Agaw-eksena sa sidelines ng FIBA Basketball World Cup 2023 ang pagkikita ng dating magkasintahang sina Gerald Anderson at Maja Salvador.
Kumalat sa TikTok ang video clip kunsaan lumapit si Gerald sa puwesto nina Maja at mister nitong si Rambo Nuñez sa may front seat area ng Philippine Arena sa Bulacan.
Unang bumati si Gerald kay Rambo. Masayang nagyakapan ang dalawa na dati nang magkakilala.
Sumunod na nilapitan ni Gerald si Maja, at nagbeso pa ang mga ito.
Iyon ang first game ng Gilas Pilipinas laban sa Dominican Republic na ginanap noong August 25, 2023.
Pero bukod sa pagkikita ng ex-couple, pinuna ng netizens ang reaksiyon ng engaged couple na sina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray na nasa bandang likuran ni Maja.
Biro ng netizens, "forda marites" ang reaksiyon nina Sam at Cat sa nasaksihang pagkikita nina Maja at Gerald.
May mga kuwela pang nag-react na siguradong "nagchismisan" daw sina Sam at Cat tungkol sa nangyari.



May mga nagkomento ring tila "all is well" sa pagitan nina Maja at Gerald dahil cool lang ang mga ito sa video.
Tingin din ng isang netizen, malaking bagay na hindi raw nagsalita si Maja tungkol sa hiwalayan nila noon ni Gerald kaya nanatiling civil ang mga ito.
Taong 2015 nang maghiwalay sina Maja at Gerald. Noong panahong iyon, nagpahiwatig si Maja na si Gerald ang nag-initiate ng breakup nila.
Pero liban doon ay walang ibang detalyeng sinabi pa si Maja tungkol sa past nila ni Gerald.
Naging bukas din ang aktres sa pagsasabing masaya siya para kay Gerald nang magkaroon si Gerald ng bagong nobya.
Read: Maja Salvador on breakup with Gerald Anderson: "Hindi ko alam kung ano talaga yung rason niya."
Waring hindi talaga isyu ito sa ex-couple dahil ang video clip na kumalat sa TikTok ay kuha sa mismong vlog na in-upload ni Gerald noong August 28.
May kanya-kanya na rin silang happy love life.
Kung si Maja ay masaya na sa piling ng mister na si Rambo, si Gerald naman ay going strong ang relasyon kay Julia Barretto.
Related Stories:
- Maja Salvador and Rambo Nuñez's love story: from rekindled romance to the wedding day
- THE WEDDING ALBUM: Maja Salvador and Rambo Nunez
- Maja Salvador, Rambo Nuñez wear matching white outfits at pre-wedding dinner
- Maja Salvador playfully probes Rambo Nunez's reaction to her cooking: "Ba't parang di ka nasarapan?"
