PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasmien Kurdi narrates how her daughter experienced cyberbullying

"So, maging mabait ka lang, maging humble ka lang sa mga tao sa paligid mo..."
by Rose Garcia
Published Aug 23, 2023
Yasmien Kurdi, husband Rey Soldevilla, and their daughter Ayesha
Yasmien Kurdi on being present when her daughter Ayesha encounters challenges: "Basta alam kong tama ang anak ko, I’ll always fight for her. Pero kapag alam ko na mali ang anak ko, ako po mismo ang magso-sorry at mag-a-apologize sa parents."
PHOTO/S: @yasmien_kurdi Instagram

Ibinahagi ni Yasmien Kurdi ang nangyari sa kanyang anak na si Ayesha Zara na nabiktima ng cyberbullying sa eskuwelahan nito.

Bilang isang ina, hindi raw niya maiwasang mag-alala para sa anak.

"My daughter recently experienced bullying... To the point na ginawan siya ng 'Ayesha Hates Love' online, yung ganung level.

"Pero siyempre ako, bilang mommy, ipaglalaban ko siya kasi mahal ko siya.

"Pero buti na lang, isa sa mga best friend ng anak ko...

"Dahil nagre-recruit itong student sa 'Ayesha Hates Love,' so ang ginawa ng best friend niya, chinange ang name into 'Ayesha Fans Club,' ganon."

Malaki ang pasasalamat ni Yasmien sa kaibigan ng anak niya.

"So, mabait itong best friend niya, sobrang love ko. Buti na lang may mga ganung friends. Yung mga totoong friends mo talaga."

Sa mga sumunod na salita ni Yasmien, tila naipaabot na sa pamunuan ng eskuwelahan ang insidenteng diumano'y pambu-bully sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Kapuso actress, "Si Ayesha, she’s a very positive person. Natutuwa ako sa bata kasi she’s very strong.

"Sabi niya nga, 'Hayaan mo na, Mama.' Pero sabi ko nga, 'No, hindi siya puwedeng hayaan.'

"Kasi, yun ang mga bagay na dapat malaman ng parents nila, malaman ng school. Kasi, hindi siya maganda."

Pagbabahagi pa ni Yasmien, "Okay naman na, settled naman na ngayon. Tina-try kong iwasan siya sa mga ganon para hindi niya ma-experience at a young age."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien sa online presscon ng The Missing Husband kahapon, August 22, 2023.

Read: Heart Evangelista on breaking up with friends: "Mas nasasaktan ako..."

ADVICE TO HER DAUGHTER

Pinayuhan ng Kapuso actress si Ayesha kung paano i-handle ang sitwasyon kunsaan may detractor ito.

Ipinaliwanag daw niya sa anak na siya man ay naranasan iyon lalo na nang nagsisimula pa lang siya sa Kapuso reality show na StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko nga sa StarStruck, you cannot please everybody. Sabi ko, kapag marami kang fans, marami ka rin bashers.

"So, you know, yan ang reyalidad ng buhay. You have to be strong," sabi ni Yasmien.

Ganun din daw kahit sa buhay sa labas ng showbiz.

Payo pa raw niya kay Ayesha, "So, maging mabait ka lang, maging humble ka lang sa mga tao sa paligid mo, wala kang naagrabyado.

"Basta hindi ikaw yung mam-bully, okay na ako dun."

Siniguro rin daw ni Yasmien sa anak na handa siyang ipaglaban ito kung kinakailangan.

"And basta ako, palagi akong nandito. Basta alam kong tama ang anak ko, I’ll always fight for her.

"Pero kapag alam ko na mali ang anak ko, ako po mismo ang magso-sorry at mag-a-apologize sa parents.

“Pero, hindi kasi maganda na yung anak ko, naka-experience siya ng cyberbullying, hindi siya healthy.”

Read: Yasmien Kurdi awaiting kidney donor for ailing mom

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON HEALTH CONDITION OF YASMIEN'S MOM

Ibinalita rin ni Yasmien na may sakit ang kanyang ina, at nangangailangan ito ng kidney transplant.

Read: Yasmien Kurdi awaiting kidney donor for ailing mom

Malaking bagay raw na nakaagapay sa kanya ang mister na si Rey Soldevilla.

"Right now, I really appreciate him because sa pinagdadaanan ko ngayon, sa health problem ni Mama, he’s here for me.

"Unlike before kasi, naranasan ni Mama ang health problem, I was alone during that time. Wala pang asawa.

"Pero ngayon, naa-appreciate ko na meron akong asawa and family. Ang dami kong karamay, ang dami kong kasama.

"Even my network, napi-feel ko yung support, yung love, even the people na outside. Yung mga ganitong pagsubok, nabibigay nila ang support at love."

Read: Yasmien Kurdi, isiniwalat ang sorpresa para sa kanyang ina

ON THE MISSING HUSBAND

Samantala, palaban din ang karakter ni Yasmien sa GMA Afternoon Prime series na The Missing Husband, na pinagbibidahan nila nI Rocco Nacino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaka-relate raw si Yasmien pagdating sa role niya na handang ipaglaban ang asawang nabiktima ng scam.

Biktima ng scam ang karakter ni Rocco.

Ang The Missing Husband ay magsisimula nang mapanood sa Lunes, August 28, sa ganap na 4:05 p.m. sa GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi on being present when her daughter Ayesha encounters challenges: "Basta alam kong tama ang anak ko, I’ll always fight for her. Pero kapag alam ko na mali ang anak ko, ako po mismo ang magso-sorry at mag-a-apologize sa parents."
PHOTO/S: @yasmien_kurdi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results