In-unfollow na ni Kris Aquino ang ex-boyfriend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa Instagram.

Wala na sa following list ni Kris ang ex-boyfriend matapos niya itong prangkahin na huwag nang magpadala ng mensahe sa kanya noong September 1, 2023.
Ayon pa kay Kris, nawalan na siya ng ganang magtanong kung ano ang mga kaganapan sa buhay ni Mark, gayundin ang ibalita rito ang mga kaganapan sa kanyang buhay.
Mensahe ni Kris, “Marc, aren’t you tired of the unanswered messages? It took me 2 weeks and a half to feel that I no longer really feel the need to keep communication lines open with you.
“Whatever is going on in my life or in yours, parang nawala na the desire for me to know what’s happening with you or for me to keep you informed.”
Nagpasalamat si Kris kay Mark sa pangangumusta nito sa kanya, pero mas gugustuhin daw niyang huwag na nitong gawin.
Aniya, “I want to remain polite, but this is really what happens when we are so far from each other – people really do grow apart.
“Thank you for keeping in touch BUT I’d really prefer if you don’t. It’s really a lot more peaceful now.
“And that's always been my prayer. Serenity & peace.”
Samantala, naka-follow pa si Mark kay Kris sa Instagram at sa karamihan ng fan accounts ng TV host-actress.

MARK POSTS AND DELETES PHOTO WITH PHILIP, ROBIN
Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang pag-post ni Mark ng selfie niya kasama sina Phillip Salvador at Senator Robin Padilla.
Kuha ito sa 50th annniversary ng Pentecostal Missionary Church na ginanap sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac, noong August 27.

Si Phillip ay ex-boyfriend ni Kris at ama ng panganay nitong anak na si Joshua Aquino.
Si Robin ay naugnay rin noon kay Kris.
Dahil sa mga batikos na natanggap, binura ni Mark ang kanyang post at pinalitan ng ibang larawan.
View this post on Instagram
Ikinatuwa naman ng netizens ang ginawa ng politiko.


June 2023 unang inamin ni Mark ang relasyon nila ni Kris.
Read: Mark Leviste confirms relationship with Kris Aquino: "Hindi lang happy, full of love, love, love."
July 10, 2023 nang isinapubliko ni Kris ang hiwalayan nila ni Mark.
