Watch Now

Frankie Pangilinan teases parents Sharon and Kiko about sweet photos during campaign

by Arniel C. Serato
Apr 11, 2022
Frankie Pangilinan reacts to sweet photo of parents
Frankie Pangilinan pokes fun at parents Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan's sweet photo together during Leni Robredo-Kiko Pangilinan grand rally in Pampanga last April 9, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @frankiepangilinan on Instagram / @kakiep83 on Twitter

Kahit mainit ang takbo ng pulitika sa bansa, hindi pa rin maiwasang masilayan ng publiko ang pagiging sweet ng mag-asawang Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan.

Sa campaign sortie ng tandem nina Kiko at Vice President Leni Robredo sa Pampanga noong Sabado, April 9, 2022, nakunan ang candid moment nina Sharon at Kiko sa stage habang naghihintay ng kanilang oras na magsalita.

Ang ilan sa mga ito ay ni-repost pa ni Sharon sa kanyang Instagram.

Sa Twitter kahapon, April 10, ibinahagi rin ni Frankie Pangilinan ang isang larawan na kita kung paano maglambingan ang kanyang mga magulang sa stage.

Makikita namang nasa gilid nila si senatorial candidate Risa Hontiveros na parang deadma lang sa nangyayari sa kanyang paligid.

Pabirong caption ni Frankie sa larawan ng mga magulang: “ang lalandi ng mga bata [nauseated face emoji] sen risa im so sorry”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang ibinahagi si Frankie na collage ng larawan nina Sharon at Senator Pangilinan na sweet na sweet din sa isa’t isa.

Caption lang niya: “everybody’s”

Hindi ito ang unang pagkakataong pabirong sinita ni Frankie ang kanyang mga magulang sa parang dalaga at binata na aksiyon nila.

Noong March 13, sinabihan din niya ang mga magulang na “get a room” dahil sa larawan nilang nagki-kiss habang nasa isang campaign sortie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Frankie Pangilinan tells Sharon and Kiko to "get a room" following sweet photos during campaign

FRANKIE FLEXES DAD KIKO

Noong April 2, ibinahagi naman ni Frankie ang mga larawan ng ama kung saan nagma-muscle stretching ito bago magtalumpati.

Nakasanayan na raw ito ng ama dahil mula high school hanggang college ay bahagi ng volleyball varsity team si Kiko.

Kaya makakaasa raw ang taong-bayan na maayos magseserbisyo si Kiko sa bansa sakaling mahalal bilang bise president.

Sabi ni Frankie, “dahil varsity volleyball player po si daddy (hs + UAAP), palaging essential ang tamang stretching routine sa kaniya. ang routine na ito ay hindi po nagbago, kailanman, katulad lang ng ugali ni daddy sa kaniyang pagsisikap para sa bayan.

"nung elem years, siya’y masakitin at madalas hindi nakakasali sa PE classes. kaya po pinagtrabahuhan niya ang sarili—naging masipag sa pangangalaga ng katawan at kalusugan. mas lalo na nung nasaktan ang kaniyang mga daliri’t tuhod.

"ganito po si daddy—solution-oriented. masipag. at higit sa lahat, consistent. pati stretching routine, matatag lol"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

View this post on Instagram

A post shared by kakie (@frankiepangilinan)

Kasalukuyang nasa New York si Frankie dahil sa kanyang pag-aaral kaya hindi ito nakakasama sa kampanya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan pokes fun at parents Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan's sweet photo together during Leni Robredo-Kiko Pangilinan grand rally in Pampanga last April 9, 2022.
PHOTO/S: Courtesy: @frankiepangilinan on Instagram / @kakiep83 on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results