PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael Flores details how he fell victim to investment scam

Michael: "Mag-ingat na lang talaga lalo na pag too good to be true yung offer."
by Rommel Gonzales
Published Aug 26, 2023
michael flores gma gala 2023
Michael Flores: "Kumbaga, unang-una, lalo na kapag hindi mo talaga personal na kilala or regardless kahit na personal na kilala mo pa, kasi totoo naman money is the root of all evil! Totoo yun. Basta pera, walang kaibigan, walang kamag-anak, walang pami-pamilya pag pera na ang pinag-usapan. Iyon ang masakit na katotohanan. So, kumbaga, mag-ingat na lang talaga lalo na pag too good to be true yung offer, yung investment. Di ba?"
PHOTO/S: Pau Guevarra

Biktima ng scam ang dancer-actor na si Michael Flores.

“Hanggang ngayon, ongoing pa siya. Actually matagal na ito, e, this was five years ago na, limang taon, five years na siya.

“Pero unfortunately, talagang yung tao nagtatago na, alam mo na, yung the usual," pagsisiwalat ni Michael sa mediacon ng upcoming Kapuso afternoon drama seies na The Missing Husband noong Martes, August 22, 2023.

Idinetalye ni Michael kung paano siya nabiktima sa scam.

“Nag-start yung investment namin actually maganda naman, e.

“And then, a couple of months meron siyang... nagtayo rin siya ng sarili niyang networking, doon napunta yung in-invest namin. Actually hindi naman kami talaga doon nag-invest, doon napunta.

“And then we found out na never pala siyang nagpasok ng sarili niyang pera, yung personal money niya, hindi niya pinasok.

"Kaming mga investors pala yung ginamit niya na pera para makapagpatayo siya ng sarili niyang networking company.

“So, hindi tumagal ng one year nagsara kaagad and, unfortunately, yung pera ko nandoon, naipit!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging ano pa nga kami noon, e, naging endorsers pa nga kami ng wife ko [ng networking na yun].”

Ang tinutukoy na "wife" ni Michael ay ang dating beauty queen na si Nina Ricci Alagao.

Tinanong ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Michael kung magkano ang kabuuang halaga ng pera niya na naipit sa naturang networking scam.

“Well, nasa… may milyon din, e! Masakit, oo. Actually, tatlo silang sinisingil ko pero ito yung pinamalaki kasi,” sabi ng aktor.

Hindi na raw nakikita ni Michael nang personal ang naturang scammer.

“Actually nagpaparamdam siya kasi, once in a while, hindi ko na kasi minsan mapigil ini-expose ko na siya, e.

"May time nga na nilabas ko na yung mukha nila sa social media. Ganun kalala na umabot.

“And then, may mga kausap na rin ako kasi plano na rin namin talagang i-expose ‘tong tao na ‘to and then kakasuhan na rin namin at the same time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sanay siya kasi na kasuhan, e! Marami nang nagkaso sa kanya pero mukhang nakakalusot siya, e.

"Although nakulong na siya before pero siyempre nakapag-bail.”

THE SCAMMER

Hindi raw ganoon kakilala ni Michael ang naturang manloloko.

“Iyon din yung mali ko, e. Kumbaga, meron lang akong mutual friend na ni-refer sa akin ‘tong taong ‘to and then I really thought… kasi Christian siya.

“I mean, hindi mo masasabi, e, Christian siya.”

Sa simula raw ng pag-i-invest ni Michael ay kumikita siya.

“At first talaga kumikita naman, pero eventually iyon nga nung nag-shift yung business niya sa iba, gumawa siya ng sarili niyang networking company, doon na nagkaproblema.

“So, wala, unfortunately isa ako doon sa mga... actually maliit pa nga yung pera ko, e. Yung ibang investors malalaki talaga, as in malalaki talaga!”

Umaasa ba si Michael at ang ibang kapwa niya investor na maisasauli pa ang kanilang pera?

“Well, nagpaparamdam pa naman siya sa akin, so hopefully.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero minsan kasi, alam mo yun, ang problema kasi nakailang proposals na siya, sobrang dami ng proposals.

"Tapos sa laki ng utang niya sa akin, magbibigay siya one thousand pesos, minsan two thousand pesos, sabay biglang ilang araw or linggo even months hindi siya magpaparamdam ulit.

“So that was the time na inaano ko na naman, ilalabas ko siya sa social media kasi nga parang nagtatago na, e!

"So, paano ko siya, di ba, makakausap kung hindi siya magpaparamdam?

“Pag lumabas siya sa social media, nakita niya, ayun magpaparamdam siya ulit.”

Hindi raw taga-showbiz ang nabanggit na scammer.

Banggit namin kay Michael na kaya pala sa trailer ng The Missing Husband ay napakahusay niya sa eksenang inaaway niya si Rocco Nacino, na naloko rin ng scammer, ay dahil dinanas pala iyon ni Michael sa tunay na buhay.

“Ah, yeah oo, until now. Actually, kapag sinilip mo yung Instagram ko andun siya sa [IG] Stories ko ngayon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rocco Nacino, di pa napapatwad ang nang-scam sa kanya

BEWARE OF SCAMMERS

Hiningan namin ng payo si Michael para sa mga tao upang makaiwas ang mga ito sa mga panloloko lalo na tungkol sa pera.

“Wala, actually pare-pareho lang naman ang advice diyan.

"Kumbaga, unang-una, lalo na kapag hindi mo talaga personal na kilala or regardless kahit na personal na kilala mo pa, kasi totoo naman money is the root of all evil! Totoo yun.

"Basta pera, walang kaibigan, walang kamag-anak, walang pami-pamilya pag pera na ang pinag-usapan. Iyon ang masakit na katotohanan.

“So, kumbaga, mag-ingat na lang talaga lalo na pag too good to be true yung offer, yung investment. Di ba?

“Although yung sa akin, actually maliit na percent lang yun, e. Pero lalo na yung iba kasi, di ba, double your money, triple your money, kikita ng fifty percent, pataas.

“Pag ganun na yung offer nila, medyo ano na kayo, mag-no na kayo agad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Michael, “Ang problema, kaming mga artista, pinaghirapan namin ‘tong pera na ‘to e, dugo’t pawis ‘tong ano namin, etong ginagawa namin para kumita kami, di ba?

“Kumbaga, gusto lang naman namin na kahit papaano kahit konting sideline, konting pera, kumita naman yung pera na pinaghirapan namin, di ba?

“Pero unfortunately, may mga tao talagang hindi mo maiiwasan na… scammers!

"So, well, ganun talaga ang buhay, e!

“Kumbaga, itong show namin based on true events ito, e. True story na nga kung masasabi mo na, e.

“Kumbaga, fictional yung characters, pero based on true events yung mga makikita niyong eksena dito.

"Kaya mararamdaman talaga ng lahat lalo na yung mga na-scam.”

Mapapanood na sa GMA-7 simula sa Lunes, August 28, ang The Missing Husband.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael Flores: "Kumbaga, unang-una, lalo na kapag hindi mo talaga personal na kilala or regardless kahit na personal na kilala mo pa, kasi totoo naman money is the root of all evil! Totoo yun. Basta pera, walang kaibigan, walang kamag-anak, walang pami-pamilya pag pera na ang pinag-usapan. Iyon ang masakit na katotohanan. So, kumbaga, mag-ingat na lang talaga lalo na pag too good to be true yung offer, yung investment. Di ba?"
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results