PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kristel Fulgar on Seo In Guk Fan Meet

"First time kong maka-experience ng ganitong scenario sa twenty years ko sa entertainment industry."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 16, 2023
Kristel Fulgar on Seo In Guk's hosting fan meet fiasco
Kristel Fulgar on reason behind her cancelled hosting stint for Seo In Guk's Manila fan meet: "Since rehearsal, hindi ako sanay na ibigay yung 100 percent energy ko. So, kung nakulangan sila ng energy doon sa rehearsal, sabi ko naman, 'I will do my best.' Nag-e-expect ako na papaakyatin ulit ako sa stage para mapakita ko yung 100 percent na sinasabi ko, pero hindi daw."
PHOTO/S: Screengrab @Kristel Fulgar YouTube

Emosyunal na ikinuwento ng actress, singer, at vlogger na si Kristel Fulgar ang dahilan kung bakit biglaan siyang pinalitan bilang host sa fan meet ng Korean actor-singer na si Seo In Guk.

Naganap ang kauna-unahang Philippine fan meet ni In Guk na idinaos sa New Frontier Theatre sa Cubao, Quezon City, noong Sabado, August 12, 2023.

Bago pa man maganap ang fan meet ng K-pop star, inanunsiyo na si Kristel ang magiging host nito.

Maraming K-pop fans ang sumang-ayon dito dahil huge fan si Kristel ni In Guk nang matagal na panahon, bukod pa rito, na nakakapagsalita siya ng Korean.

Pero isang oras bago magsimula ang fan meet, nag-post si Kristel sa Instagram ng announcement na ikinagulat ng marami—hindi na siya ang magiging host ng event.

Read: Netizens puzzled by last-minute cancellation of Kristel Fulgar’s hosting stint in Seo In Guk fan meet

Ang Pinoy Big Brother Kumunity housemate na si Karen Bordador ang ipinalit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KRISTEL'S EXPLAIN

Sa pamamagitan ng vlog sa YouTube nitong Martes, August 15, 2023, inihayag ni Kristel ang dahilan ng biglaang pagpapalit sa kanya.

Kuwento niya, ang Korean technical director sa fan meet ni In Guk ang nagdesisyong palitan siya dahil nakitaan siya umano ng kakulangan sa energy noong unang rehearsal niya.

Maging si Kristel daw ay nagulat dahil matagal niya itong pinaghandaan. Sa katunayan, hindi raw siya tumanggap ng ibang trabaho o hosting gigs para lamang sa event na iyon.

Mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Kristel, "First time kong maka-experience ng ganitong scenario sa twenty years ko sa entertainment industry.

"Nandito na ako ng 7 A.M., nag-rehearse, and eventually sinabihan ako ng director [Korean technical director from HY official] na hindi na raw ako yung magho-host.

"Tapos ako parang, 'Huh, sandali lang naman anong nangyari?' matagal ko tong pinrepare, matagal kong hinanda yung sarili ko dito.

"Wala akong tinanggap na hosting kundi itong event lang na ito kasi nga para kay Seo In Guk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ko na hindi naman ako super expert sa hosting, pero alam ko na kaya kong kumonek sa kapwa ko fans ni Seo In Guk, kaya ayun talaga yung pinakagusto ko.

"Eleven years akong fan ni Seo In Guk kaya kahit na hindi ko forte ang hosting, tinanggap ko to. Kasi tinitingnan ako as a representative ng mga fan ni Seo In Guk, hindi lang ako magiging host sa stage kundi magiging fan din ako."

Read: Kristel Fulgar meets Korean star Seo In Guk via video call

Ang akala raw ni Kristel ay bibigyan siya ng pangalawang pagkakataon para patunayan na kaya niyang mag-host, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito ang nangyari.

Saad niya, "Since rehearsal, hindi ako sanay na ibigay yung 100 percent energy ko. So, kung nakulangan sila ng energy doon sa rehearsal, sabi ko naman, 'I will do my best.'

"Nag-e-expect ako na papaakyatin ulit ako sa stage para mapakita ko yung 100 percent [energy] na sinasabi ko. Pero hindi daw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nag contact na [agad] sila ng ibang host. Sinasabi nila na gusto lang nila ng maging maganda yung event, na hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan ko yung sarili ko."

KRISTEL'S APOLOGY

Nagpadagdag pa sa sama ng loob ni Kristel nang maalala ang fans ni In Guk na nag-expect na siya ang haharap sa kanila.

Maging ang fans niyang bumili pa raw ng fan meet ticket para lamang mapanood siya sa kanya sanang hosting stint.

"Nahihiya ako sa mga taong nag-expect na ako yung haharap sa kanila. I'm so sorry, guys.

"Alam ko rin na may mga fan ako, supporters na bumili ng ticket para mapanood ako sa stage. Para makita niyo yung kilig ko kapag nasa stage na ako with Seo In Guk, pero hindi ko na yon mabibigay."

Read: Kristel Fulgar signs contract with South Korean entertainment agency

KRISTEL'S INTERACTION WITH SEO IN GUK

Hindi man natuloy mag-host si Kristel ay naka-one-on-one interview naman niya ang kanyang ultimate idol nang payagan siyang pumasok sa dressing room ni In Guk bago magsimula ang fan meet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay personal na humingi ng paumanhin sa kanya si In Guk dahil sa biglaang desisyon ng kanilang technical director.

"Are you alright?" bungad agad kay Kristel ng Cafe Minamdang star.

Pagpapatuloy pa niya, "I was also surprised when I got the message. They just told me that it was just sorted that way.

"I actually got so worried."

Read: Kristel Fulgar explores scenic Switzerland

Dito rin ipinagtapat ni In Guk kay Kristel na pinapanood niya ang mga vlog nito sa YouTube na labis namang ikinagulat ng Pinay star.

Sabi ni In Guk kay Kristel, "I've watched you on YouTube. For real, I really watched it."

Samantala, bukod sa one-on-one interview, naka-selfie at naka-duet din ni Kristel si In Guk.

Read: Kristel Fulgar on real score with Yohan Kim: "Isa siya sa pinaka-special na tao sa akin"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristel Fulgar on reason behind her cancelled hosting stint for Seo In Guk's Manila fan meet: "Since rehearsal, hindi ako sanay na ibigay yung 100 percent energy ko. So, kung nakulangan sila ng energy doon sa rehearsal, sabi ko naman, 'I will do my best.' Nag-e-expect ako na papaakyatin ulit ako sa stage para mapakita ko yung 100 percent na sinasabi ko, pero hindi daw."
PHOTO/S: Screengrab @Kristel Fulgar YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results