PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford open to return to 'It's Showtime'?

Billy Crawford on returning to GMA-7: "Dito ako galing."
by Rachelle Siazon
Published Aug 14, 2023
Billy Crawford
Billy Crawford on returning to GMA-7 via the reality show 'The Voice Generations': "Dito ako galing. Aminado naman ako, kay Kuya Germs. I started when I was three and then four years old, nag-'That's Entertainment' na ako. So, ito na yung bahay ko. And it only changed aesthetics wise, pero yung soul, yung pakiramdam, nandito pa rin."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Hindi isinasara ni Billy Crawford ang posibilidad na magtrabaho sa alinmang noontime show na umeere sa magkakaibang TV networks.

Ang huling noontime show na pinangunahan ni Billy ay ang Tropang LOL na iprinodyus ng Brightlight Productions.

Umere ang Tropang LOL mula October 2020 hanggang April 29, 2023 sa TV5.

Read: Tropang LOL, pormal nang nagpaalam sa ere

Ang ongoing noontime shows na magkakaribal ngayon: ang It's Showtime ng Kapamilya Network na umeere sa GTV at A2Z, ang Eat Bulaga! na umeere sa GMA-7, at ang E.A.T. na umeere sa TV5.

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

"Ako, happy lang ako dahil gumagalaw ang industriya natin," bungad ni Billy.

Patuloy niya: "TV is back. Medyo prior to pandemic, it was hard.

"Tapos nung nag-pandemic pa, a percentage of our viewers nawala talaga, e, kahit saan. So, everything was online based.

"It doesn't matter. Sa totoo lang, kung makakapunta ako sa Showtime, makakapunta ako sa Eat Bulaga!, kung makakapunta ako kung saan man, kasi yun yung promotions namin para sa mga proyekto namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinakamatagal na naging noontime show host si Billy sa It's Showtime, mula nang binuo ito noong 2009 hanggang sa umalis siya noong 2018.

Ayon kay Billy, walang masamang tinapay sa pag-alis niya noon sa Kapamilya noontime show.

"I left Showtime two years before the whole ABS-CBN thing happened," tukoy ni Billy sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.

Paliwanag pa niya, "As in, nung ikinasal kami ni Coleen, nung ikinasal kami, it was 2018.

"I asked to [take an] off muna sa noontime kasi araw-araw hindi ko maha-handle.

"And also, concentrated talaga ako sa family ko. I want to give my all, my time sa family."

Ang tinukoy niyang Coleen ay si Coleen Garcia, na dati ring It's Showtime host. Umalis si Coleen sa show noong na-cast siya sa defunct Kapamilya teleserye na Pasion de Amor noong 2016.

Kung sakali, bukas ba si Billy na makabalik sa It's Showtime?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, I really have no idea. Hindi naman ako BUH [business unit head], hindi naman ako management para magdesisyon.

"I go where work takes me, to be honest with you. Kung saan ang trabaho, doon ako."

Read: Billy Crawford, natutuwa sa pagpasok ng 'It's Showtime' sa GTV

billy crawford ON 'TROPANG LOL'

Dalawang taon at kalahati rin ang itinagal ng samahan ng Tropang LOL sa TV5.

Bagamat aminado si Billy na masaya ang barkadahan nila sa show, praktikal ang pananaw niya pagdating sa pagkawala ng programa sa ere.

Read: Billy Crawford pens message of gratitude as 'Tropang LOL' tapes its last episode

"At the end of the day, nakakalimutan ng tao na negosyo to. That's a business.
So, you come and go.

"May magla-last ng a long time, mayroong short time. It's a business.

"And we all understand that, na may hangganan din naman kami," lahad ni Billy.

Hindi raw masabi ni Billy kung may planong ibalik uli ang Tropang LOL at makisama sa mainit na noontime show battle sa pagitan ng tatlong existing noontime shows.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We still keep in touch with each other. Nag-uusap-usap pa rin kami.

"We're still, you know, who we were.

"Pero for professional-wise, sa isang TV show na lumabas, hindi pa namin nag-uusap-usap for that."

Read: Billy Crawford pens message of gratitude as 'Tropang LOL' tapes its last episode

ON NOONTIME SHOW BATTLE

Hiningan din ng opinyon si Billy tungkol sa crossover ng mga artista sa iba-ibang TV network.

Read: Vice Ganda to Bianca Umali: "Sa mukha mo ang daming pumasok nang maaga."

Kaugnay ito ng pahayag ni GMA-7 CEO Atty. Felipe L. Gozon na "TV war is over."

Read: GMA-7, ABS-CBN sign historic deal for 'It's Showtime' airing on GTV

Isang patunay raw nito ay ang pag-ere ng It's Showtime sa GTV, ang free-TV channel na pagmamay-ari ng GMA-7.

"You know, yes, there's no network wars. Pero kahit papaano, there will always be competition," saad ni Billy.

Pero sabi rin niya, "But it's a friendly, healthy competition. Kahit saan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tama naman sina Vice, TVJ, Eat Bulaga!, in all the noontime shows, kung ano yung sinisigaw nila—ang panalo dito ay ang mga manonood.

"And that's what we are here for. Lahat ng mga artista, nandito kami para sa mga sumusubaybay sa amin.

"So, all of this is entertainment for them. So, as much as maintindihan nila yun, enjoy na lang.

"Enjoy this moment because it's a milestone for all TV platforms."

ON RETURNING TO GMA-7: "DITO AKO GALING."

Nakapanayam si Billy ng piling press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa media launch para sa reality show na The Voice Generations.

Inilunsad sina Billy, Chito Miranda, Julie Anne San Jose, at SB19 Stell Ajero bilang coaches ng singing competition.

Masaya si Billy sa pagbabalik niya sa GMA-7 kung saan una siyang nakilala bilang artista sa edad na tatlong taong gulang.

"Dito ako galing. Aminado naman ako, kay Kuya Germs," tukoy ni Billy sa yumaong Master Showman na si German Moreno o Kuya Germs, na host ng That's Entertainment mula 1986 to 1996.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I started when I was three and then four years old, nag-That's Entertainment na ako.

"So, ito na yung bahay ko. And it only changed aesthetics wise, pero yung soul, yung pakiramdam, nandito pa rin.

"Napakalamig pa rin sa mga studio dito sa GMA!" natatawang saad ni Billy.

Dagdag niya, "So yun, it's still the same. Same talaga."

Nakapag-reunion na rin daw sila ng dating kapwa Kapamilya stars na sina Kim Atienza at Pokwang na tinawag niyang "Mamang."

Sina Kim at Pokwang ay hosts ng daily Kapuso variety show na TikToClock.

"Nag-isang linggo na ako dito kay Kuya Kim at Mamang," sabi ni Billy tungkol sa pagkikita nila kapag siya ay nagte-taping sa GMA-7 studio.

"Yan naman ang sabi ko, e. E, di magkikita-kita rin tayo sa ibang tahanan, e.

"Yun nga ang napakaganda. GMA just shows you how open they are and how understanding they are. Nakakataba ng puso."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2022, unang lumabas si Billy sa GMA-7 bilang host ng game show na The Wall Philippines, na co-production ng Viva Entertainment at Kapuso Network.

Bago iyon, noong 2007 o 15 years ago pa nang huli siyang napanood sa GMA-7 reality show na Celebrity Duets.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford on returning to GMA-7 via the reality show 'The Voice Generations': "Dito ako galing. Aminado naman ako, kay Kuya Germs. I started when I was three and then four years old, nag-'That's Entertainment' na ako. So, ito na yung bahay ko. And it only changed aesthetics wise, pero yung soul, yung pakiramdam, nandito pa rin."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results