PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joshua Garcia and Emilienne Vigier gym buddies?

Are Emilienne Vigier and Joshua Garcia Instagram official?
by Arniel C. Serato
Published Aug 23, 2023
Joshua Garcia, Emilienne Vigier gym photos confirm they are official?
French-Filipino athlete Emilienne Vigier flexes her new gym buddy on Instagram who looks like her rumored boyfriend Joshua Garcia.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Si Joshua Garcia ba ang katabi ng French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier sa kanyang Instagram Story ngayong araw, August 23, 2023?

Makikita sa post ng French-Filipino golfer na tila nasa isang gym siya kasama ang isang lalaking bandang nguso lamang ang nakita.

Wala siyang inilagay na caption sa kanyang post.

Pero kung titingnang mabuti ang lalaking katabi niya na nakasuot ng black shorts, yellow socks, at gray shoes, kawangis nito ang katawan ni Joshua.

Emilienne Vigier and Joshua Garcia at the gym

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong August 19, nag-post na rin ng ibang picture si Emilienne na nasa gym pa rin kasama ang gym buddy niya.

Pero kahit nakatalikod ang lalaki, mababanaag na si Joshua ito.

Caption ni Emilienne dito, "Never not working."

Emilienne Vigier and Joshua Garcia at the gym

Noong July, usap-usapan na rin ang anila'y magkaparehong Instagram posts nina Joshua at Emilienne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ni Joshua ang litrato niyang nagluluto sa isang kitchen kasama ng iba-ibang litrato ng main dishes tulad ng chicken and pork katsu, honey garlic chicken, at kinamatisang pampano.

Agaw-pansin ang mga ito dahil nag-post din si Emilienne via IG story ng dalawang litrato na pareho ng kay Joshua.

Una na rito ang litrato ng chicken and pork katsu na nilalagyan ng harina na pang-breading.

Sumunod ang litrato ng nalutong chicken and pork katsu.

Caption ni Emilienne, "Merciiiiiiiiiii" at kiss emoji, na waring pa-thank you sa nagluto nito.

Dagdag sa espekulasyon ng netizens ang latest IG Story ni Emilienne kunsaan may kasama siyang lalaki na nakayakap sa kanya sa loob ng elevator.

Kinunan ni Emilienne ng selfie ang sweet moment nila ng di nakilalang lalaki, pero di matukoy kung si Joshua ang kanyang kasama dahil tinakpan niya ang mukha nito.

Ipinost ito ni Emilienne noong July 25.

Komento naman ng netizens na nag-repost nito sa social media, tila malapit na ang jowa reveal ng inuugnay na sina Joshua at Emilienne.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Is Joshua Garcia dating French-Filipino golfer Emilienne Vigier?

WHO IS EMILIENNE VIGIER?

Si Emilienne Luciana Gabrielle Vigier, 25, ay isang French-Filipino golfer. Ang kanyang ama ay French, at ang kanyang ina ay isang Pinay.

Base sa kanyang YouTube video noong January 2021, siya ay nakabase sa Pilipinas, pero French curriculum ang pinag-aralan niya noong siya ay nag-aaral sa The Lycée Français de Manille.

Isang taon daw siyang nagkolehiyo sa Enderun College, pero lumipat sa College of St. Benilde para mag-aral ng kursong Consular Diplomatic Affairs.

Siya ay kasalukuyang bahagi ng women's golf team ng Taylormade, isang American sports equipment manufacturing company na nakabase sa California.

May online bake shop business rin si Emilienne, ang Luciana's Maison Bakery.

Read: Joshua Garcia on qualities he looks for in a girlfriend: "Hindi mawawala diyan yung kung paano siya makitungo sa tao..."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
French-Filipino athlete Emilienne Vigier flexes her new gym buddy on Instagram who looks like her rumored boyfriend Joshua Garcia.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results