Scammer ang role ni Joross Gamboa sa The Missing Husband at bilang si Brendan, mahusay na naitawid ni Joross ang kanyang karakter sa nabanggit na GMA Afternoon Prime series.
Sa tunay na buhay ba ay naranasan ni Joross na ma-scam?
“Actually, sa buhay natin merong iba’t ibang level ng scam, e.
“Ito nga yung mga example. Bibigyan ko lang kayo ng tatlong example ng scam; huwag kayo basta-basta maniniwala sa salitang 'I love you.'
“Huwag kayong maniniwala dun sa salita ng mga scammer na, 'Open-minded ka ba?'
“At yung mga simpleng scam sa mga magkakaibigan, 'On the way na ako!'
“Yan yung mga bagay na medyo iingatan niyo,” at tumawa si Joross.
“But seriously speaking, ako rin kasi meron na akong experience na na-scam and actually. even my parents.
"Marami, mga kakilala, marami akong ano... so yung mga nakita ko dun, na-apply ko dito sa show na ‘to.
“So sila yung ini-scam ko dito sa show, di ba?”
JOROSS SHARES REAL-LIFE TIPS ON HOW TO SPOT A SCAM
Ang mga ini-scam ni Joross sa The Missing Husband ay sina Yasmien Kurdi (bilang Millie) at Rocco Nacino bilang si Anton.
“Yung character kasi with the help of siyempre si Direk [Mark Reyes], visually pini-feed niya e, yung situation, yung mga eksena.
“Ang mga scammer kasi, yun nga yung pinag-uusapan namin, mga flashy sila sa mga suot nila, mga gamit nila.
“Lagi rin silang, ito pa yung mahirap ha, yung minsan yung mga una nilang mga clients or mga nakukuha, hindi nila ini-scam, e.
“Sila yung parang resibo nung scammer na, ‘O, kita mo?’
“Hindi nila ini-scam lagi yung una nilang ano, o-offer-an nito.
“Yung mga susunod. Or later on, after mong kumita sa kanila papa-invest-in ka nila ng mas malaki!
“So sina-size up. So yung mga scammer, yun yung, marami, building up relationship, iyon yung pinag-uusapan namin, so mahirap, mahirap.
“Kaya kailangan, katulad nga ng sinasabi ko sa kanila na kapag it’s too good to be true or kapag medyo masyadong maboka yung nag-o-offer sa ‘yo, medyo step back ka muna, magtanung-tanong ka, tulad ng ginawa ni Jak.
“So yung mga ganung bagay.”
JOROSS HOPES NEW TELESERYE CAN EDUCATE VIEWERS
In an interview with Jak Roberto na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay naikuwento ni Jak na muntik na siyang mabiktima ng isang scammer pero naiwasan niya dahil nagtanung-tanong muna siya bago nag-invest ng pera.
READ: Jak Roberto excited about his action scenes in 'The Missing Husband'
Pagpapatuloy ni Joross, “Mahirap, mahirap din sabihin na maiiwasan dahil may mga taong katulad ng mga characters, sina Anton sina Millie, yan, yung gustong sumugal lang.
“Or minsan may pangangailangan ka kaya ka sumusugal para kumita kaagad ng mas mabilis, pero yun, katulad ng sinabi dito sa palabas na ’to, marami silang matututunan.
“And ma-apply din nila iyon sa buhay nila.”
Bukod kina Joross, Yasmien at Rocco ay gumaganap sa The Missing Husband sina Jak bilang si Joed, Sophie Albert bilang Ria, Nadine Samonte bilang Nona, Michael Flores bilang Banong, Shamaine Buencamino bilang Sharon, Maxine Eigenmann bilang Leila, Cai Cortez bilang Glenndolyn, Patricia Coma bilang Arya at Bryce Eusebio bilang Norman, sa direksyon ni Mark Reyes.
JOROSS THANKFUL FOR SHOWBIZ CAREER.
Nasa Canada si Joross for a basketball game at show habang ginaganap ang mediacon via Zoom ng The Missing Husband nitong August 22.
Tinanong namin si Joross kung ano ang mas matimbang sa kanya ngayon: basketball o pag-aartista?
Lahad niya, “To be honest po, ang first love ko talaga is basketball! Nag-varsity ako nung high school, college naglalaro ako kaya lang nag-Nursing ako kaya natigil yung pagba-basketball ko.
“And nung nag-college ako nakita ko yung height ko sabi ko, ‘Ay, mag-aartista na lang ako!’
“Hindi, joke lang. So lahat naman ano, e, binibigay ng Diyos.
“Minsan binibigay ng Diyos hindi kung ano yung gusto mo, e… kung ano yung kailangan mo.
“So dito sa pagiging artista mas lumawak yung pananaw ko sa buhay, kasi we are privileged to experience different situations, to act.
“Kumbaga we are living the lives of everyone, kami ang nagpo-portray ng mga story ng bawat isang tao dito sa mundo kaya sobrang nakakatuwa, nakakataba ng puso and we are blessed and thankful.”
