Makukulay ang kuwento ng mga katrabaho at kaibigan ng yumaong si Mike Enriquez sa GMA Integrated News department ng Kapuso Network.
Masasaya at nakakatawang kuwento tungkol kay Mike ang ibinahagi nina Arnold Clavio, Susan Enriquez, at Mel Tiangco sa burol ng renowned news anchor sa Christ The King Chapel sa Greenmeadows, Quezon City, noong September 1, 2023.
Dahil si Mel ang pinakamatagal na kakilala at katrabaho ni Mike, marami siyang nakakatawang pagbubulgar ukol sa yumaong co-anchor.
Forty years na silang magkakilala, at halos dalawang dekadang co-anchors sa primetime news program na 24 Oras ng Kapuso network.
Read: Mel Tiangco speaks about Mike Enriquez's devotion to his wife Baby
Gaya nina Susan at Arnold, personal din ang mga pambibisto ni Mel kay Mike.
Pero iginiit nilang “alam” ito ni Mike, at gusto nilang ipakita na sa likod ng pagiging respected news anchor ni Mike ay “taong-tao” ito.
GOOD DAYS, BAD DAYs WITH MIKE; ORIGINAL MARITES
Kuwento ni Mel, sa tagal na panahon niyang kilala si Mike, alam niya ang “good days, bad days” nito.
May mga araw raw na may mood o masungit si Mike.
Kapag daw bad day, “Pumapasok pa lang iyan ng studio, catatonic na. Kakausapin mo, parang walang nakitang tao. Alam mo na it was a bad day.
“So, there are days nagkikita kami, we do our work. Wala man lang kami [usap].”
Binansagan daw ni Mel na "Hi, Mike. Bye, Mike" ang mga araw na iyon.
May mga panahon din daw na nakakatulog si Mike sa kanyang upuan habang umeere ang news prime dahil sa sobrang pagod.
“Kawawa talaga yung mama. He was so hardworking. Natutulog, yung salampak siya talaga.
“E, ako yung takot-takot, e, baka bumagsak sa silya. Kaya yung aming floor [director], e, parati ko pinagsasabihan, ‘Bantayan mo si Sir, naku… baka bumagsak yan.’”
Alam naman daw niyang good day si Mike kapag pumasok itong “full of energy.”
Kuwento ni Mel, “Alam niyo yung studio namin, kanya-kanya kami [puwesto] diyan.
“Dadating yan, medyo, siyempre, talaga full of energy.
“’Carmela! Carmela!’ He calls me Carmela. He's the only one who calls me Carmela.
“Yeah, maybe I should tell him now that every time he calls me Carmela, makes me feel young.
“At pagkatapos, alam niyo ba kung ano yung Carmela-Carmela? May juicy, juicy story siya.
“Alam niyo naman ‘to, alam niya lahat ng nangyayari, whether it’s politics or whatever… In GMA or outside GMA, dami yan chismis.
“Kaya ang original marites, si Mike Enriquez! Maniwala kayo sa akin. Ang daming kwento niyan.
“Good day iyon.”
“EXCUSE ME PO!”
Hindi rin pinalampas ni Mel ang pagkakataong ibisto si Mike kung bakit bigla itong mauubo sa kalagitnaan ng pagbabalita sa news program nila.
Ito ang dahilan kung bakit nag-viral ang “Excuse me po!” ni Mike.
“Alam niyo ba kung bakit siya umuubo? ‘Excuse me po!’ Kumakain!” ani Mel.
Paborito raw ni Mike ang kumain ng cup noodles at minsan naman daw ay mani.
“E, bawal sa studio, e. Bawal kami sa studio kumain. Kumakain talaga [si Mike],” pagbubunyag ang veteran anchor.
“Siyempre, sasabihin niya, kasi daw diabetic siya. Hindi puwedeng magutom. Kailangan every two hours kakain siya. So, kumakain talaga.”
Sundot ni Mel, “O, ito ang mahirap. Inaalok pa niya kami! ‘Gusto niyo?’ E, bawal. Nasa studio, di ba?
“But you know, he gets away with things like that. That's okay. E, pagod e.”
Read:
- Baby Enriquez recounts last moments with husband Mike Enriquez: “Kung pagod ka na, you rest na. And I love you.”
- Arnold Clavio, nag-alay ng tula para sa ama-amahan na si Mike Enriquez
- "Emotional" Jessica Soho attends burial of Mike Enriquez; proud that she helped him “get into television”
THE MAN BEHIND THE CAMERA
Sa kabila ng reputasyon ni Mike bilang isang matapang na news anchor, may malambot daw itong puso sa likod ng camera.
Sabi ni Mel, “Mike was genuinely compassionate and extremely generous to many of those he had crossed paths with.
“He helped case studies even after his story has aired.
“He'd help colleagues going through a rough patch or have lost a loved one. And monetary isn't the only kind of help he extended.
“He gave life and career advice to the young and old.
“It can never be denied that Mike has truly touched the lives of countless individuals.
“He has also been someone who helps even those who never ask for help. He was indeed an inspiration,” papuri ni Mel sa kanyang katrabaho at kaibigan.
Inihatid sa kanyang huling hantungan si Mike sa Loyola Memorial Park nitong Linggo, September 3, 2023.
