniwala ako na lahat may kuwento.

“Lahat talaga, e,” pakli niya.

Dahil dito, iniisip naming challenge sa kanya bilang host kapag hindi niya kilala ang kanyang guest sa isang episode.

“Nag-research talaga ako. Inalam ko talaga, inaral ko. Nagtanong,” mabilis niyang sagot sa amin.

Naniniwala siyang lahat may istorya at kailangang maibahagi ito sa mga manonood.

“Si Radson Flores nga ini-interview ko at kung sinu-sino.... si Matt Lozano. Pero nagri-rate yun,” bulalas ng King of Talk.

“Yung nalaman ko, halimbawa, si Kyline Alcantara na nakikisakay sila ng nanay niya sa trak ng mga gulay papuntang Maynila para makapag-audition, that’s the story!

“May kuwento, e, at binibili ng tao ngayon, yung kuwento. Kung sino ang puwede, welcome talaga. Ako, I welcome everyone, totoo yan,” dagdag niyang pahayag.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya abangan natin ang mga susunod na mapapanood sa Fast Talk With Boy Abunda ang interesting na kuwento ng Kapuso stars na makakapanayam niya.

NOEL FERRER

Hindi napigilang maiyak nina Tito Boy at Ariel Rivera nang napag-usapan ang pagpanaw ng kani-kanilang magulang sa episode ng FTWBA ngayong Biyernes, Hunyo 16.

Naging emosyonal si Ariel nang ibinahagi nung kailangan niyang lumipad pa-Toronto, Canada dahil nasa ICU na ang kanyang ama.

Naka-relate din si Kuya Boy nang kinuwento niya ang pagpanaw ng kanyang ama. Pareho na silang umiiyak kaya nag-commercial break na muna si Kuya Boy.

Read: Ariel Rivera nag-breakdown habang inaalala ang yumaong ama

Mahal natin pareho sina Tito Boy at Ariel. Hanggang ngayon, sila ang maituturing nating mga tunay na kaibigan sa ating industriya.

JERRY OLEA

Bonggacious kapag Kapamilya star ang napapanood natin na iniinterbyu ni Kuya Boy sa FTWBA — gaya nina Liza Soberano, Joshua Garcia, at Judy Ann Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liza Soberano says sorry and thank you to ABS-CBN, Enrique, Ogie, Tita Joni, fans

Read: Joshua Garcia, gustong makatambal muli ang ex-girlfriend na si Julia Barretto

Maggi-guest kaya uli sa FTWBA si Paolo Contis para sa promo ng Ang Pangarap Kong Oskars? Si Mike Enriquez kaya, makakapanayam pa ni Kuya Boy?

Abang-abang tayo kung maggi-guest din eventually sa FTWBA sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Piolo Pascual, Coco Martin, Charo Santos, Anne Curtis, Lovi Poe, Richard Gutierrez, Iza Calzado, Janine Gutierrez, Donny Pangilinan, Belle Mariano, at Vice Ganda!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda on his favorite or most memorable 'Fat Talk With Boy Abunda' guest: “Walang tapon. Lahat, gusto ko. From Marian [Rivera] to Judy Ann [Santos], lahat walang tapon.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results