Hindi nakalusot sa mapagmasid na mata ng netizens na tila hindi na naka-follow si KC Concepcion sa Instagram account ng kanyang stepdad na si Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie Pangilinan.
Nitong mga nakaraang araw, napansin ng netizens na wala na sa following list sa Instagram account ni KC ang IG accounts nina Kiko at Frankie.


Mapapansin din sa account ni Kiko na hindi na siya naka-follow sa Instagram account ni KC.

Gayundin sa account ni Frankie.

Sa isang post ni Kiko noong August 24, 2023, mismong kaarawan niya, ibinahagi ng dating senador ang pagbati ng asawang si Sharon Cuneta.
Pero isang netizen ang diretsong naghayag ng kanyang napansin ukol sa pag-unfollow ni KC kina Kiko at Frankie.
Ayon sa netizen, "I’m just wondering why KC unfollowed Frankie and her Dad Atty. Francis…"

Tugon ng isa pang netizen sa nasabing post, baka raw may isyu sa pagitan ng bagong boyfriend ni KC na si Michael Wuethrich, na ang handle sa Instagram ay @wanderingwatches.
Ayon dito, "May issue siguro yun magBF @wanderingwatches at si KC. Baka naimpluwensyahan ng opportunistang BF nya. BF pa lang yan si @wanderingwatches may ugali na"

Sabi naman ng isa pa, pati diumano si Michael ay nag-unfollow na rin kina Kiko at Sharon.
Aniya, "bakit si Mega ang maba-bash eh yun magBF ang nag-unfollow kila mega and Sen Kiko. Ni-follow lang nila uli si mega dahil siguro naisip nila mas malaking issue yun sa kanila kesa. Opportunistang FREELOADER"

Dagdag ng isa pa, "sure ka dyan? Bakit yun post ni KC for Kiko nun Father’s day deleted? Saka mga posts na tag nya si Kiko, nawala."

Tila may panghihinayang na komento naman ng isa pa, "Nakakalungkot lang na may mga ganito pala, praying for love, forgiveness and reconciliation ti all."

Kapansin-pansin ding wala si KC sa birthday celebration ni Kiko nitong nakaraang August 24.
View this post on Instagram
Wala pang pahayag ang mga pangalang nabanggit ukol sa isyu.
