PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda's Controversial Asia Awards Win

Vice Ganda: "God’s voice is breaking through all the noise."
by Arniel C. Serato
Published Aug 25, 2023
Vice Ganda speech about Content Asia Awards victory
Vice Ganda on winning Best Asian Original Game Show at Content Asia Awards 2023 for 'Everybody, Sing': “Sabi ko nga, ‘The Lord has been very good to me. The Lord has been so great. He’s been sending a lot of blessings to remind me how lucky and beautiful my life is. How loved I am by so many people and by the Lord.'"
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime

Hindi maitago ang kaligayahang nararamdaman ni Vice Ganda matapos hiranging Best Asian Original Game Show sa Content Asia Awards 2023 ang Everybody, Sing, ang weekly game show niya sa ABS-CBN.

Ginanap ang awards night sa Bangkok, Thailand, nitong Huwebes, August 24, 2023.

Hindi nakadalo si Vice, pero kaagad siyang nagpasalamat sa pamamagitan ng social media.

Mensahe niya sa X (dating Twitter), “Oh my God! This just in. We just won again!!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa It's Showtime ngayong Biyernes, August 25, 2023, mahaba ang naging talumpati ni Vice para sa kanyang panibagong tagumpay.

Panimula niya, “Thank you very much for acknowledging, recognizing our program.

"Congratulations sa ABS-CBN, congratulations sa Pilipinas.

"Kasi iba’t ibang countries ang naglaban-laban diyan ta's ang representative ng Pilipinas ay ang Everybody, Sing, tapos nanalo ang Everybody, Sing. So, nanalo ang Pilipinas.

“So, nakakatuwa naman na ang programa natin ay nakapagbigay ng karangalan sa Pilipinas, sa buong mundo, sa Asya, maraming salamat."

Kasunod niyang pinasalamatan ang director, staff, at crew ng programa pati na ang management ng ABS-CBN na nagtiwala sa kanya.

Nagbunga raw lahat ang hirap niya at ng staff sa pagbuo ng episode every week.

“Ang hirap gawin ng Everybody, Sing kasi 100 contestants yun. And ang hirap na mag-isa kang naghu-host ng isang programa na isandaan yung contestants mo, na kailangan mong estimahin.

"Isandaan yung kailangan mong tingnan at damahin at kilalanin at obserbahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At 12 games yung kailangan mong… ang sakit sa lalamunan, nagkandapaus-paos, nagkasakit-sakit. Pero it’s all worth it. It’s all worth it. It’s all worth it."

Patuloy ni Vice, “This is ABS-CBN’s way of giving public service to the Madlang People kasi sabi nga nila kahapon, nagmi-meeting kami with the management na, 'Kailangang-kailangan ng Pilipinas ng isang programa katulad ng Everybody, Sing na patatawanin sila at bibigyan sila ng inspirasyon at tutulungan yung mga komunidad na naglalaro, yung mga tao.'

"Isandaan kasi yun tapos lahat sila mananalo. Tapos for the two million pesos ang ipinamimigay, napakalaki na sa panahong ito na gumagapang ang ABS-CBN, gumagawa sila ng mga paraan na makapagbigay pa rin ng ganung kalaking papremyo para sa inyo.

"Kaya thank you, thank you, thank you very much."

“A VERY TIMELY BLESSING.”

Medyo naging emosyunal naman si Vice sa bandang gitna ng kanyang speech, pero halatang nagpipigil siya.

Sabi niya, “Everybody, Sing is such a very big blessing to me, to my life, to a lot of Filipinos, to ABS-CBN. And this award is such a very big blessing, a very timely blessing.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko nga, the Lord has been very good to me. The Lord has been so great.

"He’s been sending a lot of blessings to remind me how lucky and beautiful my life is. How loved I am by so many people and by the Lord.

"The Lord has been sending me a lot of angels to remind me to just be grateful.

"Thank you very much for this, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.”

Dagdag pa ni Vice, alam daw ng mga mas nakakakilala sa kanyang napapanahon ang award na ito dahil sa kanyang mga pinagdadaanan lately.

Aniya, “Sa lahat ng mga tao na nakakakilala sa akin, alam nila kung gaano kahalaga itong award na ito sa akin.

“Alam nila kung bakit ito napapanahon. Alam nila kung bakit ang sarap nito ngayon. Maraming-maraming salamat.

“Blessing after blessing, after blessing, after blessing, oh my God, the design is very consistent. Thank you Lord. God’s voice is breaking through all the noise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thank you very much to all of you, to all the Madlang People, I don’t want to explain but you all get that.

"Thank you very much for being with me, supporting me, all the way from feeling to dealing, to healing, thank you very much.

“Isa lang talaga napatunayan ko kagabi, hindi niyo kaya si Lord. Isi-share ko to sa inyong lahat.”

Ayon pa kay Vice, napag-usapan nila ng partner niyang si Ion Perez ang tungkol sa kanyang pinagdadaanan na hindi naman niya binanggit kung ano.

Saad niya, “Nakakatuwa kasi sabi sa akin kahapon ni Ion, sabi sa akin ni Ion, ‘Sabi ko naman sa yo, e, hindi naman papayag si Lord na magtatagal ka sa ganyang nararamdaman mo. Babangon at babangon ka diyan.’”

Nitong nakaraang July 31, 2023, ipinatawag ng pamunuan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang authorized representative ng It's Showtime dahil sa mga eksenang ipinalabas sa Kapamilya noontime show noong July 25, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kinalaman ito sa naging aksiyon nina Vice at Ion na sa tingin ng MTRCB ay hindi naangkop sa manonood sa katanghaliang tapat.

Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on winning Best Asian Original Game Show at Content Asia Awards 2023 for 'Everybody, Sing': “Sabi ko nga, ‘The Lord has been very good to me. The Lord has been so great. He’s been sending a lot of blessings to remind me how lucky and beautiful my life is. How loved I am by so many people and by the Lord.'"
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results