PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Martin del Rosario bulks up for next project after Voltes V: Legacy

From wearing big costume to having bulky bod.
by Rommel Gonzales
Published Sep 8, 2023
Martin del Rosario as Zardoz in Voltes V
Martin del Rosario says goodbye to his role Zardoz in Voltes V: Legacy, and moves on to his next project, which requires him to bulk up.
PHOTO/S: @martinmiguelmdelrosario on Instagram

Maituturing na “love team” ang mga Boazanian sina Prinsipe Zardoz at Zandra sa Voltes V: Legacy na ginagampanan nina Martin del Rosario at Liezel Lopez, respectively.

At sa pagtatapos sa Biyernes, September 8, 2023, ng live action adaptation ng GMA, ano ba ang mangyayari sa prinsipe ng Boazanian empire at sa babaeng heneral ng mga aliens na kalaban ng Voltes V?

Read: How did Martin del Rosario prepare for Prince Zardoz role in Voltes V: Legacy

Hango sa sikat na Japanese anime na Voltes V ang serye na ipinalabas at naging phenomenal dito sa Pilipinas noong 1978.

Ayon kay Martin, “Actually sa anime po kasi po, hindi masyado ngang na-explore yung love story nina Zardoz at ni Zandra.

“Parang sa ending na po siya malalaman na lang na mahal ni Zardos si Zandra.

“Pero ang maganda dito sa Voltes V: Legacy, na-explore, na-explore yung love story namin. So parang may slow build-up dun sa love story namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Liezel Lopez, totohanan o gimik ang pagka-"fall" kay Martin del Rosario?

Kaya nga raw simula ng nakaraang linggo hanggang sa huling linggo ng pag-ere ng programa ay mas nakatutok ang kuwento sa pag-ibig ng dalawa.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang members ng media si Martin sa Zoom presscon ng Voltes V: Legacy noong Miyerkules, August 30.

Tanong ng PEP.ph kay Martin, dalawampung taon mula ngayon ay magbabalik-tanaw siya sa panahong naging bahagi siya ng Voltes V: Legacy, ano kaya ang papasok sa kanyang isipan?

Tugon ng aktor, “Sobrang proud ako na maging parte nito and parang forever ko na itong dadalhin kahit twenty years pa iyan.

"Kasi parang minsan ko masasabi na, ‘Ako si Zardoz!’ dito sa Voltes V: Legacy.

“So nakakataba ng puso, nakaka-proud, halu-halo... alam kong nagawa naming maganda ito and maipagmamalaki talaga.

"And puwedeng ipagmalaki sa ibang bansa. So nakaka-proud!”

Read: Voltes V: Legacy–The Cinematic Experience lives up to hype as visual feast!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung pinapila siya ng ibang papel, anong role ang nais niya sa Voltes V: Legacy at bakit?

Ani Martin, “Ako siguro, gusto kong gampanan si Mark Gordon kung hindi ako si Zardoz.

"Kasi originally sa audition dalawang scripts yung binasa ko, Zardoz and Mark.

“Interesting din yung character ni Mark so parang ang sarap din siyang paglaruan kung hindi ako si Zardoz siguro.”

Si Radson Flores ang gumanap bilang Mark Gordon na isa sa mga piloto ni Voltes V kasama sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, at Raphael Landicho bilang Little Jon Armstrong.

WHAT'S THE NEXT PROJECT OF MARTIN?

Samantala, sa Instagram account ni Martin ay makikita ang mga posts niya about pagpapaganda at pagpapalaki ng katawan sa pamamagitan ng regular workouts sa gym.

May pinaghahandaan pala kasi si Martin na proyekto, “Hindi ko pa po puwedeng sabihin, confidential pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero may pinaghahandaan po ako, kailangan medyo malaki ang katawan ko.

“Right now nagte-taping po ako for Asawa Ng Asawa Ko kasama pa rin dun si Leizel.”

Dagdag niya na may bahid pagkalungkot, “Medyo bittersweet yung pakiramdam na nasa bagong show kami kasi talagang na-miss ko yung Voltes V: Legacy.

“Ngayon na may bago kaming show nakakapanibago yung feeling.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Martin del Rosario says goodbye to his role Zardoz in Voltes V: Legacy, and moves on to his next project, which requires him to bulk up.
PHOTO/S: @martinmiguelmdelrosario on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results