Sa pangalawang pagkakataon, muling pinatunayan ng singer couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Ito’y matapos silang muling ikasal, kasabay ng pagdiriwang ng kanilang third wedding anniversary, noong Lunes, August 28, 2023.

Base sa mga litratong kuha ng kanilang mga bisita at ibinahagi sa social media, naganap ang intimate wedding nina KZ at TJ sa isang private garden restaurant sa Quezon City.

Sa pagkakataong ito, present na ang kanilang mga magulang, na hindi pisikal na makadalo sa una nilang kasal noong 2020.
Kasagsagan kasi noon ng COVID-19 pandemic kaya virtual lang nila ito nakasama.

Kabilang din sa mga bisita sa muling pag-iisang dibdib nina KZ at TJ ay ang mga kapwa nila singer na sina Darren Espanto, Kyla, at Erik Santos.

Sa Instagram Stories ni Darren, ibinahagi niya ang ilang kuhang larawan sa naganap na kasalan.
“Love you two! Congrats, newlyweds! On paper na! [laugh in tears and red heart emoji],” caption ni Darren sa selfie nila nina KZ at TJ.

Read: KZ Tandingan recalls "parang nawalan ng direksiyon yung buhay ko" phase with husband TJ Monterde
KZ - TJ LOVE STORY
Mistulang kuwento sa isang pelikula ang pag-iibigan nina KZ at TJ.
Minsan nang ibinahagi ni KZ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang taon nanligaw sa kanya si TJ bago naging sila.
Nagsimula ang kanilang love story sa pagiging magkaibigan.
Kaibigan ni TJ ang kasabayan ni KZ sa The X Factor Philippines (2012) na si Kedebon Colim.
Kuwento naman ni TJ, napadalas ang pagkikita nila ni KZ dahil kay Martin Nievera.
Balik-tanaw niya, "Kapag isinasama ako ni Sir Martin sa mall show, andun sila kasi parang anak-anakan niya yung mga X Factor people.
"Friends lang talaga at first. Walang love at first sight tapos unti-unti ako na-develop sa personality niya.
"Kasi mabait, mahilig sa music, tapos we share the same faith."
Read: KZ Tandingan, TJ Monterde begin discovering each other's weird habits
Nang maging magkasintahan sila, naging bukas si KZ sa pagsasabi kung gaano niya na-appreciate ang pagmamahal sa kanya ni TJ.
Gustung-gusto raw ni KZ ang pagiging maintindihin ni TJ, lalo na sa mga pagkakataong hindi sila nagkikita dahil sa trabaho.
Hanggang noong December 30, 2019, na-engage ang dalawa.
Read: KZ Tandingan engaged to boyfriend TJ Monterde
August 28, 2020 naman noong maganap ang kanilang kasal sa isang resort sa Batangas.
Read: KZ Tandingan, TJ Monterde hold "virtual" wedding in the midst of pandemic
