Sa gitna ng kalungkutan at pagdadalamhati, hindi pa rin maiiwasan sa mga Pinoy ang pagiging mapagbiro.
Napatunayan ito mismo ni Kim Atienza dahil sa ni-repost niyang old profile picture niya noong unang apak niya sa 24 Oras ng GMA Integrated News matapos niyang lisanin ang TV Patrol.
Read: Kim Atienza describes first week as Kapuso: "Mabait ang lahat ng tao rito."
Ang segment ni Kim ay tumatalakay sa ilang trivia at kaalaman na may titulong “Kuya Kim, Ano Na?”
At sa pagpanaw ni Mike Enriquez, ang isa sa main anchors ng GMA flagship news program na 24 Oras, binalikan ni Kim ang unang salang niya sa programa kung saan si Mike ang nag-welcome sa kanya.
Read: Segment ni Kim Atienza sa 24 Oras, magsisimula na ngayong October 11
Ni-reuplaod niya ang larawan nila ni Mike na naka-split screen kung saan may hawak siyang maliit na buwaya at ginawang profile picture noong August 30, 2023.
Ang kapansin-pansin lang ay ginawa niyang black and white ang kulay nito.
Karaniwan kasi sa mga news outlets na black and white ang ginagamit na mga larawan sa mga personalidad na pumanaw.
Caption ni Kim. “My first day in 24 Oras 2 years ago. It was Booma who welcomed me. I'll never forget.”

Sa newsroom, “Booma” ang tawag kay Mike ng mga kasamahan niya.
Ang "Booma" ang call sign na ginagamit niya sa kanilang radio communications.
Read: Bakit "Booma" ang tawag kay Mike Enriquez ng mga taga-newsroom?
NETIZENS’ REACTIONS
Pero, hinaluan naman kaagad ito ng biro ng mga netizens.
Biro pa nila, pumanaw na din daw ang TV host.
May nagsabi ring nagulat sila, o kaya ay, lahat ba daw ng nasa larawan ay patay na.
May isa namang nagsabi na mabuti na lang ay binasa niya ang caption.

May mga umiiyak din at nag-“Rest In Peace” kina Mike at Kim.


Napansin naman ni Kim na naging sentro ng katatawanan ng netizens ang kanyang post kaya muli siyang nag-post ng colored profile pictures na katabi pa rin si Mike.

Paglilinaw ni Kim, “Di po ako namatay.”

Marami namang netizens ang natuwa sa anila ay pagkabuhay muli ni Kim.

Kaya, winelcome back nila ang TV host sa kanyang "pagbabalik" mula sa "pandaliang pagkamatay."


Samantala, naihatid na sa kanyang huling hantungan si Mike ngayong araw, September 3, 2023.
Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez laid to rest at Loyola Memorial Park
Binawian ng buhay si Mike sa ICU ng St. Luke's Medical Center, sa Quezon City, noong August 29, 2023, sa edad na 71.
Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71
Related articles:
- Mel Tiangco speaks about Mike Enriquez's devotion to his wife Baby
- Misis ni Joey de Leon, nangakong di pababayaan ang biyuda ni Mike Enriquez
- Raffy Tima, Howie Severino recall most memorable news coverage with Mike Enriquez
- Sandra Aguinaldo, Mark Zambrano, Mariz Umali, Lyn Ching, Suzi Entrata recall fondest memories with Mike Enriquez
- Arnold Clavio, Connie Sison, Karen Davila, fellow broadcasters pay tribute to late Mike Enriquez
- Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Yasmien Kurdi remember late broadcaster Mike Enriquez
- Jessica Soho looks back on last encounter with Mike Enriquez in memorial letter
- Sen. Jinggoy Estrada files resolution to honor Mike Enriquez's "outstanding body of work"
- Vicky Morales bursts into tears at Mike Enriquez’s wake
- ABS-CBN anchors Karen Davila, Bernadette Sembrano attend first night of GMA News anchor Mike Enriquez’s wake
