Dalawang beses nag-krus ang landas nina Michael V. at Vice Ganda nitong magkasunod na buwan ng Hulyo at Agosto.
Una ay sa GMA Gala 2023 sa Marriott Hotel, Pasay City, noong July 22.
Pangalawa, sa noontime show na It’s Showtime nitong nakaraang August 19, kung saan nag-guest sina Michael V. at Manilyn Reynes para sa birthday celebration ni Ogie Alcasid.
Matalik na magkaibigan sina Michael V., Manilyn, at Ogie.
Si Ogie ay co-host ni Vice sa It's Showtime.
Read: Manilyn Reynes, Michael V make surprise appearance on 'It's Showtime' for Ogie Alcasid birthday
Sa kanyang Instagram account nitong nakaraang August 21, ibinahagi ni Bitoy, palayaw ni Michael V., ang mga kuhang selfie niya kasama si Vice.
Read: Vice Ganda, Michael V. photo excites fans and showbiz peers
Sa kanyang caption, sinabi ni Bitoy na tuwing nagku-krus ang landas nila ni Vice, isa lamang ang laging pumapasok sa kanyang isipan — ang posibilidad na maaari silang magkatrabaho.
Saad ng Kapuso comedian, “Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko… “possibilities”.
“In a time na parang “puwede na”, ano sa tingin n’yo ang posibleng mangyari?
“Good morning!”
View this post on Instagram
Sa comments section ay sumang-ayon naman sa kanya sina Ogie, Jugs Jugueta, Kim Atienza, Dawn Zulueta, at Betong Sumaya.

Noong Hulyo rin, sinabi Michael V. na isang karangalan para sa kanyang maging panauhin si Vice sa long-running comedy gag show ng GMA-7 na Bubble Gang.
Read: Vice Ganda reveals to Ogie Alcasid: "Dream ko iyan dati, yung Bubble Gang."
Aniya, “Ako, in a heartbeat, gagawin ko kung walang magiging aberya. In a heartbeat, gi-guest ko talaga siya.
"Sana nga. I’m hoping. Si Vice Ganda is open to collaboration.
"The last time we met, the last time na nagkausap kami, lagi niyang sinasabi, ‘Sana makapag-guest ako sa Bubble Gang, ‘no?’ Sana. Sana."
Read: Michael V, excited na mag-guest si Vice Ganda sa Bubble Gang
