PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'24 Oras' pays tribute to Mike Enriquez's 54-year broadcasting career

Mike Enriquez: "Itong mukha na ito, hindi pang TV ito. Tanggap ko iyon."
by Rachelle Siazon
Published Aug 29, 2023
24 Oras tribute for Mike Enriquez
24 Oras chronicles Mike Enriquez's accidental career as a veteran radio and TV broadcaster, how he started at the age of 19, and his memorable TV coverages. Photo shows Mike's TV coverage of Typhoon Yolanada in Tacloban, Pope John Paul II's funeral at the Vatican, and his live report during war in Iraq.
PHOTO/S: Screengrab from 24 Oras

Nagbigay-pugay ang mga bumubuo ng Kapuso prime-time newscast na 24 Oras sa pagpanaw ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez, 71.

Ngayong Martes ng gabi, August 29, 2023, kinumpirma ni Mel Tiangco ang pagpanaw ng kapwa broadcaster at kasamahan sa programa.

Hindi napigilan ni Mel Tiangco ang maluha at mabasag ang boses habang binabasa ang official statement tungkol sa pagpanaw ni Mike.

Kasunod ng anunsiyo ay ang pagkilala sa karera ni Mike bilang broadcaster sa loob ng 54 taon, at hindi matatawarang serbisyo nito GMA-7 sa nakalipas na 28 taon.

Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71

SPIELS FROM MEL TIANGCO, VICKY MORALES, EMIL SUMANGIL

Emosyunal si Mel nang bigkasin ang spiels niya para sa tribute ng 24 Oras kay Mike.

"Sa mahigpit limampung dekada niya sa mundo ng braodcasting, hindi maikakaila ang tatak at kontribusyon ni Mike Enriquez sa trabahong kanyang minahal nang buong puso," saad ni Mel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Emil Sumangil, "Siya po ang kasa-kasama natin sa pagtutok sa malalaking balita at sa pagiging saksi sa kasaysayan."

Malungkot ang mukhang bigkas naman ni Vicky Morales, "Ang aming kaibigan, kapuso, at kasamahan, minahal at inabangan din ng mga milyun-milyong mga Pilipino."

Read: Mike Enriquez's memorable TV moments

MIKE ENRIQUEZ: AN ACCIDENTAL BROADCASTER

Ang kasamahan din ni Mike na si Vicky Morales ang nagsalaysay na accidental opportunity ang pagpasok ni Mike sa mundo ng radio and TV broadcast.

May binisita lamang daw itong kaibigan sa isang radio station nang ayain siya nitong mag-apply sa parehong istasyon.

Si Mike ay 19 years old lamang noon.

Lumipat siya sa GMA-7 noong 1995 bilang head ng radio broadcasting ng network.

By chance lang din ang pagsabak niya sa TV broadcast nang mangailangan ang TV network ng male news anchor para sa isang special election coverage.

Pagkatapos noon ay isinalang agad siya bilang news anchor ng Saksi, ang newscast program ng GMA-7. Kasama niya noon sina Mel Tiangco at Arnold Clavio.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa dating panayam ng Imbestigador, ikinuwento ni Mike na hindi niya akalain na ang pagiging TV news anchor ay magiging parte ng karera niya.

"Itong mukha na ito, hindi pang-TV ito. Tanggap ko iyon," diretsahan pero nakangiting bulalas ni Mike.

Kuwelang biro pa niya, "Sarili ko ngang nanay di makapaniwalang nasa TV ako."

Todo raw ang nerbiyos niya noon.

Lalo pang nakilala si Mike nang bigyan siya ng sarili niyang public affairs show, ang Imbestigador, noong 2002.

At noong 2004, unang nabuo ang ongoing prime-time newscast na 24 Oras na pinangunahan nila ni Mel.

Nanatiling news anchor si Mike hanggang sa nag-leave of absence siya ngayong taon dahil sa kanyang karamdaman.

Read: Mike Enriquez mistakenly refers to Sharon Cuneta as Helen Gamboa in Eleksyon 2022 report

MEMORABLE COVERAGES OF MIKE ENRIQUEZ

Likas ang galing ni Mike at tumatak ang kanyang trademark na pananalita — sa radyo man o telebisyon.

Hindi malilimutan ang pagbikas niya ng kanyang closing statement sa 24 Oras na "Dahil di natutulog ang balita!," "Hindi namin kayo tatantanan!," at dating slogan ng programa na "Walang kinikilingan at walang pinoprotektahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binalikan din sa 24 Oras ang galing na pinamalas ni Mike hindi lang sa pagiging news anchor kundi pati na sa pagsabak niya sa sentro ng balita upang personal na makuha ang impormasyon sa kanyang inihahatid na balita sa telebisyon.

Ilan sa kanyang field work ay ang coverage niya ng giyera sa Iraq, Typhoon Yolanda sa Tacloban noong 2013, funeral ni Pope John Paul II sa Vatican noong 2005, at Piyesta ng Nazareno noong 2017.

Naipapamalas din naman ni Mike ang pagiging likas na sigla at pagiging sport kapag nagkakaroon siya ng blooper sa live telecast.

Kabilang dito ang trending na telecast kunsaan napabigkas siya ng "Excuse me po!" matapos niyang maubo sa gitna ng pagdadala ng balita.

Isinama rin sa tribute ng 24 Oras ang hindi malilimutang matapang na pahayag ni Mike noong nagdaang 2022 elections.

Sabi ni Mike patungkol sa winning government officials, "Gusto ko sila singilin. Ano ang maaasahan namin sa inyo ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Para ngayon pa lang magkaalaman na, para habang umuusad ang kanilang termino, nache-check natin yung ginagawa nila versus yung ipinangako nila."

Read: Revisit the memorable moments in Mike Enriquez's colorful broadcasting career

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
24 Oras chronicles Mike Enriquez's accidental career as a veteran radio and TV broadcaster, how he started at the age of 19, and his memorable TV coverages. Photo shows Mike's TV coverage of Typhoon Yolanada in Tacloban, Pope John Paul II's funeral at the Vatican, and his live report during war in Iraq.
PHOTO/S: Screengrab from 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results