PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jak Roberto excited about his action scenes in 'The Missing Husband'

Is Jak Roberto the next action star?
by Rommel Gonzales
Published Aug 27, 2023
jak roberto gma gala 2023
Jak Roberto on secret of strong relationship with girlfriend Barbie Forteza: “Tiwala po sa isa’t isa. May assurance po kami and talagang pinoprotektahan po namin yung feelings ng isa’t isa.”
PHOTO/S: Pau Guevarra

Pulis ang papel ni Jak Roberto sa upcomong afternoon drama series ng GMA-7 na The Missing Husband, pero hindi raw niya kailanman naging pangarap maging pulis.

“Parang hindi po, kahit noong bata ako, parang hindi naman po,” sagot ni Jak nang makusap siya ng Philippine Entertainment (PEP.ph) sa online mediacon ng The Missing Husband noong August 22, 2023.

Masaya si Jak na nabigyan siya ng role bilang pulis?

“Gusto ko lang po action, kahit ano naman,” aniya.

Nabanggit ni Jak na ang gusto niyang papel ay aksyon, na siya namang nangyari dahil maraming matitinding action scenes na ipinagawa sa kanya ang direktor ng The Missing Husband na si Mark Reyes.

“Nakita niyo naman po sa teaser, karamihan mga big scene,” pagtukoy ni Jak sa ipinakitang trailer sa mediacon.

“Karamihan puro sabog po and iyon memorable sa amin kasi talagang nakaka-excite panoorin dahil talagang hindi namin dinaya ng CGI yung mga effects,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo raw pinasabog ang mga kotse sa isang eksena kung saan kasali sina Jak, Yasmien Kurdi, at Rocco Nacino.

“Sinasabihan naman po kami kung saan nakaplanta yung mga pampasabog, so aware naman po kami, and sa tulong din po ng production na iningatan po kami tsaka ni Direk Mark.”

Read: Jak Roberto rides on 'anti-selos class' memes; Barbie Forteza reacts

ON SCAMMING

Ang The Missing Husband ay kuwento tungkol sa mga biktima ng money scam na usung-uso noon pa man. Tinanong namin si Jak kung siya ba ay nakaranas na maloko lalo na pagdating sa pera?

Tugon niya, “Hindi pa naman po, awa ng Diyos!

"Pero totoo yung sinabi nina Rocco and ni Joross [Gamboa] tsaka ni kuya Mike [Flores], na talagang kapag may mga taong lumalapit sa yo at sa tingin mo oportunista lang or parang gusto ka lang gamitin, and too good to be true, medyo mag-doubt ka na dun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi lahat tayo gustong magkaroon ng business, di ba po?

“So, minsan wala pa tayong idea, magre-rely lang tayo doon sa tao na nakakausap natin. Minsan kahit sobrang ka-close na natin or kaibigan natin ang hirap pa ring magtiwala.

“Minsan sila pa yung gagawa ng kalokohan, e!”

Read: Rocco Nacino, di pa napapatawad ang nang-scam sa kanya

Pero may sumubok bang i-scam-in siya pero hindi nagtagumpay?

Ayon kay Jak, “Tama po yung sinabi ni Rocco na dapat magtanung-tanong muna sa mga kakilala mo bago mo pasukin ang isang business, kailangan may alam ka muna dun and maging maingat lang palagi.

“So… so far, sinubukan ko lang naman po, tapos parang nagtanung-tanong ako, nagkaroon ako ng idea. So, napag-usapan naman po nang maayos hindi natuloy.”

Hindi natuloy dahil nadiskubre ni Jak na hindi magiging maganda ang kakahinatnan?

“May mga ganun, hindi lang po natuloy ang partnership.”

Read: Michael Flores details how he fell victim to investment scam

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsisimulang umere ang The Missing Husband sa Lunes, August 28, sa GMA Afternoon Prime.

GOING STRONG

Samantala, patuloy na gumaganda at nagiging matibay ang relasyon nina Jak at kasintahan niyang si Barbie Forteza. Kahit magkaiba sila ng proyekto ay going strong sila bilang boyfriend/girlfriend.

Si Jak ay nasa The Missing Husband habang si Barbie naman ay bidang babaeng sa Maging Sino ka Man (katambal si David Licauco), na isa pa ring upcoming primetime series ng GMA-7.

Ano ang sikreto nina Jak at Barbie sa matatag na pundasyon ng kanilang relasyon?

Tugon ni Jak, “Tiwala po sa isa’t isa. May assurance po kami and talagang pinoprotektahan po namin yung feelings ng isa’t isa.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jak Roberto on secret of strong relationship with girlfriend Barbie Forteza: “Tiwala po sa isa’t isa. May assurance po kami and talagang pinoprotektahan po namin yung feelings ng isa’t isa.”
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results